Chapter 9 - Bryle
Jewelyn's pov
Halos isumpa ko ang lahat ng maisipan kong isumpa sa sobrang tagal kong nag labor. Pinahirapan ako masyado ng baby ko. Hindi nga ako nahirapan sa paglilihi, binawi naman niya sa panganganak. Ang akala ko ay hindi ko magagampanan ang pagiging ina. Pero heto at kaming dalawa lang sa isang bubong. Nakatingin ako sa maamong mukha ng anak ko habang hinehele ito. Salamat kay Rechielle at kahit papano ay na train ako. Kung paano ihandle ang babies hangang sa pagdisiplina. I'm so happy that i have Bryle with me. Taliwas sa reaksyon ko ang nararamdaman ko ngayon kumpara nang unang malaman ko na nagdadalangtao ako. Walang pasidlan ang kaligayahan ko kaya hindi ko napapansin ang paglipas ng araw. Tatlong buwan ka na pala baby. Kausap ko sa kaniya kahit tulog siya. Tatlong buwan na din na tayo lang palagi ang magkasama at walang istorbo sa buhay natin. Pero kailangan na nating lumabas sa lunga. Tama na ang pagtatago. Kailangan na kitang ipakilala sa Nanay at Tatay. Tulad nga din ng sinabi ni Rechielle. Pinag isipan kong maigi ang pagpapakilala ko sa'yo sa tatay mo. Unfair naman na wala kang kilalaning Tatay. Ang unfair ko na nga sa'yo na itinago kita noong nasa sinapupunan pa lang kita. Hangang ngayon ba naman itatago pa rin kita?
Napagpasyahan kong paghandaan na ang pagkikita namin ni Brandon. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya. Kung maniniwala ba siya na sakaniya ang bata. Na siya ang Ama. Anuman ang kahinatnan ay handa ako. Ang importante ay magawa ko ang parte ko.
*****
Kinabukasan ay nag impake na ako. Ipinagpaalam ko na sa landlady ang pag alis ko.
Naku, kailan ba ang balak mong pag alis hija?
Bukas na ho Nanay Remy. Kailangan ko na ho kasing harapin iyong mga iniwan ko.
Kaya mo iyan hija. Pero mami miss ko ang baby Bryle. Maluha luhang bigkas nito.
Matandang dalaga siya na may ampon na babaeng pamangkin. Iyon ang kasa kasama niya sa buhay. Dalagita pa kung kaya't hindi pa humihiwalay kay Nanay Remy. Napakaswerte ko din sa tinirahan ko. Kahit medyo mahal ang upa ay bawing bawi naman sa pakisama ang may ari.
Mamimiss niya din ho kayo, sigurado iyon. Kayo ho ang nagpapatahan sa kaniya kapag hindi ko mapatahan. Maraming salamat ho sa pagpapatuloy sa akin dito sa bahay niyo.
Walang anuman iyon hija. Nakatulong ka din sa amin ng malaki.
Hayaan niyo at papasyal din kami dito paminsan minsan.
Uuwi na kayo ate? tanong sa akin ng pamangkin ni Nanay Remy na kararating lang.
Oo, Myla. Kaya alagaan mo si Nanay Remy ha? Huwag ka muna mag aasawa. Pagbutihin mo ang pag aaral mo.
Opo ate. Pasyal po kayo ah. Mami miss namin si Bryle. Wala nang baby dito. malungkot na sabi ni Myla.
Oo naman. Dadalaw dalaw pa rin kami. Sagot ko. Nauwi pa sa mahabang kwentuhan ang paalamanan.Natigil lamang ng umiyak si Baby Bryle.
******
Naku ang cute cute naman ng apo ko. Tuwang tuwa ang Nanay nang makauwi kami. Pero ang tatay ay sinisermunan pa rin ako. Ngunit kahit ganon ay ramdam ko ang pangungulila nila sa akin na anak nila.
Eh sino ba ang tatay ng anak mo kung hindi si Anthony?
Ipapakilala ko din ho siya sa inyo sa mga susunod na araw Tay.
Bakit sa ibang araw pa at hindi mo siya kasama ngayon?
Ang totoo ho niyan Tay, siya ang dahilan kaya ako lumayo at nagtago.
At bakit mo naman siya pinagtataguan aber?
Bago ko pa man ho malaman na buntis ako ay inalok niya na ko ng kasal.Hindi pa ako handa kaya tinanggihan ko.
At nang malaman ko nga na buntis ako. Mas lalong pipilitin niya akong magpakasal kapag ipinaalam ko sa kaniya. Kaya pinili kong magtago na muna para makapag isip isip. Ayoko hong matali sa kasal na bata lang dahilan. Hindi pa ho ako handang makasama siya.
Ipakilala mo sakin ang lalaking yan at nang makita niya ang hinahanap niya. Hindi ka pala handa pero ginalaw ka niya? Pinagsamantalahan ka ba ng lalaking iyan? Sabihin mo at ipakukulong natin siya.
A.ano ho kasi Tay. Hindi niya ho ako pinagsamantalahan.
Ano? Huwag mong ipagtanggol ang lalaking yan. Magsabi ka ng totoo. Hindi kita pinalaking malandi. tumataas na ang boses ng Tatay na tanong sa akin.
Alberto huminahon ka. Tinatakot mo ang apo natin. saway ng Nanay kay Tatay.
Ang anak mo ang pagsabihan mo Sally. Umalis dito na malinis at dalaga tapos babalik siyang may dalang bata? Nang wala tayong kaalam alam?
Tay, hindi ko ho ginusto ang mga nangyari.
Anong hindi? Kung hindi mo ginusto ibig sabihin ay pinagsamantalahan ka. Pero sinasabi mong hindi ka pinagsamantalahan edi ano ang tawag mo dyan? Kababae mong tao. Huwag mo akong iiyak iyakan dyan.
Tay, si- si Anthony ho. Dinrugs niya po ako. Napaiyak na ako.
Ano? Ipaliwanag mo nga ang sinasabi mo.
Tay, si Brandon ho ang dumating at nagligtas sa akin nong gabing dinrugs ako ni Anthony at pinagtangkaang halayin. Iyon ho yung gabi sinundo niya ako dito at ipinagpaalam sa inyo ang paglabas namin. Hindi ko ho alam kung paano ko nainom ang drugs na iyon. Pero iyon ho ang dahilan ng pagtaas ng s****l desire sa katawan ko. Wala ho akong magawa at hindi ko iyon mapaglabanan. At si Brandon ho na nagligtas sa akin ang napagbuntunan ko. Wala hong masamang ginawa si Brandon sa akin. Sinubukan niya pa ho akong pakalmahin pero malakas ang gamot sa katawan ko Tay. Hindi ko po makontrol. Hindi ko po alam gagawin ko ng mga oras na iyon. Pagkukwento ko sa kanila sa pigitan ng mga hagulgol ko. Pangalawang beses na nagkita kami ni Brandon ay muli niya akong iniligtas ng nang subukan akong lapitan ulit ni Anthony.
Tarantadong lalaki iyon. Botong boto pa mandin ako sa kaniya. Nasaan ba ang gagong Anthony na iyon? Bakit hindi ka nagsabi sa amin? Para naipakulong ang hinayupak na iyon. At isa pa yang Brandon na iyan. Sinamantala ka pa rin niya. At huwag mong sasabihing hindi dahil lalaki din ako Jewelyn.
Huminahon ka naman muna Alberto.
Anong huminahon? Nakinig ka ba sa sinabi ng anak mo Sally? Ikaw pa naman ang Nanay.
Ang akin lang naman ay huwag kang magpadalus dalos ng desisyon. At ang importante sa ngayon ay maayos ang anak natin. Na kahit papaano ay buhay siya at nandito ngayon. Isipin mo Alberto. Karamihan ng biktima ng rape ay pinapatay. Nandito naman tayo para alalayan si Jewel. At may kasalanan din tayo sa nangyari sa kaniya. Kaya sana huminahon ka at ipagpasalamat na maayos ang lagay ng anak mo.
Tay, Nay, tama na ho. Okay na ho ako. Pabayaan niyo na ho ang karma ang gumanti kay Anthony. Huwag na ho nating dungisan ang mga kamay natin.
Ipakilala mo pa rin sa akin ang ama ng anak mo Jewel. Kung talagang malinis ang konsensya ng lalaking iyan.
TBC