Chapter 20 Avoid “Ano’ng sinasabi mo?” Nakatulala lang ako, hindi pumapasok sa isip ko `yong sinabi niya… kakasabi niya lang ba na gusto niya `ko?! “I said, I like you.” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sumeryoso lalo `yong boses niya. Hinarap ko siya nang maayos kasi `langya hindi ko malaman kung ginagago niya ako o kung ano! Panay `yong kurap ko, hanggang sa tumawa na ako nang malakas. Parang tanga. Tumatawa ako nang ganito nang ganitong oras! “Why are you laughing?” nawala na `yong tawa ko. ”I’m serious here---” “Imposible kasi `yan, Raven,” `yong boses ko, nag-hihisterikal na kasi nga, napakaimposible! No’ng may napadaang sakit sa mga mata niya, napaatras na ako. Takot kaagad `yong unang naramdaman ko. Hindi naman siya `yong unang lalake na nag-confess sa akin na gusto niya a

