Chapter 7

4766 Words
Chapter 7 Slow Down Hindi ko na yata maramdaman `yong mga paa ko na nakasayad sa lupa dahil hila-hila ako ni Sir Vergara. Napapasulyap nga `ko sa kamay niyang nakapulupot sa akin. Nasa harapan ko siya at pakiramdam ko, iyong malapad niyang balikat, natatago ako nito sa lahat ng mga tao. Sa mapanghusga nilang mga tingin sa `kin.             Tahimik lang si sir… pero ramdam kong galit siya.             Kung saan?             Hindi ko alam.             Ngayon, hindi ko alam kung paano ko ikukuwento sa kaniya `yong trabaho ko. Alam kong wala namang masama sa ginagawa ko ro’n, kaso `di ko alam kung katanggap-tanggap `to sa paningin niya. Kasi, `di ba, iyong iba nga, hinusgahan na `ko kaagad dahil sa pagsusuot ko ng mga seksing damit at printed na siya sa magazines at naka-post pa sa mga bulletin boards.             Ang masama, madalas ko siyang nakikita. Siya ang professor ko, kahit na temporary set-up lang. Ano mang oras, alam na niya, hindi man kabuuan, pero iyong mga tumatakbo sa buhay ko. Tuwing makikita ko siya, ipapaalala niya sa `kin na kailangan kong maging aware sa tingin sa `kin ng mga tao.             Paano na `ko makakahinga nito?             Gusto ko sanang ilaban at idepensa ang sarili ko dahil alam ko namang wala akong ginagawang masama. Gusto ko sanang lumaban dahil ano’ng masama sa pag-mo-model ko? Ano’ng masama kung mag-suot ako ng mga gano’ng kase-seksing at kaiikling damit? Bakit kailangan kong matakot at mabahala sa iisipin ng ibang mga tao sa akin?             Bakit ang sakit na `yong trabaho ko, nakakababa na kaagad ng moralidad, eh, hindi naman ako pumatay? Hindi naman ako tumapak ng pagkatao ng iba? Bakit kailangang diktahan ng lipunan `yong buhay ko?             “Where’d you wanna go?”             Hindi kaagad ako nakasagot sa biglang tanong ni Sir Vergara. Nakaawang lang `yong labi ko sa kaniya.             Tama ba naman `yong narinig ko? Tinatanong niya kung saan ko gustong pumunta, eh, hinila-hila niya `ko rito sa labas?             “Bakit n’yo po `ko tinatanong? Kayo po `yung nanghila sa `kin, `di ba?”                 Nagulat na naman ako, o mas madaling sabihin, nasorpresa. Seryoso bang mukhang na-amuse si sir Vergara? Sobrang saglit lang. Sobrang saglit lang din siyang ngumiti, eh.             Namamalik-mata ba `ko?             Mukha namang hindi, pero ano’ng ka-amuse-amuse sa tanong ko, eh, tama naman? Siya naman `yong nanghila `tapos siya pa `yong may ganang nagtatanong? “Because I’d like to choose a place where you’re comfortable in, so you could also relax, too,” paliwanag ni Sir Vergara. Parehas kaming napalingon sa labas no’ng nagsimula nang bumagsak `yong ulan. Kanina pa kumukulimlim `tapos balita pa sa TV na babagsak ang isang malakas na ulan. “I know a coffee shop nearby here. The place is not that crowdy so it’d really suits us; so we could also discuss your story. Would that be fine with you, Miss Perez?” Um-oo na rin ako sa huli. Wala naman akong takas dito. Magtatanong din `tong si sir Vergara kahit na ano’ng gawin kong pag-iwas sa kaniya. Mas lalong ayoko siyang magtanong sa MSU. Delikado pa `yon lalo dahil ang daming mga matang nakatingin sa `kin.   Sa buong biyahe, ang tahimik naming pareho. Walang nagsasalita. Tumititig na lang ako sa bintana para lang ma-distract ako. Lumalakas lalo `yong ulan no’ng dumating kami sa sinasabing coffee shop ni Sir Vergara. Mukha ngang private `yong lugar dahil pagkababa namin, walang ganoong mga tao pagkapasok namin sa loob. Sinalubong na kami ng personnel doon. Titig na titig `yong babae kay sir. Habang nagsasalita si Sir Vergara, nakatulala pa. Halatang nadadala siya sa tindig at boses no’n. Hindi ko naman ikakaila, ang ganda ng tono ng boses ni sir. Iyong mababa na paos? Ang fluent pang magsalita ng English. Lalaking-lalaki `yong datingan. Siguro, gano’n na talaga kapag nasa ganiyang edad na. Dumiretso kami sa second floor. Kami lang iyong naroon. Umupo kami sa may couch na nasa bintana na. Magkatapatan kami ng upo. “I ordered food also for us so we won’t feel famished later.” Tumango ako. Maya-maya, nagkatitigan kaming dalawa, walang nagsasalita. Halatang tinitimbang niya kung saan siya magsisimula. Nakasalalay lang naman sa kaniya `yong sagot ko kung pa’no niya sismulan `yong tanong. “So… what’s your job?” Sinulyapan ko muna `yong bintana bago ko siya sinagot, “Part-time modelling.” Tumango-tango siya. “Are you working on it for years? Months?” Umiling kaagad ako. “Assistant po `ko sa salon na pinapasukan ko dati bago po `ko nakuha sa pinapasukan ko ngayon. Kaya lang po `ko natanggap dito dahil sa customer ko po dati.” “What kind of products you usually model or endorse?” “Damit po mula sa iba’t-ibang brands.” “Okay… what kind of clothes?” Doon na kumabog `yong dibdib ko sa kaba. Hindi ko kasi alam kung pa’no ko isasagot. Mabuti na lang at dumating na `yong order namin. Ang dami ring in-order ni sir! Halos mangiwi nga `ko no’ng nilalapag na niya `yong in-order niya sa `kin. Puro mga carbs pa. Naalala ko pa naman `yong bilin sa `kin ni Cris na kailangan kong maging strict sa kinakain ko para ma-maintain `yong figure ko. “Mga apparel po na pang-gayak… may mga pinapasuot din po sa `king undergarments. Part naman po `yon ng work---” “Do they have your consent?” Natameme ako ro’n, ah? “I have to know. Because if they’ve forced you, that’s a foul of your liberty already.”  “Siyempre naman, sir. Hindi n’yo naman ako makikitang nagtratrabaho sa kanila kung wala po. `di ba?” Nakita ko na naman `yon. Iyong mga mata niya, kumislap sa sinabi ko. Itong mga reaksyon niya, sobrang rare. “All right.” Ako naman `yong natigilan. Hinahanap ko `yong panghuhusga sa mga mata niya. Ang dali na sa kaniya na husgahan ako at sabihin niya na bata pa `ko… na mali `yong ginagawa ko kasi nilaladlad ko sa na madla `tong katawan ko. Na dapat na ganitong edad, hindi ako pumapayag na maiikli `yong mga damit ko kasi ano na lang `yong mga sasabihin no’ng ibang mga tao? Hinahanap ko `yun. Nasaan na `yon?! “Hindi n’yo po `ko huhusgahan?” Iyong noo niya, nakakunot na. “And why would I be? Who am I to judge you, Miss Perez?” Natigilan ako ro’n. Lumaki ako na danas na danas ko na `yung matatalim na salita ng mga tao dahil sa nanay ko at ngayon sa pinapasukan ko. Nilulunok ko lahat ng mga panlalait at panyuyurak nila sa pagkatao ko. Pero itong taong `to… na hindi ko makakitaan ng ginagawa nila. “There’s nothing wrong with what you’re doing for as long as it is not manipulating on your part. That’s the reason why I’m asking you if they have your consent because if they haven’t, that’s the only time that everything’s going to mess up. You’re going to have no control of your life over, then. That’s your body, Miss Perez, and you, wearing those clothes is your choice. That should not define you as who you are. Besides, you are just doing your job. Again, there’s nothing wrong with it.” Hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko. For the first time, may unang taong tumingin sa akin nang gano’n na `di kaagad nagpadala sa sinasabi ng ibang mga tao. “Tell me, are you regretting that you chose this work? Labag ba `to sa paniniwala mo?” “Hindi po.” “That’s good, then. I’m not in the position to judge your means of living. I’m now actually admiring you because you’re doing your best to juggle your studies and your work. That’s hard, especially that you’re studying. Tell me… do your parents---” Napayuko ako kasi baka kung ano’ng masabi ko sa kaniya tungkol kay Glenda. Kahit na nagagalit ako kay Glenda, hindi ko pa rin gusto na naririnig sa ibang tao na gano’n siyang magulang sa amin. Na pinababayaan niya kami. Magulang ko pa rin naman `yun. “Fine.” Huminto siya saglit. “I’m sorry if I got mad because I thought, you’re just taking your subjects for granted, especially my subject to you since it’s just a minor one. I never thought that you’re going through with this all. You’re a good performing student… at nanghihinayang ako na napapabayaan mo ang pag-aaral mo nang dahil dito. Instead that you’re enjoying your studies and living a normal life as a student, you need to struggle your life this hard to continue your dreams. I’m sorry for that, Miss Perez.” Kung hindi lang mabilis na magpigil `tong isip ko, baka umiiyak na `ko sa harapan ni sir. Ni minsan, wala pang humingi ng tawad sa `kin para sa misjudgments nila kaya hindi ko matama lahat ng tao sa mga sinasabi nila tungkol sa `min dahil may nabuo na sila sa isipan nila. Dahil alam nilang may history ang nanay ko kaya tingin nila, gano’n din kami pagtanda. Wala ba kaming mga pangarap? Bakit nila kami tinatanggalan ng karapatang mangarap? Bakit sila `yong nagbibigay ng definition sa kung sino kami?  Ang sarap pala sa pakiramdam na may nag-a-acknowledge ng lahat ng struggles mo. Na pinapakita sa `yo na walang mali. Na hindi ka kailangang husgahan ka nang dahil lang sa pananamit mo, sa ginagawa mo. Sobrang overwhelming. “Just continue striving hard, Miss Perez. I’m sure your parents are proud of you.” Huminga ako nang malalim. Wala naman sigurong masama kung ikuwento ko sa kaniya `yong mga napapagdaanan ko, tutal, may alam na siya sa trabaho ko, tama? “Hindi kami… hindi po kami na-po-provide-an nang maayos ng nanay ko, sir.” Natigilan kaagad siya sa sinabi ko. Kailanman, natatakot akong i-bring-up `yong tungkol sa pamilya ko. Tanging si Yllena at Donita lang `yong napapag-rant-an ko. “What do you mean?” mukha siyang nalito sa sinabi ko. Ngumiti ako nang mapakla. Kinuha ko `yong kape na hindi na halos umuusok at sinimsim iyon. Bumaling `yong tingin ko sa bintana para mas makapagkuwento pa `ko. “Galing kami sa iba’t-ibang lalake ng nanay ko. Lima po kaming magkakapatid. Ako `yong galing sa pangalawang asawa. Iyong mga kapatid na kasama ko po sa bahay, anak sila sa huling asawa ng nanay ko. Iyong dalawang nauna naman po, may mga asawa na. Bale, lima po kaming magkakapatid sa pamilya, sir.” Ramdam ko `yung pakikinig niya ng tahimik. Huminga ulit ako nang malalim. “Ang pangit ng family set-up namin, sir, `di ba?” Hindi siya sumagot. “`Yong nanay ko? Naniniwala `yon na para sa kaniya, negosyo `yong pagkakaro’n ng pamilya. Na kapag nagkaroon siya ng mayamang asawa, mabubuhay siya at siyempre, magiging mayaman na rin.” “Kung hindi kaila sa inyo, laman lagi kami ng tsismis sa Maestranza. Para kasi sa kanila, magaling kumabit sa iba’t-ibang lalake `yong nanay ko. Na kapag nakakita ng mayaman, lalo na kapag foreigner, papatusin niya kaagad.” “I-I never heard of that, Miss Perez.” Doon na ako napalingon. Wala pa ba siyang alam sa buhay ko? Nagkibit-balikat na lang ako. “Pasensya na rin po kung napapabayaan ko `yung pag-aaral ko. Kailangan lang talaga naming mabuhay, sir. May mga kapatid po `kong umaasa sa `kin. Kailangan kong ibigay sa kanila `yong mga pangangailangan nila sa pang-araw-araw. May mga pangarap pa po `kong gustong matupad. Wala naman po `kong magawa kasi kahit na ano’ng gawin ko, kailangan po namin ng pera. Ayaw naman po namin sumandal sa mga kamag-anak namin. Kahit sa mga nauna sa akin na anak kasi po ayaw kong tumanaw ng utang na loob..” “Why do I need to apologize? I should be the one saying apologies to you. If this might not happen, if I wasn’t able to see you working on your agency, I might have misjudged you because I don’t know this struggling you’ve been going through ever since.”             May sandaling katahimikan ang pumagitna sa `ming dalawa. Pareho kaming sumimsim muna ng kape namin na nasa tasa.             “I might’ve not known everything deeply, but all I could say is, you have my respect, Miss Perez. My level of respect to you actually go higher. Please give credits to yourself. You deserve it.”             Parang ako naman `yong nahiya dahil sa mga pinaggagawa ko sa kaniya. Na-judge ko rin siya nang mali dahil nga sa nangyari no’ng una naming encounter. Akala ko, habambuhay na siyang parang yelo, na minsan, walang pakialam sa pinagdaraanan ng estudyante niya. Na parang, “grades muna bago pansarili” `yong motto niya sa buhay.             Pero pagkatapos kong pakinggan sa kaniya lahat nang `to? Doon ako nagkamali ng pagkakakilala sa kaniya. Maling-mali.             “Sir, thank you.”             Napaawang agad `yong labi niya. Bakit, mukhang hindi ba `ko marunong mag-sorry?! “Kaya ko naman pong mag-sorry, sir. Mukha po ba `kong hindi nagsasabi no’n?” “I didn’t say a thing.” Ang seryoso ng boses niya pero may amusement din sa mga mata niya. “Parang `yon `yong gustong n’yong sabihin kaya ng mukha n’yo.” “You’re giving the wrong judgement.” At ako pa talaga `yong may wrong judgement sa `ming dalawa? Ayos, ah. Hindi ko na nga lang sinagot kasi, baka makalimutan ko na naman na prof ko siya. Ito pa namang bibig ko, minsan, walang pinipili. Sandali lang din kami sa coffee shop. Nag-offer si sir na ihatid niya na lang daw ako sa Maestranza pero hindi ako pumayag kasi siyempre nakakahiya rin, ano, kahit pa na sabihin nating professor ko siya. Nasa building na ulit kami ng RECO. Inihatid ako ni Sir Vergara at ibinaba sa labas ng building. Nagpaalam na siya sa `kin `tapos sinabi niya na may oral recitation kami by next week. Ibang klase rin `tong si sir. Kahit na hindi ako pumasok, hindi rin ako pinapaligtas sa mga gawaing pang-school. “Frenny!” Napaatras ako medyo no’ng nilapitan na `ko ni Cris. Teka, naiiyak ba siya?! Mukha na siyang napapaiyak! “Grabe ka, frenny, sa’n ka pumunta?!” Gusto ko tuloy tumawa nang malakas kasi promise, mukha na siyang napapaiyak! Gano’n ba `ko katagal nawala para umakto siya nang ganito sa `kin?! “Nag-usap lang kami ng prof ko sa malapit na coffee shop.” Kuminang agad `yong mga mata ni Cris. “Prof mo `yun, `be? Ireto mo naman ako. Mukhang guwapo, frenny!” Napangiwi ako no’ng nagtitili na si Cris. Ibang klase naman `tong kiligin. “Taken na `yon si sir.” Na hindi ko rin alam kung tama nga ba. Pero mukha naman siyang may girlfriend kaya panindigan ko na rin. No’ng sinabihan ko si Cris, ayun, lumugmok kaagad. “Ang bilis naman ng heartache ko.” “Wala namang heartache do’n. Ikaw lang `yong nagparamdam niyan sa sarili mo.” “Grabe! Ang bully mo sa `kin, frenny!” “You okay?”             Nasa gilid ko na pala si Billy, hindi ko pala namalayan. So, kasama pala niya si Cris buong oras?             “Yes. Thank you for the concern,” sagot.             Umiling kaagad si Billy. “We reported those motherfuckers in the agency. Rest assured they’re not gonna come back. Those assholes deserve shits in hell. No one’s giving them the license to disrespect you like what they did. I dunno why they’re even on the agency’s building.”             Napangiti ako nang bahagya sa kaniya. “I don’t actually mind them. What they know about me is just a surface. Ever since I chose to work here as RECO’s model, I knew the consequences I needed to face on. This isn’t gonna make me surrender, don’t worry, Billy. I’m far beyond their derogatory remarks. At least, I know how to respect animals.”             Tumawa silang pareho sa sinabi ko. Totoo naman, kaya ko namang rumespeto sa mga taong ang tingin sa `kin, mas mababa pa sa kaya nilang tingnan sa mga sarili nila.             “By the way, it’s getting darker. Would you like to take a ride with me at your place?”             “Yes---”             “No need, Billy. We can still commute at this hour. The ride won’t take that long. We just have one hour to travel on Maestranza.”             “Seryoso ka ba, frenny?!“             Alam mo `tong si Cris, bagay talagang itapon `to sa Ilog Pasig, eh. Ang ingay! Alangan namang pumayag kami sa alok ni Billy, mas nakakahiya kaya `yon! Hindi biro ang mag-drive vice-versa, ano. Ang layo kaya ng Maestranza sa Alabang?             “You sure?”             “Yes.” Tumango ako.             Pinabayaan din kami ni Billy, sa huli. Reklamo sa akin nang reklamo si Cris kasi chance na nga raw `yon para makatipid sa pamasahe. Itong Cris na `to, balak pang mangburaot ng ibang tao, eh.             May schedule photoshoot na naman kami. Hindi na katulad no’ng mga naunang photoshoots, puro trousers at tops ang m-in-odel namin para sa isang local brand. Natutuwa nga ako habang pinagmamasdan `yong sarili ko na suot-suot `yong iba’t-ibang trousers kasi ang tangkad ko lang tingnan. Bumabagay pa sa hubog ng katawan ko since slim ako.             “Know what, Joy? Everyone’s been curious about the guy who purposely dragged you out of the building. Who is he to you again?”             Halos alam na yata sa RECO `yung nangyaring insidente no’ng isang araw. Mas naging remarkable pa nga sa kanila`yong paghila sa `kin ni Sir Vergara palabas ng building. Hindi ko na lang sinasagot masyado `yong tanong kasi involved si sir. Hindi naman niya deserve na mapag-usapan.             `Tsaka, naiirita ako na mas focus pa sila ro’n, eh, ang main highlight naman talaga, `yong ginawang pambabastos sa `kin ng mga hudas na `yon na nasa building pa sila ng agency na `to.             Kakaiba talaga ng mga tao.             “He’s my---” hindi ko puwedeng sabihin sa kanila na prof ko siya! “guardian.”             Kumunot `yong noo ni Billy. “Guardian?”             Kumunot din `yong noo ni Cris. “Ano’ng guardian, frenny, p---”             Ang daldal talaga ng bruhang `to! Pinandilatan ko nga. Natigilan din, kainis.             “Ay, oo nga pala, frenny, guardian mo nga pala `yon.”             At talagang may sarcasm `yong salitang ‘guardian’, ha?             “Ah, I see. It’s nice, then, by the way. You could, at least, reach him out if you need his help.”             Hindi ko malamang gagawin `yan. Kahit na ano’ng mangyari, hindi ko naman gagawin `yan!             “Hey, according to what I’ve heard, you are chosen to be one of the models for Penshoppe Runway.”             “Talaga?” halos bumilog `yong mga mata ko sa gulat.             Runway `yon! Runway!             “Yeah.” Tumango si Billy. “If you’re gonna be chosen, I’d do everything just to be chosen, too. I’m actually comfortable working with you.”             “Oh, thank---” Pota! Balak ba `kong isubsob sa lupa nitong si Cris?! Pa’no, habang nagsasalita si Billy, bigla ba naman niya `kong itiinulak mula sa upuan ko?! “Muntik na `kong mahulog, o!” Humalakhak si Cris. “Sayang, frenny, ba’t `di pa now?” Ano raw?! Naging mabilis lang din `yong photoshoot. Maaga kaming d-in-imiss dahil may training pa raw kami bukas tungkol sa Personality Development. Inalok na naman ako ni Billy kung puwede niya raw ba `kong ihatid sa Maestranza. Tumanggi pa rin ako, siyempre. Mabuti na lang, hindi na nangialam pa `yong mahaderang si Cris. Hindi rin kami sabay umuwi no’n dahil dadaanan pa raw niya `yong kamag-anak niya sa Bicutan. Naglakad na `ko sa Metro South Station para sumakay ng bus papuntang Maestranza. Tumigil lang ako sa paglalakad no’ng may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, do’n tumambad sa paningin ko si Sir Vergara. Ang linis niyang tingnan `tapos bumata rin siya sa suot niyang black v-neck shirt na hapit sa katawan niya at army green cargo pants. `Yong buhok niya, lumalago rin habang tumatagal. Mas humahaba. Mukhang hindi siya professor sa hitsura niya. Parang boy-next-door ang pormahan ni sir ngayon. “Kayo pala, sir.” Tumango si sir.    “Ano po’ng ginagawa n’yo rito?” “I swung by at a place nearby. I’m supposed to buy food in front of that convenient store when I stopped because I saw you.” Oo nga. Nasa tapat nga kami no’ng sinasabi niyang convenient store. Eh, 7/11 lang naman. “Going home?” Tumango ako. “Papunta na po `ko ng Maestranza.” Sandali siyang tumango dahil nakatingin na siya sa mga hawak ko. Bakit gano’n naman siya makatitig? Mukha ba `kong kaawa-awa? “You want to take a ride with me? I’m also going to Maestranza after buying the essentials I need.” “Hindi na po, sir---” Nag-angat kaagad ako ng ulo no’ng naramdaman ko `yung pagpatak ng ulan. “There’s an advice that heavy rain will fall anytime today. Are you sure you’re okay?”  Wala naman sigurong masama, `di ba? Gusto ko sanang mahiya, kasi siyempre, prof ko siya `tapos ang kapal ng mukha kong pumayag sa alok niya. Sige na nga. Pumayag na rin ako. Naisip ko, paano kung lumakas bigla `yong ulan, eh, naglalakad pa `ko. Naka-heels pa `ko. Nakalimutan ko kasi `yong flat shoes ko na dalhin. Dala-dala ko pa `yung make-up kit ko kaya mas hassle. `Di ko man napansin kung ano’ng brand `tong sasakyan ni Sir Vergara pero sa amoy pa lang ng carfreshner `tapos sa kintab pa lang ng leather ng upuan no’ng umupo ako, alam ko nang mamahalin `to. Parang nakakatakot umupo ang isang hampas-lupang kagaya ko. Ang dulas-dulas pa. “Have you studied your lesson?” Nilingon ko kaagad si sir na nagmamaniobra naman ng steering wheel. “I’d be giving a quiz on Tuesday.” Pota! Mabilis niya `kong binalingan. “Study chapters four and five. Do’n ka mag-focus mag-aral.” Hindi ako makapaniwala. May perks pala ako kay sir? “Okay po. Thank you, sir.” T-in-ext ko na kaagad si Cris na bawal ako sa Tuesday. Dahil sa mga nangyari sa `kin, natuto na `kong mag-organize ng schedule ko at i-prioritize `yong goal ko; `yung pag-aaral. Ayokong maiwanan. Okay lang kung hindi na `ko makasama sa dean’s list o sa scholar. Ang mahalaga, hindi ko `to napapabayaan. Siguro nga, hindi mo naman puwedeng makuha lahat. Kung mawala man ako sa dean’s list, maiintindihan ko `yon. Babawi na lang ako sa susunod. “Are you okay?” Nagtanong siguro si Sir Vergara dahil kita niya yata na mukha na `kong problemado. “Sabay po kasi `yong examination ko sa inyo sa training ko po with RECO.” “Oh… You can attend it if it requires you to do so. I can schedule you for a special examination.” Umiling ako. “Hindi na, sir. Kaya ko namang gawan `yong missed ko sa RECO, eh. Bahala po si Cris sa schedules ko.” “Sure?” “Yes.” Sa kalagitnaan ng biyahe, napatigil na kami no’ng lalong lumalakas `yong ulan. May bagyo yata `tapos ang dilim pa. Hindi pa kami nakakalayo ng Alabang kasi traffic! Tumahimik pa kaming pareho no’ng narinig namin sa radio na hindi na passable `yong daan papuntang Maestranza dahil baha na roon. “`Yong mga kapatid ko…” Lagot na! Kumain na kaya `yong mga `yon? Nag-iwan naman ako ng pera kay CJ. Sabi ko sa kaniya, bumili na lang siya ng makakain kapag wala pa `ko. Nag-lock kaya `yun ng pintuan? Ang dami pa namang gago ngayon. “You wanna push still?” Nag-angat ako ng tingin kay Sir Vergara. Hindi ko siya masagot kaagad kasi ang dami nang tumatakbo sa isip ko pero kahit na gano’n, mahinahon siyang naghihintay ng sagot ko. “You can call them.” No’ng inabot niya `yong phone niya, nagdalawang-isip pa `ko. Pero dahil emergency na, kinuha ko na rin at tumawag na `ko sa bahay. Kausap ko `yong dalawa at ang dami kong tanong. Nagtaka si CJ kung kaninong number `yong gamit ko. Sabi ko, nakitawag lang ako. Mabuti na lang, napakain na ni CJ si Cara. Hinihintay na nga lang daw nila ako, sabi ko matatagalan pa `ko dahil hindi na passable iyong daan papunta sa probinsya namin. Sinabi ko na lang kay CJ na i-lock `yong pinto at h’wag na `kong hintayin dahil hahanap na lang ako ng matutulugan. Kung saan? Hindi ko pa alam pero bahala na. “Thank you po, sir.” Sabi ko pagkaabot ko sa kaniya ng phone. Huminto muna si sir sa gilid habang kausap ko `yong mga kapatid ko. “Let’s wait for the rain to calm down. We might able to go back to Maestranza by that time.” Tumango ako. Kaso no’ng pagsilip ko sa labas, ang lakas pa rin ng bagsak ng ulan. Sobrang dilim din sa daan. Mabuti na lang at nasa isang gilid kami. Naririnig ko `yung malakas na hangin na humahampas sa kotse ni Sir. “Actually…” napansin kong napalunok si sir. “My place is near here.” Tiningnan ko siya nang naguguluhan. “I owned a house in a subdivision here in Alabang. We can stay there overnight. Only if you’d want to.” `Yong puso ko… parang huminto saglit sa pagkabog. “Or, we can stay here for a while. I just don’t know when this rain will stop. We can still wait for this to calm down, but I guarantee you that travelling under this kind of weather is dangerous. Nasa sa `yo pa rin ang desisyon, Miss Perez, kung gusto mong tumuloy o hindi na.” Ang daming options. Gusto ko na lang umuwi. Pero nakisakay lang ako kay Sir. Kung pasusugurin ko pa rin siya at pagmamanehuhin sa gitna ng bagyo, mas delikado. “Malayo po ba `yong bahay n’yo?” Umiling si sir. “Hindi naman. It’s just a few kilometers away from here.” Wala nang option. Pota, bahala na. “Okay po, sir.” Tahimik na tumango si sir. Pota, nakakahiya. Do’n talaga `ko makikitulog sa bahay ni Sir Vergara?! “Alam kong baka mahiya ka sa sasabihin ko, but I can actually help you if you have problems in your studies. I could see how hard it is for you to juggle your work and your studies.” “Hindi na, sir!” “I’m not forcing you. I can give you some arrangements.” “Arrangements? Sir, alam kong nag-mo-model ako, pero, wala sa plano kong magbenta ng---” “That’s not the arrangement I’m supposed to tell you, Miss Perez. I’m not planning to stoop down at that level.” Ay, pahiya ako ro’n, ah? “I’ll tell you later that. For the meantime, Miss Perez, take this as a reminder that you need to slow down. I admire how independent you are and I know that you always worry of your financial status but don’t forget to rest. Don’t forget that you’re still a human and… and you still have a life to focus with.”                                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD