Chapter 19

4815 Words
Chapter 19 Real “Mahirap ba `yung exam n’yo?”             Nilingon ko si Raven na abala naman sa paghihiwa ng mga rekados. Magluluto raw siya ng munggo. Dumaan pala siya kanina ng supermarket para lang makabili ng mga rekados. This time, balak niya raw na mag-experiment ng panghalo para ro’n. Paborito ko raw kasi. Eh, gusto niyang magkaroon siya ng pabago-bagong putahe para hindi raw ako magsawa… boring na yata siya sa buhay niya kaya kung ano-ano na `yung iniisip niya. Hinayaan ko na lang din dahil baka luto na `yung utak niya sa mga inaaral niya.             Umiling kaagad ako. Ako na `yung nagligpit no’ng mga kalat niya sa living room---hindi naman kalat. Puro law books niya lang `yon at mga lectures niya na nakabukas. Mas dumami rin `yong naka-post na Manila Paper na puno ng kung ano-ano’ng artilcles ng batas.  `Buti, wala akong hang-over. Natutulungan ko siya.                “Okay lang naman. May mahirap na items pero keri lang.”             “`Di ka na nila ginulo?”             Alam ko `yung tinutukoy niya kaya umiling ulit ako. Ayaw pa niyang maniwala, pero totoo naman talaga. Ramdam ko pa rin naman na ayaw no’ng mga kaklase ko sa akin, pero kailangan bang ako `yung mag-adjust na naman para sa kanila? Tumigil sila. Wala akong panahon para isipin pa `yong gusto nilang mangyari sa buhay ko.             Siyempre, hindi ako magpapadaig sa kanila. Hindi ko hahayaan na mapabagsak nila `ko. Kahit na humanap pa sila ng butas para sirain ako.             Lumapit na ako kay Raven na mukhang patapos na sa niluluto niya. Mukha pa ngang enjoy na enjoy siya.             “You serious? Because I’m gonna talk with the dean tomorrow. I’d like to also talk to---”             “Huy!” nanlaki na `yong mga mata ko, natatawa na sa mga sinasabi niya. “Wala na nga.”             Tinawanan ko ulit siya no’ng may alinlangan pa rin sa mukha niya. “Alam mo, ano man ang gawin nila, wala pa rin naman magbabago, eh. Kahit na may gawin ako, hindi ko na mababago `yong tingin nila. Raven, sabi ko nga sa `yo, hindi maganda `yong background ng family ko. Iba-iba kami ng ama. Akala ng lahat, lalaki akong pariwara. Pero alam mo `yun? Hindi ko naman kailangan i-please lahat, eh. Hindi ko kailangan na maghanap ng validation sa ibang taong sarado naman `yong mga isip nila sa `kin.             “Might as well, paghirapan ko `yong sarili kong mag-improve. `Yon naman `yong importante, `di ba? Gagapang ako para maabot ng mga kapatid ko `yung gusto nila.” Huminga ako nang malalim dahil sa paninikip ng dibdib ko. “Gusto kong dumating `yong araw na proud ako sa sarili ko dahil wala akong dinipendahan kundi `yong sarili ko. Gusto ko na makita na naabot ko `yong pangarap naming magkakapatid dahil sa pagsusumikap naming lahat. Mas importante pa `yun sa `kin.”             Ang tagal din akong titigan ni Raven bago siya tumango. “I’m sure your siblings’ gonna be proud of you someday.” Napaawang `yong labi ko. “They’re lucky to have you as their elder sister.”             Naghanda na kami ng makakain namin. At ang sarap magluto na ngayon ni Raven. Nag-i-improve na nga siya! Siguro, stress reliever na niya `tong pagluluto dahil sa dami ng inaaral niya, kaya kahit na mag-ge-gain ako nito ng weight, sige lang. Pagbigyan si sir.             “It’s already 1:00 AM.” Nanlaki kaagad `yong mga mata ko. Pota, hindi ko na namalayan `yong oras! “Do you wanna go home?” Hindi na ako mapakali. Naglakad na ako paroo’t-parito. Pota, matutulog na naman ako rito sa bahay ni Raven. Kaya kami natsi-chismis, eh! “I can drop you off.” Napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Raven. Hindi. Wala akong balak na sirain na naman `yong oras niya sa pag-aaral. Inistorbo ko na nga `yong oras no’ng tao. Napabuga na `ko ng hangin. “Alam mo, kasalanan ko rin kaya `to na-tsi-chismis, eh.” Kumunot `yong noo niya. “Sorry talaga, hindi ko namalayan `yong oras.” “Don’t need to.” Nakakunot pa rin `yong noo niya. “It’s my house… and I can decide whoever I’d want to stay in here.” Sabi ko nga. Kaya ang nangyari, sa bahay na naman ako ni Raven natulog. Nag-text na ako sa mga bata na hindi na naman ako makakauwi. Minsan, makakahalata na `tong mga bata. Lalo na si Cara na mabilis tumakbo `yong utak. “You can sleep at my… room.” Tumikhim pa si Raven pagkasabi niya ng kuwarto niya. Ayoko nga! “Okay na `ko rito, ano ka ba.” Naglalatag na ako ng mahihigaan ko. Do’n pa rin naman ako sa couch ni Raven. Maigi naman at bumili na siya no’ng nagagawang higaan? Dahilan niya, kapag daw nagkaroon ako ng ganitong emergency cases, at least, hindi na raw ako hirap sa pagtulog sa couch. Ang likot ko pa naman daw lalo na kapag hindi ako comfortable. Grabe rin. “Ikaw?” Naghanda na siya ng kape dahil kailangan na naman niyang maging gising para mag-review. Hindi niya ako sinagot dahil alam naman niyang alam ko `yung sagot. “Raven, please, matulog ka rin. Kailangan mong matulog dahil baka mamaya niyan, magka-nervous breakdown ka.” Ang ikli lang no’ng tawa niya. “For a person like you who always tends to overused herself, I can’t imagine you’re gonna tell this to me.” “Hoy, alam ko naman `yong salitang pahinga.” Tinawanan na naman niya ako. Nakakatuwa talaga `tong lalakeng `to. Nakakatawa na siya nang ganito. Dati kasi, sobrang seryoso niya. Parang wala siyang social life? Or wala siyang time para mag-relax? “Fine. I’m gonna rest after two hours.” Umupo na siya at nag-suot ng specs. Nagsimula na akong pumikit, pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Tumagilid ako, at nakita ko kung gaano ka-intense si Raven sa pagbabasa. Highlight dito, tingin sa ipad, basa sa law book niya, nagsasalita nang walang boses. Matagal na `tong tumatakbo sa utak ko, pero ayoko namang itanong kasi baka kung ano’ng isipin niya. “Don’t watch over me while I’m studying, please. I’m starting to get distracted.” Halos mapatalon naman ako sa kinahihigaan ko! Grabe naman `tong senses ni Raven! Ang lakas! Binalingan na niya ako. “Hard to fall asleep?” Napangiwi ako. Ang lakas din kasi ng sipa no’ng nainom kong alcohol. Hindi nga ako nalasing, hindi naman ako madalaw ng antok. Maiistorbo ko pa nito si Raven. Ang gaga lang, Joy. “Hindi naman.” Nagkunwari na lang ako para hindi naman niya isipin na lilipat na lang siya sa kuwarto niya para do’n mag-aral. Kilala ko na `to. Ang hilig mag-adjust din sa `kin. “Okay.” Bumalik na siya sa ginagawa niya. At dahil hindi pa nga ako madalaw-dalaw ng antok, kinausap ko si Raven. “What?” “Wala ka pa bang girlfriend?” Nagkagat na `ko ng labi dahil gusot na gusot na `yong mukha niya. Dyusko, bumalik na naman siya sa pagiging masungit niya! Nagwagayway na lang ako sa hangin. “Ah, h’wag mo na nga lang isipin.” “I don’t have.” Ang bilis naman no’ng pagkakasabi niya. Mukha yatang inis na siya dahil nang-istorbo pa ako. Pero dahil makulit ako, nagtanong pa ako. “`Di mo pa sinubukan?” kumunot na naman `yong noo niya. “I mean, may past relationship ka ba---” “I had. But we just didn’t end up.” Seryoso `yong tono ng boses niya. “Hindi ka nagtangka after no’n? Nag-try ulit?” Ano ba’ng pupuntahan nitong pag-uusap naming dalawa? Saan ba `yong patutunguhan nito at tanong pa `ko nang tanong?! Ang gaga ko rin, ano? Humikab na lang ako pakunwari para tumigil na `tong bibig ko at makatulog na. Tumikhim ako. “`Tulog na `ko.” Tumawa ako sandali para naman convincing. “Good night!” Pumikit na ako, pero narinig ko pa rin nang malinaw `yong sinabi niya. “I’d like to try… but I don’t want to take the risk.” Kanina pa ako naalimpungatan sa sigaw na naririnig ko kaya nagising na ako. Kanina pa rin hinahanap ng mga mata ko kung saan `yong pinanggagalingan ng boses. Napaupo ako sa kama at humikab nang malalim. Ano na ba’ng oras na? No’ng sinilip ko `yong cellphone ko, medyo umalerto na ako kasi mag-aalas-ocho na. Nasa’n na ba si Raven? Sa taas nanggagaling `yong boses, pero nanlamig ako. Dahil alam kong hindi lang si Raven `yong nasa taas. Pota… Sino `yung kasama niya?! Girlfriend niya ba?! Pota, exit na `ko rito! Baka kung ano pa `yung isipin sa `ming dalawa! “I told you, `ma, she’s not my girlfriend!” “Don’t fool me, you future attorney. I know the difference between a friend and a girlfriend.” Parang nawala lahat `yong dugo ko dahil no’ng pagkababa ng mama ni Raven, dumirekta kaagad `yong mga mata niya sa `kin! Pota, panis pa `yong laway ko `tapos tuyong-tuyo pa `yong lalamunan ko! `Tsaka sandali, ano raw?! Girlfriend? Pota, hindi naman ako `yung tinutukoy niya, `di ba?! “`Ma, please! Don’t make this awkward for me---” hahawakan sana ni Raven `yong braso no’ng nanay niya kaso ang bilis ng nanay niyang makalapit sa `kin! “You’re Joy, right?” hindi ako makapagsalita ng kahit na ano. Pero medyo nanlambot naman ako no’ng nginitian niya ako nang matamis. “I’m Selena, Raven’s mother. Can’t believe I finally meet you!” Para akong tangang nakatulala. Yakap-yakap ako no’ng nanay ni Raven. Hindi ko alam `yong sasabihin ko lalo na no’ng nakita ko si Raven na frustrated na frustrated `tapos napapikit pa. Parehas kami. Ang sakit ng ulo naming dalawa! Nanginginig `yong tuhod ko. Ilang rehearsals na yata `yong ginawa ko sa banyo pagkatapos kong maghilamos dahil pinag-aaralan ko kung ano’ng sasabihin ko sa nanay ni Raven! Pota naman. Wala naman `to sa plano ko. Ni wala nga `to sa hinagap ko, eh! “`Ma, we’re friends,” unang dali ni Raven. Mukhang kanina pa yata sila nag-uusap ng nanay niya. Umakyat na lang din siguro sila sa kuwarto niya para hindi nila ako mabulabog. Hindi nga. Kaso, sobrang nakakabulabog naman `tong naririnig ko sa kanila. “Iha…” ako `yong binalingan imbes na si Raven. “I know my kid is just nervous. Maybe he doesn’t want the distraction so he didn’t put the label yet in your relationship. I actually understand it. My kid is very serious with his studies so maybe, he’s delaying the inevitable. Do you think, that’s right?” Ano ba’ng sasabihin ko?! No’ng binalingan ko si Raven, gusto na lang niya yatang lumuhod sa harapan ko at humingi ng walang katapusang sorry sa pinagsasabi ng nanay niya. “Ah, tama po si Raven. Friends lang po kami.” “Oh, come on.” Medyo lumakas `yong tawa no’ng nanay ni Raven. “Walang babaeng friend ang natutulog sa bahay ng friend na lalake.” Natigilan kami pareho. Nakakahiya. May point siya… “Don’t worry, it’s okay with me.” Tinignan niya si Raven na kulang na lang yata, lumubog na sa kinauupuan niya. “I actually talked with your father and he’s fine with your set-up. Alam naman din niya na mahirap talaga ang preparations mo for the BAR, so he’s fine with it.”   “Shit.” Napapikit na naman si Raven. “Don’t cuss me, Raven Isaiah.” Pinandilatan na niya si Raven. “`Coz, `ma, you’re giving me frustrations!” Hindi na niya pinansin si Raven `tapos binalingan niya ako. “Iha, do you wanna go shopping?” “H-ho?” natulala na naman ako! Tumawa nang mahinhin `yong nanay niya. “Let’s go shopping so we could bond together. Raven.” “What?”may inis na `yong boses no’ng isa. “Drive us.” Ang laki na ng ngiti ng nanay ni Raven. Para akong bangkang sumasabay ang sa agos ng ilog. Pota, hindi ko nga alam kung ano’ng nangyayari. Ang alam ko na lang, hila-hila na ako ng excited na nanay ni Raven. Kung ano naman `yong kina-seryoso ni Raven, siya naman `yong pagiging masayahin no’ng nanay niya. Bakit kaya hindi namana ni Raven `yun?  “I’m sorry,” bulong ni Raven pagkasakay namin sa sasakyan niya. Ang awkward lalo kasi dapat daw, magkatabi kaming dalawa! Dyusko, ilang beses na naming sinabi na magkaibigan lang kaming dalawa pero ayaw talagang maniwala ng nanay ni Raven! “Okay lang?” wala na akong masabi. Hindi ko rin naman alam kung ano’ng sasabihin ko dahil nakakabigla `tong mga nangyayari. Ang hirap namang tanggihan ng nanay niya dahil mukha namang mabait. “No, it’s not okay.” Napabuga siya ng hangin. “You’re forced to be in this set-up. Don’t worry, I’m gonna talk to my mother right after this.” “Hindi naman natin mapipigilan `yong iniisip niya.” Tumigil lang kami sa pag-uusap no’ng sumakay na `yong nanay niya sa likod. Super excited ng nanay ni Raven habang nasa biyahe kami. “So, how did you meet?” Nagkatinginan kami ni Raven, walang nakapagsalita ng kahit ano. “My amigas told me that you have this picture on f*******:… and you both look good together. I asked Raven before who you were but he just kept on ignoring my question.” Napairap si Raven. “She’s my former student.” “What?” Ang init na ng mukha ko sa kahihiyan. To think na teacher ko nga pala siya dati… ang daming ganap na sa buhay namin na ngayon ko lang na-re-realize lahat. “Remember I told you I was offered to be a substitute teacher in MSU by my former dean?” “Oh! I know. Dahil you’re the magna, right?” Napatingin akong lalo kay Raven na siya naman, diretso `yong tingin sa daan. Ang talino talaga ng lalakeng ito. “A lot of things happened… then we became… friends.” “But you like her?” Halos mapasubsob kaming pareho ng nanay ni Raven dahil bigla ba naman siyang nag-preno nang walang kapaa-paalam! “My God, Raven!” tili no’ng nanay niya sa likod. “Huy, okay ka lang?” tinignan ko na siya nang nag-aalala dahil baka may sumulpot na sasakyan sa harapan namin kaya siya prumeno. Pero no’ng tinignan ko naman, wala. Binalingan ni Raven `yong nanay niya. “Sa’n ba tayo pupunta?” Napangiwi na ako kaagad dahil sa RUSTAN’S pala kami pupunta. Ang mamahal pa naman ng mga paninda ro’n! Pota, isang beses yata no’ng balak kong bumili ng shorts para kay CJ dahil naawa naman ako na wala pa siyang bago, napadaan ako sa RUSTAN’S. Nalula kaagad ako sa presyo! Limang libo kaagad, short pa lang?! Napatingin na kaagad ako kay Raven. Nakakahiya. Ang bait ng nanay ni Raven, pero wala naman akong balak na abusuhin `yong kabaitan niya. “`Ma…” lumapit si Raven sa mama niya `tapos bumulong. Umiling `yong nanay niya kaagad `tapos bumaling sa `kin at nilapitan ako. “Don’t worry, I got your back, sweetie.” Ang tamis na ng ngiti niya bago lumayo sa `ming dalawa. Nagkatinginan kami ni Raven. Kita ko `yong mga mata niya na humihingi ng dispensa. Mukhang sa susunod talaga, iwasan ko nang gabihin para hindi kami nauuwi sa ganito… Ang bilis din no’ng pag-attend sa kaniya no’ng isang sales lady. “Could you please show me your lipstick and perfume here?” “Sure, madame. This way.” Sabay muwestra no’ng sales lady na babae, pero panay naman `yong sulyap kay Raven. Hindi na rin naman ako magtataka. Sa guwapo ba naman ni sir.   Tumango `yong nanay ni Raven. “Baby.” Muntik na `kong natawa sa tawag ng nanay Raven! Napaungol naman si Raven. Nahiya si sir! “Just wait us here. You might get bored, okay?” Kinuha ng nanay ni Raven `yong pala-pulsuhan ko `tapos hinila ako ro’n sa isang stall na puro make-up. NARS yata `yon. “This shade suits you.” Inabot niya sa `kin `yong matte lipstick na medyo dark `yong pagkapula. Siyempre, una kong tinignan, presyo. Mahilig ako sa cosmetics kaya nga bumili ako ng pansarili ko. Dahil na rin sa naging manikurista ako dati, naging assistant din naman ako ng make-up artist sa amin do’n. Kadalasan, kapag bumibili ako, tinitiyak ko na hindi aabot `yun ng mga one thousand para sa isang item lang. Ang mahal kaya, `tapos ang liit ng kinikita ko. Kaya do’n ako sa mura talaga. Kaya no’ng napatingin ako sa presyo, pota, halos lumabas na yata `yong eyeballs ko sa panlalaki ng mga mata ko! Isang lipstick, one thousand five hundred na kaagad?! Partida, sale pa! Umiling kaagad ako sa nanay ni Raven. “Hindi na po, tita,” nahihiyang sabi ko. “Marami pa naman akong---” “Bawal tumanggi sa bigay.” Napatuwid kaagad ako ng tayo sa seryosong boses niya. “I’m giving this to you for free and no cost, okay.” Kinawit na niya `yong braso niya sa braso ko. “So, just accept it, okay?” Hindi na talaga ako makatanggi. `Yong shade no’ng lipstick na `yon, marami rin siyang binili. Paiba-iba rin siya ng brand kasi hinahanap niya `yong nude color dahil bagay raw sa `kin na morena `yong skin complexion. Halos mahimatay naman ako sa presyo no’ng nando’n na kami sa perfume section. Ang bango nga no’ng Elizabeth Arden, pero pota, wala akong balak na maglabas ng pera para sa isang pabango na nagkakahalaga ng five thousand pesos! Ang dami naming pinamili. Pati mga damit na sobrang branded, pinagbibili na niya sa `kin. “Next time with the bags.” Kinindatan ako ng nanay ni Raven pagkalabas namin ng RUSTAN’S. Pagkakita ko kay Raven, ngumiwi na ako. No’ng nakita rin niya `yong paper bags na nasa magkabilang braso ko, napapikit na siya. “Baby, we didn’t buy yet the bags. Next time na lang so I could have a reason na mag-bond pa kami ni Joy.” Binalingan niya ako nang nakangiti. “Have you enjoyed, sweetie?” Tumango naman ako. “Opo.” “Let’s eat? I’m starving.” Kahit hindi pa sinasabi ng nanay ni Raven, siya na `yung naghawak ng mga bitbit ko. Kinawit na naman ako ng nanay ni Raven sa braso. “Tell me more about yourself. How’s your life going?” “Okay naman po kami,” sagot ko. “Sa ngayon po, kami `yong magkakasama na magkakapatid sa bahay.” “Where are your parents?” Wala ba siyang alam? Mukha sa postura ng nanay ni Raven, hindi yata siya madalas sa Maestranza. Mukhang dito na rin siya namuhay sa Alabang. “Hiwalay po sila  ng mama ko. Ako po `yung bumubuhay sa mga kapatid ko.” Nanlaki `yong mga mata ng nanay ni Raven. Binalingan niya kaagad si Raven na nasa likod namin. “Raven, you’re very lucky! Joy’s very responsible!” Tinignan naman ako ni Raven na seryoso. May maliit na ngiti sa labi niya. “She is.” “Paano kayo nakakabuhay? I mean, ano’ng source n’yo ng income? I heard from Raven that you’re studying, right?” “Part-time model po ako. Dito rin po sa Alabang.” Napatango ako. “Okay. So, pinagsasabay mo `yung studies mo?” Tumango ako. “Awa naman po ng Diyos, nakakaya ko po.” Nakita ko `yung admiration sa mata ng mama ni Raven. Ako nga dapat `yong humanga sa kanilang dalawa dahil hindi ko makita na hinuhusgahan nila ako. “Do you have communication with your mom?” “`Ma.” Napalingon kami pareho ni Raven. Pareho silang tahimik, pero nanlaki rin `yong mga mata ng mama niya. “I’m sorry! I-I don’t know---” Natawa na ako. Ang cute ng nanay ni Raven. “Okay lang po. And to answer your question po, hindi po kami nag-uusap.” “I see.” Pumasok kami sa isang kainan do’n sa ATC. Halatang mamahalin. Gusto kong maglabas ng pera pero mukhang wala silang plano na magsagot ako sa ginagastos nila. Tinawag ni Raven iyong isang waiter doon at sinabi `yong order namin. Magkatabi kami no’ng mama niya---pinandigan na kami raw talaga at magsawa naman kami dahil magkasama na kami buong buhay namin! “I really admire you, Joy.” Napalingon ako sa kaniya. “It isn’t easy to juggle both study and work. I mean, pa’no mo nagagawa `yun?” “Hindi ko rin po alam.” Parehas kaming natawa. “Pero kailangan ko pong magtiis. May dalawang bata po kasi na umaasa po sa `kin.” “You’re a great daughter.” Binalingan niya si Raven. “So, Raven, you must really take good care of her.” Nagkangiwian na lang kami ni Raven. Kailangan na talaga naming mag-usap na next time, hindi na ako magpapaabot ng gabi sa kaniya para hindi kami naabutan ng nanay niya. Akala ko rin naman kasi, siya lang mag-isa ro’n. Hindi ko naman naisip na anumang oras, puwedeng bumisita `yong mama niya. Mama pa lang niya `to, ha? Pa’no pa kaya kung papa niya?! “I’m sure Francisco’s gonna like you, iha.” “Francisco po?” “Raven’s father. He’s also curious about you. One time, mag-o-organize ako ng party, isasama kita ro’n, okay?” Patay na. Talagang masusundan pa `to. “Joy, Billy, come here.” Mabilis kaming lumapit ni Billy ro’n sa photographer na naka-assign sa `min. Kakatapos lang namin sa isang photoshoot para sa isang brand. Full sched kami ngayong week kaya dito ko na rin ginagawa sa trabaho kapag free time `yong mga projects ko sa school… baka manghingi pa ako ng leave sa OSA dahil kasama ako sa fashion week. “Guys, we have a good product here to endorse… and since the subject is quite good, I’m choosing you both to model this.” “Sure,” sabay kaming sumagot. Nagtaka naman ako kasi ang laki ng ngiti ni Billy. “Alright. That would be for tomorrow. Wrap up muna tayo.” Ngumisi si Nancy no’ng nilapitan ko siya. Kasalukuyan siyang nakikipag-asaran kay Billy. Mabibingi na naman ako nito. “Thank, God, you’re not my partner for the next shoot. I’m tired seeing your face.”             Ang bilis mainis ni Billy. “Who did say I like being with you in a photoshoot? The feeling is mutual, miss.”             “Don’t be too obvious here, Billy. I know you’re gonna miss me.”             “Shut up.”             “You’re welcome, Mr. Adams.”             Hindi na sila titigil talaga. Mabuti, nagbago `yong mood ni Billy no’ng nakita niya ako. Ang bilis niyang sumaya.             “I’m excited for tomorrow,” sabi niya.             Tumango ako. “Let’s do it great.”             “Where’s Cris?”             Sinabi ko sa kaniya na fully-booked siya ngayon sa pinapasukan niyang BPO company. Paulit-ulit pa siyang humihingi sa `kin ng sorry kasi raw hindi niya ako maasikaso… wala namang kaso sa `kin `yon. Mababait din naman `yong crew ng RECO, kaya I could manage.             Lumabas na kami sa RECO. Nagkukuwentuhan na kami ni Billy kung ano’ng ipapagawa sa `min. `Di pa namin nakikita `yong product kaya medyo kabado kami. Sana lang, h’wag masyadong daring dahil ang dami nang mga mata na nakabantay sa `kin. Lalo na sa Maestranza.             Maghanap na kaya ako ng bahay rito sa Alabang? Susundin ko na ba `yung sinabi ni CJ?             Sa paglalakad namin, napansin ko na hindi maayos `yung kuwelyo ni Billy.             “Oh…” nakaawang `yong labi ni Billy habang inaayos ko.             “Ayan.” Ningitian ko si Billy. “Okay na.”             “Stop that, Billy. You look stupid.”             Do’n ko lang napansin na nakatulala na pala siya. Tinawanan naman siya no’ng napakurap siya nang maraming beses. Ano kaya iniisip nito?             “Thank you.” Humina `yong boses niya.             Nagkahiwalay na kaming tatlo pagkatapos. Nagtataka pa rin ako kung bakit hindi pa rin bumabalik si Maddox at Pearl… wala na kaming balita. Ang narinig ko lang, parehas silang nasa floating status. Pinag-indefinite leave, siguro?             Nakangiti na ako no’ng matanaw ko si Raven na naghihintay. Nakasandal siya sa sasakyan niya. Parang ang lalim no’ng iniisip niya.             “Hello!” bati ko.             Tinanguan niya lang ako. Bakit hindi kaya ngumingiti `tong isang `to?             Bumibiyahe na kami lahat-lahat, ang tahimik niya pa rin. May nangyari kaya sa review niya? Baka bumagsak siya sa mock exam nila? Ang alam ko, may gano’n sila, eh. Kaya nga, hindi ko muna siya iniistorbo kasi ang intense ng review na ginagawa niya. Ngayon lang siya nagka-time.             “Raven.” Tahimik niya lang ako nilingon. “Naalala ko pala. `Di ba, may celebration `yong mama mo sa katapusan? Tini-text niya kasi ako na pumunta kasama mo.”             Simula no’ng nakilala ko `yung mama ni Raven, in-insist niya na makuha `yong number ko. Nahiya naman ako kaya binigay ko na. Ang saya rin ka-text ng mama niya kasi may mga tip siya sa `kin tungkol sa skin care…             “I’d tell her that we’re not coming. Don’t reply on her message.”             Kumunot kaagad `yong noo ko. Problema nito? Ang sungit, ha?             Napasulyap ako sa phone ko. Nag-text si Billy.             RECO_Billy:             Have a good night sleep, baby. Can’t wait to work with you.             Napangiti ako kaya nag-reply rin ako.             Ako:             We can do this.             No’ng mag-angat ako ng tingin, medyo nagulat ako kasi parang nakasulyap si Raven sa cellphone ko? O baka naman, imagination ko lang?             Para na yata akong mapapanisan ng laway nito kasi ang tahimik niya. Alam ko namang tahimik talaga siya, pero hindi ganito… para bang may ginawa akong mali?             “Raven…” tinignan na niya ako. “May ginawa ba `ko sa `yo? Kung may ginawa ako, sorry. Hindi ko alam.”             Mabuti nang malaman ko. Aba, ayoko namang may tinatago kaming grudges sa isa’t-isa. Hangga’t kaya naming ayusin, aayusin ko. Ang bait nito sa `kin. Hindi ko kayang magalit siya.             Nagulat siya sa tanong ko. Nakababa na kami sa sasakyan. Kami na lang `yong nandito sa kanto. Alas-once y media na rin ng gabi.             “You did nothing,” Mahina `yong pagkakasabi niya. “I just…” tumikhim siya. “Never mind.”             Nakahinga na ako nang maluwag. Akala ko, meron na!             “So, hindi ko na ite-text si mama mo? Sure ka?” tumango siya. “All right.”             “I’m sorry that you put in that situation.” Napabuga siya ng hangin. “I’m gonna talk with mama for once and for all. To clear things out.”               Umiling ako. “Mabait naman `yong mama mo. Although, hindi ko naman sinabi na sakyan `yong sinabi niya na mag-syota tayo.” Natawa ako. Pota, ang awkward. “Siya, una na `ko.”             Tumalikod na ako, pahakbang na.             “What if… what if I want everything… to be real?”             Nanlaki `yong mga mata kong nilingon siya. Ang seryoso ng mukha niya… at ang bigat ng titig niya.             Bumulong pa ulit siya, “What if… what if I like you, Joaquin Ysabella?”             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD