Brandon's pov
Nanatili akong nakaluhod kung saan ako iniwan ni Jewel. Nawala na ang epekto ng alak sa akin. Wala na din akong pakealam sa paligid ko. Kahit pinagbubulong bulungan na ako ng mga bisita. Maya maya pa ay inakay na ako patayo ni Brent at ng secretary nito.Bakit ba hindi mo ako magustuhan? Ano ba ang kulang sa akin? Ano bang gusto mong gawin ko Jewel? Matino naman ako ah. Seryoso naman ako sa alok ko. Pero bakit ganon ang naging reaksyon mo? Mukha ba akong nagbibiro lang?
Bro, suit yourself. Huwag mong sirain nang tuluyan ang wedding night namin ng asawa ko.
I'm sorry bro. Sa kwarto na muna siguro ako. Paalam ko sa kaniya at kusa na akong tumayo at naglakad mag isa patungo sa kwarto ko sa mansiyon.
You cry baby. Pag isipan mo muna ang gagawin mo bago siya alukin ulit. Marahas akong napalingon sa kapatid ko. Hindi ko malaman kung advice ba iyon o ano. Tinignan ko siya ng masama at tumawa lang naman ito.
Sana hindi mangyari sa'yo ang nararanasan ko ngayon Brent. Tila naman natauhan ito sa sinabi nito at nanahimik din nang mapansin kong sinaway na din ito ng asawa nitong Rechielle.
Kinabukasan ay sumabay na ako ng alis sa kapatid ko kasama ang asawa nitong si Rechielle at patungong silang Taiwan. Ako naman ay nag stay sa manila para sa flight ko. Inassign kami ng superior namin kasama ang Co pilot kong si Andrew sa flight byaheng Iceland. Pambihira naman. Sa lahat ng pwedeng ma assign sa amin, sa yelo pa talaga. Para silang nanadya ah!
I gather myself and tried to forget everything about my Jewel for the meantime. Let's get back to my first love, let's get back to flying!
********
Jewelyn's pov
Kalalabas ko mula sa banyo at nanginginig pa ako. Hindi ako makapaniwalang buntis ako. Kung hindi ko pa napansin na magta tatlong buwan na pala akong hindi dinadatnan ay hindi ako magdududa dahil wala naman akong naramdamang sintomas ng pagbubuntis. Naubos ko ang sampung test kit at lahat ay iisa lang ang resulta. Positive.
Bakit parang namumutla ka yata ate Jew, tanong ni Cielo.
Ganon ba? Parang di naman.sagot ko sa kaniya ng paiwas.
Anong yata. Namumutla ka nga talaga te. Saka medyo lumaki din tyan mo. ani Cielo.
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo nang maging siya ay napansin ang paglaki ng tyan ko.
Sasagot pa sana ako nang may mag door bell. Haiiist! Save by the bell. Pero sino kaya yan?
Ako na, sagot ko kay Cielo.
Nagulat ako nang mabungaran si Rechielle at umiiyak. Ayaw pa nitong mag kwento kung kaya't hinayaan ko muna.
Nang mahimasmasan ito ay niyaya ako nito sa library para makapag usap. Ngunit hindi nito nagawang magkwento dahil napansin na nito ang umumbok kong tyan.
Buntis ka ba ate? nahigit ko ang hininga sa deretsahang tanong niya.
Ate, ayos ka lang ba? Alam ba niya? Sa kaniya yan hindi ba?
Hindi, Chielle. Hindi pa ako handang magkapamilya. Hindi pa niya alam, a.a.ayokong malaman niya. Hi.hindi pa ako handa. A ayoko pa. Hi hindi ko alam kung kaya ko. Na natatakot ako. Hi hindi ko to gusto. Hindi ko to gusto. sagot ko kay Chielle at nag umpisa na akong humagulgol. Ngayon lang nag sink in sa akin ang sitwasyon ko.
Shhhh.. shhhh. Kaya mo yan Ate Jewel. Nandito lang ako. Sasamahan kita.
Hindi ko ito gusto. Hindi pa ako handa. Hindi ko kaya. paulit ulit kong sabi sa pagitan ng pag hikbi ko.
Sa pamilya mo? Ayaw mo bang sabihin sa kanila?
Ayoko. Hindi ako handa sa magiging reaksyon nila. Ayoko pa. Hindi ko alam ang gagawin ko sa bata. Hindi ko alam kung kakayanin ko maging ina. Walang hiyang Anthony iyon. Kasalanan niya to eh. Kasalanan niya 'to.
Sssh. Tama na ang pag iyak ate Jewel. Hindi makakabuti yan sa baby mo. At huwag na huwag mo sasabihing hindi mo yan gusto. Blessing yan ate. From your own flesh and blood. Learn to love what's growing inside you. And believe me. Hindi ka mahihirapan dalhin ang lahat ng ito. But remember that whatever your decision will be. I will support you. Kung saan ka komportable at tingin mong makakabuti sa'yo. Just not about abortion. Just not that option.
Gusto kong lumayo. Itago sa kanila ang pagbubuntis ko. Lalo na at alam ni Brent itong bahay mo. Hindi imposibleng sabihin niya kay Brandon ang kalagayan ko kung makikita niya.
So anong plano mo?
Lalayo muna ako, Chielle. May ipon naman ako. Babalik naman ako kapag nakapanganak na ako. Gusto ko lang munang magpakalayo layo.
Hindi kita hahayaan mag isa ate Jewel.
Sasamahan kita.
Sigurado ka ba Chielle? Paano si Brent?
That's what I wonder too, why Brent's not here yet.
He's supposed to follow me. Well, I guess that sends a message to me. Siguro totoo ang sinabi ng Mama niya.
Oi, ano yan? Nag away kayo? Hindi ka dapat umalis kung ganon Chielle. Ayusin niyo kung ano man yang hindi niyo napagkasunduan. Kaya ko mag isa. Tatawag tawag ako sa'yo.
Iyon na nga eh. Hindi na namin napag usapan. Wala nang chance. Napabuntong hininga ako ng malalim bago siya nilingon muli.
We should pack up now before those two bad boys raid our house.
What do you mean raid?
I mean, para hindi na niya ako guluhin.
I should be with you. Lilipat na muna tayo. Mas maigi na din siguro iyon para matahimik na muna ang isip natin. At mas mabuti din iyon sayo. Para sa pagbubuntis mo.
May alam ka na bang pwede nating puntahan?
tanong sa akin ni Ate Jewel.
Nilingon ko siya at ngumiti. Let's go to the beach.
Ha? Ngayon? Akala ko ba lilipat na muna tayo?
Oo nga. Sa lugar kung saan may dagat. Let's unwind. Matagal na din mula nang huli nating bakasyon ano. We deserve a break. So we need to pack up now.
As in now?
Yes! As in now!
Wait! Do you think it's better na mag pa check up ka muna ate? Para alam natin na safe ka bang bumyahe?
Doon na lang siguro sa pupuntahan natin. Ok naman ang pakiramdam ko eh, pwera na lang sa pagiging matakaw ko.
Actually napansin ko din yan, na tumaba ka nga. tudyo ko sa kaniya habang tumatawa.
Napansin mo pala tapos hindi mo sinabi.
Pasensya ka na ate. Masyado din kasing okupado ang isip ko sa ibang bagay kaya hindi ko nasabi sa'yo. Pero bagay mo naman. Saka maganda nga yan hindi ka maselan magbuntis. At blooming ka. Siguro babae yan.
Ewan ko sa'yo, Chielle.
Tara na mag impake na nga tayo.
********
TBC mga Bosslies.
Thank you