Jewelyn's pov
Nakatulog ako matapos namin mananghalian. Dala na din siguro ng pagod at puyat. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto at napagtantong ako na lang mag isa ang naiwan.
Nasaan kaya iyong mag ama. bakit hindi ako ginising.
Lumabas ako ng kwarto at nakarinig ako ng maingay sa kusina. Mga halakhak ng kasambahay, nangingibabaw ang tinig ni Brandon, at ang mumunting tawa ng aking anak.
O diba, Manang tuwang tuwang si Bryle. Diba nga anak? Manang mana ka sa akin diba? At pag laki mo,magiging piloto ka din. Malapit na din ang birthday mo, baby. Ano kaya ang magandang gawin Manang?
Aba naku, hindi dapat ako ang tinatanong mo kundi ang ina ng anak mo. Atsaka mag aapat na buwan pa lang naman siya. Huwag ka na masyadong maghanda ng bonga.
Of course Manang, My Jewel will decide on everything. Pero gusto kong tulungan niyo siya. Ayokong napapagod ang mahal ko. And no, dapat bonga ang handa niya, kahit pa buwan ko ganapin, walang problema.
O, Hija,Gusto mo bang magmeryenda? Bati ni Manang na unang nakapansin sa akin.
Mahal, gising ka na pala. bati ni Brandon sa akin at lumapit siya. Hinalikan ako sa noo at inakbayan. Medyo naiilang ako dahil may tao sa paligid.
Pasensya ka na, iniwan ka namin Bryle, ang sarap kasi ng tulog mo, nahiya akong gisingin ka dahil alam kong puyat ka sa pag aalaga sa anak natin kaya dinala ko muna siya sa sala.dagdag niya.
Nilingon ko si Manang na naghihintay ng sagot ko.
Hindi na po Manang, mamaya na lang hong hapunan.
O sige, ikaw ang bahala. Pero baka gusto mo ng gatas?
Sige po Manang, salamat po. hindi na ako tumanggi.
Pakihatid na lang ho sa kwarto Manang. Rosa. bilin ni Brandon at inaya na kami pabalik sa kwarto.
Sa labas ka muna, Brandon.sabi ko kay Brandon pagdating namin sa kwarto.
Ha? bakit, mahal? May nagawa ba ako? May nasabi ba akong hindi mo gusto? Sabihin mo lang at hindi ko na uulitin.
Natatawang nilingon ko siya.
Sira, magpapadede lang ako, kung ano ano nang sinasabi mo.
Akala ko kasi. Eh ano kung magpapadede ka. Bakit kailangan ko pang lumabas?
Dito na lang ako. Tatalikod na lang ako. ungot nito.
Siguraduhin mong hindi ka lilingon ha?
Oo na. Para iyon lang. Pwede naman kasing nakaharap.
Tatalikod ka o lalabas ka?
Oo na, tatalikod na.
Ipinuwesto ko na si Bryle para makasuso na nang makatalikod ang makulit niyang ama.
Ahm, mahal?
O? sagot ko.
Hindi lang kasi ako mapalagay. Alam ko, kagabi lang, sinabi ko sa'yo na hindi kita mamadaliin.
Hmmm?
Tungkol sa kasal. mahal, pwede bang humarap na lang ako? Mahirap makipag usap ng nakatalikod eh. reklamo niya.
Sige. pagpayag ko.
Halatang excited itong humarap at halata din ang pagka dismaya ng tuluyan itong makaharap. Dahil tinakpan ko ng lampin ang parteng iyon.
Ano nga yung sinasabi mo? paalala ko sa kaniya.
Ahm, mahal. Hindi ako sanay ng pinaghihintay. Kaya naisip ko lang ibigay ang singsing na to sa'yo. Ito na lang ang gawin mong palatandaan kapag dumating na araw na handa ka na. Isuot mo lang ang singsing na 'to bilang palatandaan na handa ka nag magpakasal sa akin. Hindi kita minamadali,mahal. Pero sana huwag na ganon katagal.
Bigyan mo ako ng panahon na mag isip Brandon. Magmuni muni sa mga bagay bagay. Hindi madali ang buhay may asawa. Maraming dapat isaalang alang. sagot ko.
As I said, hindi kita minamadali. agaw niya sa sinabi ko.
Pero sana hindi ganon katagal? Anong pinagkaiba ng dalawang 'yon Brandon? Pinaglololoko mo ba ako? Kahit kailan talaga wala kang kaayos ayos mag propose. sabi ko sa kaniya at inirapan.
Yumuko ito at napahilot sa batok.
Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang naging proposal ko sa'yo. nangingiting tanong nito.
Sino ba naman ang makakalimot sa klase ng proposal mo? Hindi ko malaman kung ilang taon ka na ba talaga dahil sa asta mong daig pa ang binatilyo.
Patawarin mo na ako,jewel. aniya at hinawakan ang kamay ko.
Babae kasi ang madalas na lumalapit sa akin.
So parang ako.?
Iba naman ang sitwasyon mo,mahal. Wala akong ibang ibig ipakahulugan doon. Ang akin lang, hindi ako marunong manligaw kaya pinaparamdam ko na lang sayo. Kung gano ka kahalaga sa akin at kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko naman akalain na, masama na pala ang dating sayo.
Minsan kasi magsalita ka din ng maayos ano? Naniniwala ako sa kasabihan na action speaks louder, pero wag naman sana puro action dahil katulad ng nangyari, pwedeng mamisinterpret ang bawat galaw kung walang suporta ng salita.
Yeah, I realized that. Please forgive me. aniya na posturang nakasalikop ang mga palad na pinagitnaan ang kamay ko.
Pinatawad na kita no! Kung hindi, aba wala ako ngayon dito.
Oo nga naman. aniyang nangingiti.
*********
Kinabukasan ay nagising ako ng wala ulit sa paningin ko si Brandon at Bryle. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako dahil nakakatulog ako ng maayos ngayon. O hindi, dahil parang nagkakalapit na ng maigi ang mag ama. Lumabas ako at as usual ay nasa kusina na sila. Tinanong ko si Manang kung umalis ba si Rechielle, ang sagot niya ay nasa kwarto lang nila at doon na pinapahatiran ni Brent ng pagkain.
Nang matapos mag almusal ay inaya kami ni Brandon na lumibot sandali sa farm. May inasikaso ito sandali na kung ano sa isang opisina at itinuloy namin ang pag ikot sa farm. Bumalik kami bago mag tanghali.
Dumiretso kami sa kwarto at inasikaso ko muna si Bryle para makatulog dahil nag iiyak na.
Pagkalapag ko sa anak ko sa crib ay may narinig akong galabog sa kabilang kwarto.
Lalabas na sana ako nang humahangos na bumungad sa pinto si Brandon.
Anong nangyari sa'yo? Bakit ka naghahabol ng hininga? Tumakbo ka ba? Bakit ka tumakbo? May nangyari ba sa labas? Ano yung narinig kong galabog? dire doretso kong tanong sa kaniya.
Natatawa itong lumapit sa akin.
I miss you. aniya at niyakap ako.
Baliw ka ba? Magkasama lang tayo kanina ah? Saka ano bang nangyari sa labas? Saan galing ang galabog? Ano bang nangyari?
Ang daldal pala ng mahal ko. natatawang sabi niya.
Bigla naman akong nahiya. Umaarangkada na naman ang pagiging matabil ko.
Pasensya na eh madaldal talaga ko. naisagot ko na lang.
No, it's good. It's good. That was just a statement Jewel. You see, nakikita na natin ang ugali ng isa't isa. We are discovering something about each other every day and it's great. Don't get me wrong.
I love everything about you. Lahat ng nakita ko at makikita pa sa'yo.
Hmmm? Halika na nga sa labas. Gutom lang yan. Kumain na tayo bago pa magising si Bryle. Yaya ko sa kaniya.
Pagbukas ko ng pinto ay sakto namang litaw ni Rechielle.
Chielle? Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Samahan kita.
Bungad ko sa kaniya dahil karay karay nito ang anak nito at mukhang nag alsa balutan na naman. Dinig na dinig ko ang mga nababasag na kung ano sa kwarto nila.
Wala ito, Ate. Hindi mo na kailangang sumama. Masaya akong nagkaayos na kayo ni Brandon.
Pero.. sasagot pa sana ako ngunit pinigilan niya na at nagpaalam na.
Nilingon ko si Brandon nang hawakan nito ang kamay ko.
Ano na namang ginawa ng kapatid mo? tanong ko sa kaniya.
Aba, mahal hindi ko alam. Huwag mo naman akong idamay oh. Huwag mo na samahan si Rechielle. Huwag ka na umalis.
Sira, tinanong lang kita kung anong ginawa ng kapatid mo. nangingiting sagot ko sa kaniya.
Ngunit nag aalala akong nilingon ang papalayong si Rechielle. Ano na naman kaya ang pinagdadaanan mo kaibigan?
TBC