Chapter 10 - She's Back

1340 Words
Chapter 10 - She's Back Jewelyn's pov Hawak ko si Bryle at nandito kami ngayon ni Rechielle sa harap ng mansion ng mga del Castillo. Aba, naku Rechielle? Jewel? Kayo na ba talaga yan ? At- at mga anak niyo ba ang mga hawak niyong baby? Oho , Manang sagot ni Rechielle. Nandito ho ba sila Brandon at Brent? Ah, oo, oo hija. Nasa opisina sila. Pumasok na kayo at tatawagin ko ang magkambal. Dito na lang ho namin sila hihitayin Manang. Sigurado kayo hija? Opo Manang, pakitawag na lang ho sana sila. At may sasabihin kaming importante. O, siya, sige tatawagin ko lang sandali.paalam ni Manang. Nilingon ko si Rechielle. Hanga ako sa kaniya dahil ni wala man lang siyang bakas ng kaba. Taas noong naghihintay sa paglabas sa pinto ng pakay niyang tao. Tahimik lang kaming naghihintay. Ibinalik ko ang tingin kay Manang at hindi pa man ito tuluyang nakakapasok sa pinto ay lumabas na ang magkapatid. Manghang mangha sa nakikita. Nakatingin sa amin na tila hindi makapaniwalang nasa harap kami ng pamamahay nila. Na kami na mismo ang kusang nagpakita sa kanila. Jewel? Tawag sa akin na Brandon na tila sinisiguro pang ako nga talaga ito. Hindi ko namalayang nawala sa tabi ko si Rechielle. Jewel, siya na ba ang anak natin? Maluha luhang tanong niya sa akin. Nagtataka man ako kung paano niya nalaman ay tumango na lang ako. Nang makitang tumango ako ay ibinalik nito ang tingin sa bata. Pwede ko ba siyang hawakan? Pwede ko ba siyang buhatin? Bago pa ako makasagot ay inaya na kami ni Manang na pumasok sa loob at napagpi pyestahan na kami ng ibang mga trabahador sa farm. Inaya ako ni Brandon at nagpaakay naman ako. Dinala niya kami sa kwarto niya. Iginaya niya kami sa sofa at pinaupo. Ayos lang ba sa'yo na dito ko na muna kayo patuluyin? Para sana makapag usap tayo ng maayos. Oo, walang problema. sagot ko sa kaniya habang inililibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Maaliwalas at malaki ang kwarto niya. Lumapit ito sa lamesa at inilapag ang dala kong bag na laman ang gamit ni Bryle. Tumingin ito samin at nakatingin lang din ako sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nananabik ako sa kaniya. Mahal ko na nga ba talaga siya? Nakapamulsa ito at tila pinagaaralan ang features ng bata. Gusto mo ba siyang buhatin? Tila hindi nito inaasahan ang tanong ko. Pwede ba? nakangiting tanong niya. Tumango ako at lumapit sa kaniya upang iabot si Bryle. Sa pagkakadikit ng balat namin ay muli kong naalala ang pamilyar na pakiramdam. Ngunit kaakibat naman nito ay pakiramdam na hindi ko gustong maalala. Napatingin din siya akin ng magdantay ang braso namin dahil sa posisyon. That same strange familiar feeling is reviving. Kinakabahan ako sa kahihinantnan ng magiging pag uusap namin. Nang maiposisyon ni Brandon si Bryle sa komportableng posisyon ay muli niyang tinitigan ang batang nakatingin din sa kaniya. Tila ba pareho nilang kinikilala ang isat isa. Lalo akong naguilty sa ginawa kong paglilihim. Hindi deserve ni Brandon ang ginawa ko. Hinawakan ni Bryle ang mukha ng Daddy niya at umiyak na nga ng tuluyan si Brandon. Kinabahan ako kung para saan ba ang iyak niya. Hey? Bakit ka umiiyak? Pwede mo namang sabihin kung hindi ka pa handa sa responsibilidad ng isang Ama. Nandito ako para ipakilala siya sa'yo at hindi para maging pabigat sa buhay mo. O kung hindi ka naman naniniwalang anak mo siya ay hindi ko ipagpipilitan. Lumapit ako sa kaniya at akmang kukunin si Bryle sa kaniya nang hilahin niya ako at yakapin. Halos hindi ako makahinga sa yakap niya. Mabuti na lang tahimik din si Bryle. Tila ba nakikisama sa sitwasyon. Matagal kitang hinintay Jewel. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko nang iwanan mo ako. Miss na miss na kita. Nag wala pa nga ako nang malaman kong tinakasan niyo kami ng kapatid ko. Iyon nga yung binanggit ni Rechielle sakin ng araw na umalis kami. Hindi ko din alam na buntis ka at mag isa mong hinarap ang lahat. Kaya naisip kong walang wala ang hirap na dinanas ko kung ikukumpara sa mga pinagdaanan mo. Hindi ko sana hinintay na bumalik ka. Nagsikap sana akong hanapin ka para nasamahan kita sa paglilihi mo. Sa mga check up mo at hanggang sa panganganak mo. Patawarin mo ako. Pinabayaan kita. Gusto kong lumubog sa kinalalagyan ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Napakamaunawain niya. Hindi niya ako sinisisi sa naging desisyon ko ni ang sumbatan. Napakaimposible mong tao Brandon. Patawarin mo ako Jewel. Paulit ulit nitong bulong. Hindi Brandon. Hindi kita sinisi sa mga nangyari. Gaga ka ba? Eh di ba nga siya pa nga ang sinabi mong dahilan sa tatay mo na sanhi ng paglayo mo? Tapos anong drama yan? Huwag ka nga. Wala kang dapat ihingi ng tawad Brandon. It was my choice. Ang lumayo sa lahat, hindi lang sa'yo. Sa lahat ba talaga? Eh bakit kasama mo si Rechielle? Ahm, syempre maliban sa kaniya. Alam mo bang ako ang kasama niya ng manganak siya? Naisip ko pa nga ng mga oras na iyon, kung ikaw sana iyon. Tapos hindi ko alam. May anak pala talaga tayo. Sandali lang, nakatulog na si Bryle. Ilapag na muna natin siya. Naiipit na siya sa puwesto natin. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Sakto namang kumatok si Manang. Hija, kumain na muna kayo.ani Manang Rosa sabay lapag ng pagkain sa lamesita. Ibigay mo na muna si Baby kay Lorena para makapag usap kayo ng maayos ni Brandon. Okay lang po Manang Rosa. Kaya ko na bantayan ang anak ko. Salamat po. It's okay, Jewel. Mababantayan nila si Bryle. Para makapagpahinga ka din muna. sabat ni Brandon sa pagtanggi ko habang iniaabot na si Bryle kay Lorena. Hindi na ako tumanggi. Hinalikan ni Brandon si Bryle bago lumabas sila Manang at Lorena. Kumain ka na muna Jewel, baka ginutom ka sa byahe. Sana nagpasundo ko na lang. Meron ba namang nagtago na nagpasundo sa pinagtataguan? sagot ko sa kaniya. Tumawa ito at nabigla ako. Namiss ko ang mga tawa niya. Ang mga mapanukso niyang ngiti. At bawat haplos niyang puno ng pagsuyo. Na tila ba binubura ang lahat ng masamang nangyari sa buhay ko. Hindi naman sa ganon. Ang gusto ko lang sana ay maging magaan ang pag uusap natin. No hate, no regrets, no blaming. Ayusin sana natin ang sitwasyon natin Jewel. Oh,no! Kararating ko lang. Huwag mong sabihing ipipilit na naman niya ang kasal? Mag umpisa sana tayong muli. Kalimutan natin ang naging paglayo mo. Ang importante ay ang ngayon. At nandito ka na. Hayaan mo sana akong alagaan kayo ng anak natin. Magpapakilala ako sa'yo. Araw araw kitang liligawan hangang sa maramdaman mo na ako sa puso mo. Hindi na kita mamadaliin tulad ng ginawa ko. Sabihin mo lang ang gusto mo at susundin ko. Huwag ka lang lumayo muli. Dahil baka masiraan na ako. mahabang litanya ni Brandon. Inisip kong mabuti ang mga sinabi niya. Ano ba talagang ipinupunto niya? Nakatingin ako sa kaniya na nagtatanong ang mga mata. Inabot niya ang kamay ko at pinagsalikop ang aming palad. Gusto ko sanang magsama tayo para sa anak natin. Bigyan mo ako ng chance. Bigyan mo ng chance ang sarili natin. Huwag mo sanang itali ang sarili mo sa pag iisa. Nandito ako, sasamahan kita. pakiusap niya sa akin. Matagal kami sa ganong pwesto bago ko nakuhang sumagot. Ipapakilala kita kila Nanay at Tatay. Nabibigla man ay tila natuwa naman ang reaksyon niya. Walang problema my Jewel. Kahit kailan. Sabihin mo lang. sagot niyang nakangiti. Sasabihan kita kung kailan. Ang ibig bang sabihin niyan ay pumapayag ka? paniniguro niya. Tumango ako bilang sagot. Brandon's pov Sa sobrang tuwa ko sa naging sagot niya ay niyakap ko siya. Now that you're back, magseseryoso na ako. Hindi ko na dadaanin sa wicked ways ko ang panliligaw sa'yo mahal ko. Pangako, this time i won't take you for granted. You slipped away many times already and i can't bear that anymore. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD