Chapter 6

4198 Words
Chapter 6 Job Hindi ko inaasahan na magiging demanding ako sa industry na `to. Hindi naman ako makahindi kasi kailangan ko ng pera `tapos masyadong tempting pa `yong compensation.             Ang daming pumapasok na projects!             “Joy!”             Nilapitan ako ni Cris na masaya. Nagpapapuno pa `ko ng tubig sa plastic cup. Nakaramdam ako ng uhaw after no’ng shoot na ginawa namin. Tuluy-tuloy `yong naging pictorials ko sa Penshoppe at mukhang nagustuhan nila iyong mga kuha ko para ro’n sa outfits nila. Sabi pa nila sa `kin, i-re-recommend daw nila ako as model nila kapag may mga panibago silang projects sa RECO. Mas lalo tuloy akong sinipag. Sana, hindi bola.             Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos mapuno ng malamig na tubig iyong baso. Umayos na `ko ng tayo.             “Bakit?“             Nagtaka kaagad ako sa laki ng ngiti ni Cris. “May project ka na naman ulit. Napili ka, frenny, na model para sa isang sikat na local brand!”             Yes!             Nagtitili na kaagad ako sa harapan ni Cris! Diyos ko, `yong puso ko, nag-uumapaw sa sobrang blessing!             Sandali lang naman ako naging gano’n kasi ang dami nang chismosang tumitingin sa amin.             “Thank you, Cris---”             “Crizza nga, girl!”             Arte!             Inirapan ko nga. “Oo na, Crizza, thank you.” Tinawanan pa `ko kahit na bored iyong boses ko?! “Don’t bother. Ikaw rin naman `yong reason nito, eh. Kaso…”             Lito ko na siyang tinignan. “Ano?”             “Part-time mo lang` to, frenny. Medyo worried na ako kasi in-demand ka na.”             “Hindi pa naman. Marami pang mas magagaling sa `kin, `no.”             “Whatever.”             Aba, inirapan pa `ko.             “Point is, dumarami na `yong projects mo. Tinatanggap ko naman `yung kayang mag-fit-in sa schedule mo. Though, sinasabi ko naman sa RECO na nag-aaral ka pa, kaso, gusto `ata nila na ikaw iyong i-suggest sa mga client. Okay lang ba sa `yo?”             Ininom ko na lang `yong natitirang laman ng tubig sa plastic cup. Ang hirap kasing sagutin no’ng tanong ni Cris. Kaya ko pa naman sigurong i-juggle `yong oras ko rito at sa pag-aaral. Hindi ko lang alam kung makakaya ko pa ba lalo na, kaliwa’t kanan na `yong projects ko.             “Ate, hindi ka pa ba matutulog?” tanong ni Cara.             Katatapos lang namin kumain at heto ako, kailangang habulin `yong mga na-miss kong subjects lalo na `yong mga assignments. Nakakadala na kasi `yong nangyari kay Mister Vergara…             Sa pagkakataon na `to, sinigurado ko talaga na kasama ako sa mga GC’s para lang maging updated. Kahit na ayaw ko naman sa mga ibang kaklase ko, kailangan ko pa ring gawin dahil na wala akong choice. Aminado naman akong ni-left behind ko `yung mga minor subject para lang ma-accommodate `yung demands ng part-time ko ngayon. Okay na rin iyon kaysa naman affected `yong major subjects ko. Mas Malala `yun.             Next sem siguro, magbabawas na lang ako ng loads… o `di kaya kunin ko muna `yong medyo lesss toxic na load para hindi ako mahirapan.             Umiling ako. “Concern ka sa `kin, ah?”             Tingnan mo `to. Inirapan kaagad ako pagkatapos ko siyang asarin? Maldita rin.             “Mag-aaral pa `ko. Sige na, tulog na. Maaga pa’ng pasok n’yo bukas.”             Nando’n pa rin `yung tingin niya sa `kin. Para ngang sa hitsura niya, may gusto pa siyang itanong. Hindi na lang itinuloy no’ng bata kasi nakatulog na siya pagkatapos niyang bumuntong-hininga sa `kin.             Nahawa tuloy ako. Alam ko naman na kahit hindi niya sabihin, nag-aalala na isya sa standing ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na naapektuhan na kasi alam kong magsasabi kaagad iyon sa akin na umalis na `ko. Ayoko pang umalis. Ang daming projects. Maraming kita `yong papasok. Kailangan namin ng pera.             Isa pa, para rin naman sa kanila `tong pagsasakripisyo ko.             Hindi ko gusto `yung mga mangyayari no’ng pumunta ako sa MSU para pumasok. Ngayon kasi i-re-release `yung grades namin sa recit. Hindi ko na nga halos maramdaman `tong dibdib ko. Manhid na manhid na dahil sa bilis ng kabog ng puso ko sa sobrang kaba! Kahit na alam kong mababa ako sa PhilCon, natatakot pa rin ako at na-pe-pressure ako dahil may standing kami sa scholarship.             Parang may dumaang anghel no’ng pumasok na si Sir Vergara sa loob ng room. Nakakakaba `yung hitsura no’ng mukha niya. Napaka-seryoso. Hindi pa nakangiti.             Pota, bagsak na yata ako nito!             “Please get your index card here.” Sumulyap siya ro’n sa malinis na naka-pile na index cards sa mesa sa tabi niya. “If you have any questions with your scores, please approach me after class.”             Isa-isa kaming lumapit do’n. Kahit na expected ko na, nagdadasal pa rin ako na sana, hindi ako bagsak! Nanginginig pa `yong mga daliri ko no’ng mahawakan ko na `yung index card.             Ang bilis kong pumikit saglit no’ng nakita ko na `yung index card ko. Dahan-dahan kong minulat `yong mga mata ko para masilayan `yung score pati na rin `yung percentage.             Pagkakita ko, para akong kinapos ng paghinga.             Inaasahan ko naman na. Kaso, iba pa rin talaga kapag nakita mo na nang personal. Parang hindi ako `yung may score na ganoon.             25/75=33%             Kung mga normal na araw ito, hindi ko `to tatanggapin. Pupunta kaagad ako sa faculty room para tanungin sa teacher ko kung pa’no `yung computation niya, `tsaka breakdown na rin.             Pero hindi ko na `yun puwedeng gawin ngayon. Papanindigan ko na `yung naging desisyon ko tutal naman, alam ko na `yong consequences no’ng pinili kong magpart-time sa modelling. Siguro, dapat i-manage ko na lang nang mas maayos `yung scheds ko next time.             Gustuhin ko mang manlumo at umiyak, hindi naman puwede. Kailangan kong magmove-forward. Hindi pa naman katapusan ng lahat. Makakabawi pa rin naman ako. Sa ngayon, hirap pa `kong mag-adjust kasi kakasimula ko pa rin naman sa RECO. Kapag nasanay na ako sa work routine ko, maaayos ko na `yung pag-aaral ko.             Kailangan ko ng maraming kape at kaunting pahinga.             Kaya ko `to.             Sa kahabaan ng klase, napansin ko naman si Sir Vergara na parang hindi masaya sa kung ano mang dahilan na hindi ko rin alam. Sobrang seryoso niya lalo na kapag hindi nakakasagot iyong mga kaklase ko sa mga binabato niyang tanong. Kalmado naman siya kaso, parang sa mga mata niya, do’n mo makikita na naiinis o mas tamang sabihin, nagagalit siya sa amin kasi disappointed siya sa performance ng buong klase.             Para ngang anumang oras at hindi pa kami umayos, puputok na `yung butsi niya.             Panay iyong pagkuyom ng panga niya, tinatago iyong inis sa aming lahat dahil patagal nang patagal, pasablay rin nang pasablay iyong mga sagot na nakukuha niya. Na-dismiss na `yung klase namin, hindi rin siya ngumingiti. Iyong mga babaeng nagkaka-crush sa kaniya, ilag na ilag sa kaniya kasi mukha na siyang mananapak ng tao sa sobrang badtrip niya.             Nakakahanga lang kasi ang kalmado pa rin niyang kumausap sa aming lahat kahit mukha na siyang stress. Iyong wavy niyang itim na buhok, humahaba na sa batok niya. Mukhang produkto na ng stress niya sa amin.             Ako na lang `yung natira sa room. Hindi nakaligtas sa akin iyong lungkot sa mukha ni Sir Vergara no’ng sinulyapan ko siya. Siguro, pare-pareho lang naman kami ng nararamdaman. Kung ang mga estudyante, disappointed kasi bagsak ang grades nila dahil sa teacher nila, ang mga teacher naman, disappointed sa mga estudyante nila dahil hindi sila nakikinig nang maayos. Iniisip nila na hindi enough iyong binigay nilang pagtuturo sa mga estudyante nila.             Tumayo na ako. Hindi pa ako nakakarami ng hakbang, nasorpresa ako at nanigas sa kinatatayuan ko no’ng tinawag niya `yong pangalan ko.             Dahan-dahan akong humarap sa kaniya.             “Yes, sir?”             Naghalukipkip si Sir Vergara. Sinandal niya `yung sarili niya sa gilid ng table. Mukha siyang upset sa `kin.             Bakit?             “What happened to your grades, Miss Perez?” ingat na ingat pa siyang itinanong sa akin iyon.             Siyempre, ano’ng isasagot ko? Wala. Mas nangibabaw lang `yung guilt sa dibdib ko.             No’ng wala siyang makuhang sagot dahil ang tagal ko ring itinikom `tong bibig ko `tapos nakayuko pa `ko sa harap niya, nagligpit na lang siya ng mga gamit niya sa table at ibinitbit niya sa braso niya.             “Are you being like this because… this is only a mere minor subject for you?”             Ayoko pa ring sumagot kahit na gusto ko. Alam ko naman na ako `yung may mali. Ako `yung nagpabaya.             Nagpakawala na lang siya ng isang mabigat na buntong-hininga at napailing.             “All subjects are important, Joy. Don’t compromise this. You’re a scholar, always remember that,” sabi niya sa malamig na tono bago niya ako iniwan.             Alam ko na kapag siya ang nagsabi noon, galit dapat ako, pero wala naman sa sinabi niya ang nakakagalit. Hindi ko naman maaaring ikaila na ginagawa niya ang lahat para matuto kami kahit pa na sabihin pa na hindi naman siya ang major subject namin. Kita naman sa efforts niya kahit na minsan, hindi ako natutuwa sa kaniya.             “`Uy, ba’t ang tahimik mo diyan?”             Sinipsip ko muna `yong Mountain Dew ko sa straw bago ako umiling sa kaniya at nagbuntong-hininga. “Wala. Nga pala, may bago na akong part time.”             “Talaga?” pinaningkita niya `ko ng mga mata niya. “Umalis ka na ro’n sa salon ni mamasang?”             Ang ikli no’ng tango ko sa kaniya. “Nag-part-time modelling ako sa Alabang.”             Napatunganga `yong mahal kong kaibigan. “Ano?!”             Eksaktong nasa gano’ng histura si Donita no’ng dumating si Yllena, nakasukbit `yong laptop bag niya sa kaliwang balikat niya.             Tumili kami ni Donita at masayang niyakap ang kaibigan naming parang kabute kung sumulpot.             Umupo si Yllena sa tabi ni Donita. “Long time, no see.” Nginisihan niya kami.             Inirapan ko nga. “Wow! May nakakagulat pa ba diyan, girl?”             Tinawanan siya nang mahinhin ni Donita. Ngumuso lang si Yllena.             “Sorry na talaga. Sobrang busy lang. Alam n’yo na, member pa ako ng Journalism Guild. Ang daming kailangang i-cover na news.”             “Oo na lang.”             No’ng nakita ni Yllena na napipilitan akong tumango sa paliwanag niya, ngumuso siya lalo. Si Donita naman, tumawa ulit. Nakaka-miss din `tong bonding naming tatlo. Mga busy na rin kasi sa kaniya-kaniyang buhay. “So, what’s up? May na-miss ba ako?” tanong ni Yllena.             “Bukod kay Donita at Justice? Wala na,” pang-aasar ko kay Donita.             Tumawa ako kasi inirapan na `ko!             “Ah, wala namang bago ro’n.” gumanti rin ng ngisi si Yllena kay Donita.             “Hindi, ah!” Ngumuso si Donita. “Si Joy, crush si Sir Raven Vergara.”             Ay, pucha!             Nanlalaki `yong mga  mata ko kay Donita! Halos malaglag naman `yong panga ni Yllena!             “Hoy! Walang katotohanan `yan!” napataas agad `yong boses ko.             Ang lakas naman ng halakhak ni Yllena! Lalo lang akong na-badtrip!             “Wow, ah. My friends share the same family clan. Bagay nga talaga kayong mag-bestfriend.”             “Sinabi ko ngang wala `kong crush do’n!”             Ang kulit!             Tinawanan pa `ko ng bruhang Donita. “`Sus, kunwari ka pa. Lagi mo ngang binabanggit iyon sa `kin. `Tapos, tuwang-tuwa ka pa na lagi siyang naasar sa `yo.”             “Joy, babae ka na!” tumawa na naman ang bruhang si Yllena.             “Bahala kayo diyan. At ikaw, Yllena, tumigil ka riyan. H’wag lang talaga ako makakarinig na magkaka-boyfriend ka rin ng Vergara, dahil gaganyanin din kita. `Kala mo.”             Nginisihan lang ako ni Yllena. “That’ll never happen, Joy. I’m a Yuchengco, remember?”             Nagkibit-balikat ako. Minsan, hindi ko talaga gets `yong trip ng angkan nitong si Yllena. Ni ayoko ngang paniwalaan `yong family tradition nila, eh. Masyadong makaluma. Nakakaewan.             Nagkuwentuhan din kami sa mga buhay-buhay. Nasabi ko na rin sa kanila `yong part-time modelling career ko. Naging concern sila kaagad sa `kin, of course, dahil kabilang nga `ko sa scholar’s list. Wala naman akong magagawa, eh. Survival na naming magkakapatid `yong pinag-uusapan na dito.             Lumipas din `yong mga araw at mukhang nagpe-perform naman ako nang maayos sa school. Hindi nga lang `yong kagaya nang dati kasi hati na `yong oras at katawan ko sa dalawa pero okay na rin. Hindi mawala-wala sa dibdib ko `yung pag-aalala na baka hindi ko rin ma-maintain `yong grades ko.             “Frenny.”             Hinarap ko si Cris habang naghahanda sa photoshoot ko. Isa ito sa mga pinaghandaan ko na nag-file pa `ko two-days leave sa OSA kasi ang taas ng offer. Leave ako ngayong Thursday; masaklap, PhilConsti na naman `yong sinakripisyo ko.             “Sure ka na ba rito? Magpapakita ka rito ng mas maraming balat. Alam mong bra at panty lang `to, `di ba?”             Imbes na sumagot ako, tinawanan ko kaagad si Cris kasi nakakatawa talaga `yong tanong niya.             “Cris, seryoso ka ba?”             “Crizza nga, eh!”             “Crizza,” Sumeryoso na `ko. “Seryoso `ko rito. Wala namang masama na mag-post para sa undergarmens. Matagal na rin naman akong na-briefing tungkol dito, `di ba?”             “Kahit na… para na `tong isang tattoo, Joy. Habambuhay na `tong naka-imprenta sa mga magazines. Mapo-post pa `to sa mga billboards sa highway. Maraming titingin sa `yo kapag nakita. Na iisa lang `yong babaeng nasa poster at ikaw na simpleng tao. Huhusgahan ka pa nila. Sure ka na ba talaga? Nag-aaral ka pa.”             Tumango ako.             “Pinasok ko `to na sure ako. Hindi ako takot, sigurado ako ro’n. Isa pa, matagal nang hinuhusgahan ng mga tao `yong buhay ko kaya sanay na `ko.”             Huminga ako nang malalim habang pinapanood ko `yung ibang models na nagpo-pose at nagpo-project sa camera. Gusto ko sanang makarinig ng advice kasi mukhang beterano na sila rito kaso naalala ko nga pala, wala `kong kaibigan sa kanila. Hindi ko lang talaga feel karamihan sa kanila dahil masyado silang mga ‘high maintenance’ para sa `kin. Hindi ko ma-reach `yung mga gusto at mayroon sila. Saka na siguro, kapag naging stable na `yong income ko rito.             Binabati ko lang sila kasi nga ‘work ethics’ pero hanggang do’n na lang `yon.             No’ng bago-bago pa `ko rito, nanonood lang ako sa kanila `tapos nape-pressure na `ko dahil pakiramdam ko, hindi ko kaya `yung mga ginagawa nila. Wala pa kasi akong experience `tapos hindi ko kayang lumakad nang gano’n na may full confidence.             Pero ngayon? Kaya ko nang ipakita sa kanila na wala na `yong novice na Joy. Kaya ko nang gawin `yong ginagawa nila at  gagawin pa nila. Mas magaling pa.             Tinawag na `ko ng camera crew. Sinabi sa akin ng isang staff iyong tipo ng brassiere at lingerie na susuotin ko. Nginitian ko naman sila, kaso iba pa rin kapag gumapang na `yong kaba sa dibdib mo. Parang gusto mo na lang tumakbo at mawala sa kanila.             Hindi ko rin naman babawiin `yong tapang na nilaan ko rito. Mas importante pa rin `yong mga kapatid ko kaysa sa takot ko.             Nagsimula na rin `yong photoshoot. Mayro’n na kailangan kong humiga habang nakapatong sa sentido `yong kamao ko, may nakatayo na naka-expose talaga `yong bra at panty na ini-endorse ko at marami pang anggulo na tumagal din ng halos isa’t-kalahating oras `yong photoshoot.             “Joy, one last shoot na lang. Partner kayo ni Billy.”             May isang lumapit na lalake, mukhang may lahi. Naka-brush up `yong buhok niya `tapos halos natatakpan `yong mukha niya ng bigote at maraming maliliit na buhok sa gilid no’ng mukha niya. Medyo na-conscious ako sa paraan no’ng tingin niya. Masyadong naglalaro. Hindi naman siya mukhang maniac pero mukhang mas nando’n `yung paghanga sa mukha niya?             Sa trabahong `to, bawal dito ang maarte. Kailangan kong maging professional. Lahat dito, nagtratrabaho nang maayos kaya dapat ipakita ko rin na gano’n ako.             “Hi!” bati ni Billy.             Nakasuot siya ng puting brief na nakalawlaw hanggang sa lower torso niya. Wala siyang pang-itaas. Ang… laman no’ng katawan niya. Madalas yata siyang nag-dyi-gym para mapanatili niya `yong gano’ng klaseng katawan…             Nakaka-maniac din minsan `yong mga lalake rito pero sinanay ko na lang `yong sarili ko. Ang bata ko pa para sa gano’n kahit na mukha na `kong mature!             “Hi!” bumati rin ako pabalik.             Si Billy iyong mga nakikita sa mga pocketbooks. Iyong mga rugged type guys pero ang kaibahan nga lang, hindi katulad sa mga pocketbooks na mukhang ang susungit ng mga bida, siya hindi. Nakangiti siya nang malapad `tapos ang puputi pa ng mga ngipin.             Nagsimula na kaming bigyan ng instructions. Kita ko `yung pagkunot agad ng noo ni Billy. Ang bilis din niyang maka-adapt sa sitwasyon.             Pumunta na kami pareho sa gitna. Nakatingin kami pareho kay Charlie na abala naman sa pagpitik no’ng camera niya.             “Billy, put your hand on Joy’s curve. Go on her behind.”             Kinilabutan ako no’ng nando’n na siya sa likod ko!             “Stay still,” bulong ni Billy.             Ramdam ko `yung init ng katawan niya sa likod ko. No’ng nando’n na `yong kamay niya sa kurba ko, lumalim lalo `yong paghinga ko.             “Joy, give us your fierce look!”             Tinapangan ko `yung mga mata ko habang nakaawang nang kaunti `yong labi ko.             “Good!” sabay pitik no’ng camera niya. “Another one, please! Joy, put your legs on the chair. Billy, your hand on her leg!”             Pota!             Gusto ko na yatang sisihin `yong sarili ko kung ano ba `tong pinagpapasok ko. Mabuti na lang, binibigyan ako ni Billy ng mga soothing words para ma-relax ako at hindi mangatal.             Sa wakas, natapos din kami pagkatapos ng limang oras! Diretso kaagad ako sa dressing room para makapagpalit. Medyo naiilang na kasi ako sa suot ko, hindi lang ako nagpapahalata.             Paglabas ko ng CR, binati kaagad ako ni Cris.             “Frenny, ang galing mo!” tili niya.             Umirap ako. “Thanks. Magaling din si Billy. Kabado ako, actually, pero nadala niya ang photoshoot.”             “Oo nga, frenny. Alam mo, frenny, may napansin ako.”             Kumunot kaagad `yong noo ko. “Ano?”             “Bagay kayo, girl!”             Ano raw?!             Inirapan ko siya lalo. This time, mas mahaba. Hindi ko pinansin na para na siyang engot kakatalon. “Tao kami, hindi kami bagay.”                         “Ay, frenny, laos na talaga `yang litanya mo. Pero, surebols ako, type ka no’n. Iba makatingin sa `yo. Ang lagkit, shet!”             “Ewan ko sa `yo. Tara na nga! Malayo pa ang Maestranza. Traffic na, mamaya.”             Hindi na `ko tinigilan hanggang makalabas kami ng Dressing Room. Kami na ni Billy `yong bukambibig ni Cris! Ang ingay!             Eksakto, nakira namin si Billy na nakasuot na ng black fitted shirt. Bakat na bakat `yong malaman niyang katawan. Huminto kaagad siya pagkakita sa akin. Ang lapad no’ng ngiti niya. Kumikinang na naman `yong mga ngipin niya sa puti.             “Thanks for the advices. It helped me a lot a while ago,” sabi ko.             Mabuti na lang at English major ako. Hirap pa naman mag-English sa `Kano.             Winagayway niya agad `yong kamay niya sa hangin. “Nah, no biggies.”             Halos ingudngod ko na sa sahig `tong katabi ko kasi grabe `yong tingin! Nanunudyo!             “Wanna have some coffee? My treat.”             Tumango ako. “Sure. I’ll go with Cris.”             Inirapan agad ako ni Cris habang amused naman akong nginitian ni Billy.             Tumango siya. “Shoot!”             Sabay-sabay kaming nagpaalam sa crew. Nagsabi sila na for finishing touches pa `yong mga picture. May meeting daw at rehearsal kami sa Saturday. I-a-update na lang daw kami sa text.             Tuluy-tuloy lang `yong lakad namin sa labas ng RECO habang kinakausap ako ni Billy samantalang nasa likod naman si Cris, tahimik na nag-o-observe sa aming dalawa.             Pero para akong namalik-mata no’ng makita ko `yung pamilyar na bulto na nakatayo `di kalayuan sa lugar namin.             Si… si Sir Vergara ba `yun?!             Tumama nga `yong hula ko. Dahil dali-daling naglakad si Sir Vergara patungo sa `min na nakakuyom `yong panga niya!             Nagpa-panic na `ko! Ano’ng ginagawa niya rito?!             “What are you doing here, Miss Perez?”             Mas lalo akong kinilabutan sa sobrang kalmado no’ng boses niya! Na parang, “Calm before the storm” ang trip ni Sir!             “Do you know this man, Joy?”             Hindi ko sinagot `yong tanong ni Billy kahit na gusot na `yong mukha niya. Halos natameme naman si Cris sa gilid at nakatitig lang kay Sir Vergara. Pero ayoko na muna silang pansinin kasi ang lakas ng kabog ng dibdib ko!             Teka lang… `di ba, Thursday ngayon, so dapat may klase siya na in-absent-an ko rin! Ano’ng ginagawa niya rito?!             “S-sir,” lumunok ako nang mariin. “I-I’m working.”             Ba’t ba `ko takot na takot, eh, marangal naman `yong trabaho ko?!             “Working?” `Yong noo niya, kumunot kaagad. “That’s why you’re missing your classes?”             Hindi kaagad ako makasagot. Sobrang guilty ko ro’n sa parteng `yon dahil kahit na ano nama’ng gawin ko, aminado naman akong napapabayaan ko na hindi lang `yong subject niya pati na rin iyong ibang minor subject.             Kahit na ano’ng gawin ko, hindi ko ma-accommodate na silang lahat dahil `di ko inaasahan na ganito ka-demanding `tong modelling kahit na part-time lang siya.             Ayoko namang bitawan. Para sa amin din ito.             “S-sir, I can manage everything. This is only the first time I---”             “Where are your parents?”             Pota, h’wag sa parteng `yan!             “Or your guardians? I’d like to talk to them. They should get alarmed with the status of your studies. You’re already disregarding it.”             “Sir,” ang tigas na no’ng tono ng boses ko kasi napipikon ako! Wala na siya sa pagiging teacher ko! “sandali lang po. Wala na kayong karapatang panghimasukan `tong buhay ko.”             Hindi ko pinansin si Cris na lumapit sa gilid ko at hinaplos `yong braso ko. “Frenny, awat.”             Pumiksi kaagad ako kay Cris. “Ano naman sa inyo kung pabayaan ko `yung pag-aaral ko? Hindi n’yo kailangang tumawid sa buhay ko kasi wala kayong pakialam do’n. Wala kayong pakialam sa trabaho ko!”             “Work? What’s your job?”                 Do’n na `ko napipilan. Gusto ko sanang bumawi kaso ibang tao na kaagad `yong nanguna sa `kin.             “Siya `yong nasa billboard, `di ba, p’re? `Yong naka-two piece? Pucha, pare, ang kinis ng balat `tapos ang ganda ng hubog ng katawan!”             “Puta, siya nga! Ang sexy! Nakakapanglaway! Nakaka-maniac naman siya sa personal!”             “Bibili nga ako ng magazine na siya `yong cover. Ilalagay ko `yung mukha niya sa kuwarto ko. Mga ganiyang tipo dapat `yong nilalagay sa CR para ma-arouse.”             Lumayo na `yong mga lalakeng nagtatawanan. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Parang gusto kong mawala. Ang dami ko nang natatanggap na panghuhusga sa ibang mga tao, pero, hindi ko halos malunok `to sa trabaho na pinasok ko ngayon.             Umiinit na `yong mga mata ko. Ayoko namang umiyak dito.             Hindi ko na makita sina Billy at Cris sa tabi ko. Naramdaman ko na lang na kinakaladkad ako ng taong nasa harapan ko gamit ng pala-pulsuhan ko.             “Sir!”             “I need you to get you out of here. We have to talk about that job of yours. Your parents need to know this---”             “Itigil n’yo na `yong pag-aalala n’yo dahil wala na `kong magulang!”             Halos mabunggo ko siya no’ng tumigil siya sa harapan ko. Pumihit siya paharap sa `kin na mukhang nasorpresa sa sinabi ko.             Umiwas kaagad ako ng tingin. “Umalis na kayo… h’wag n’yong pakialaman ang buhay ko.”             “No.”             Nanlaki kaagad `yong mga mata ko.             “After I heard those people commenting about your work, I need to know.”             Nakakapikon naman `tong isang `to! “Wala naman kayong kiber sa buhay ko, sir, so itigil---”             “I’m your teacher. I witnessed everything. Would you think I’ll turn a blind eye about this? Especially that you’re my student?”             Napakuyom na `ko sa kamao ko.             “Spare yourself first. Save your energy and your stories. We’ll talk about that later. For the meantime, let’s go somewhere else. Don’t disclose it in here. Your life is not a public consumption to everybody.”                                                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD