Chapter 27 Family “Aware naman si hottorney sa mga ginagawa mo sa trabaho mo, `di ba? Baka naman, maintindihan niya rin `yon.” Hindi ako maalo sa mga advices ni Cris kahit na anong gawin ko. Para namang VTR `yong isip ko na paulit-ulit na nagpe-playback `yong ginawa namin kanina ni Billy. Napapapikit ako at napapangiwi na lang ako tuwing naalala ko. Dapat ko bang sabihin kay Raven lahat nang `to, eh, nag-e-exam `yon ng BAR? Baka, maging distracted `yon lalo! Nilalamon `yong pagkatao ng matinding reaksyon ni Raven kapag nakita niya `yon. Hindi malabong araw-araw niya `tong dadalhin. Iyon pa nga lang `yong nagagawa namin, natataranta na ako ngayon. Paano pa kaya kapag nakita niya pa `yong mas terible? Mas lalong nakakapanic! “Aware siya… pero siyempr

