August 12, 2012
Limang araw pagkatapos ng pagpropropose ni Zenon sa akin, nabalitaan ko kay Ara ang na naghit daw ang video nang pagpropose sa akin ni Zenon sa social media at kasabay din yun ay may madalas ring may tumatawag sa aking unknown number na wala akong ideya kung sino ang nagmamay-ari. Sa tuwing sinasagot ko ito ay walang sumasagot o di kaya ay pinapatay agad. Tinanong ko kay Zenon kung kilala niya ang number na yun but also like me he has no idea.
"Wag ka ngang magulo." Inis na sabi ko kay Zenon.
Kinikiliti niya ako sa aking tagiliran na alam niya na malakas ang kiliti ko sa bahaging yun.
"I love your pinkish cheeks." He whispered.
Mas lalo akong namula sa sinabi niya pero tinarayan ko siya para tumahimik na. Nagulat ako nang bigla niya akong hinila at kiniliti muli sa aking tagiliran.
"Hahaha! Stop please! Ayaw ko na! Tama na!" Halos malaglag na ako sa sofa.
Halos hindi na ako makahinga sa ginagawa niya.
"Hahaha! Please stop Ddy. Tama na please." Pahinto hinto kong pagsaway sa kanya.
Sa wakas tinigil niya na ang pagkiliti sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Kainis ka. Bakit mo ginawa yun?" Inaagaw ko parin ang hininga ko.
"Sabi kong wag mo akong tinatarayan. Sa susunod di ko na ititigil, so better watch out!" Pagbabanta niya pa sa akin.
"Haist! Wala ka namang sinabi sa akin." Habang inaayos ko ang sarili ko.
"Sinabi ko na kanina." With his smirked but we both know he didn't tell me anything.
"Anong oras na ba?" Tumayo ako para hanapin ang phone ko sa paligid at strategy para maiba ang usapan.
"10 na pala, ihahatid na kita." He offered.
"Mamaya nalang." Parang bata kong pagmamakaawa ko sa kanya.
Tumayo siya at pumunta sa aking likuran. Naramdaman kong niyakap niya ako at inilagay niya ang kanyang ulo sa aking kaliwang balikat.
"10 pm na Mmy, mamaya tatawag na ang Mom mo kung nakauwi ka na sa unit mo." He always like that.
Zenon was sweeter than I do. Kapag iba ang nakakakita samin na ganito ang sitwasyon they always say that Zenon was more likely a girl than me.
Umikot ako upang makita ko siya at ipinulupot ang mga kamay ko sa kanyang leeg. Mas matangkad si Zenon kaysa sa akin, 6'1 siya habang ako naman ay 5'7. Yumuko siya ng bahagya para maabot ako. Magkadikit ang aming mga noo habang sumasabay sa indayog ng musika.
"10 minutes please stay like this." He murmured.
"Mamimiss ko ang ganito." I said.
"Why?"Nakakunot ang kanyang noo, halata sa kanya na naguguluhan siya.
"Kasi nga po ( tiningnan ko siya sa mata) kapag ako na si Mrs. Craig, magiging busy na ako sa iyo at sa maging sa mga anak natin." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"I will do this everytime until we get old and you know what?"
"Hmm?"
"Kapag asawa na kita hindi tayo maghihiwalay ano man ang mangyari and we always be like this."
Malalim ang mga tingin namin sa isa't isa. Inilapit niya dahan dahan ang sarili niya mula sa akin at idinampi niya ang kanyang labi sa akin labi. He kissed me passionately, dahil sa mga halik niya sa akin ay napapaatras ako kaya unti unti kaming napunta pabalik sa sofa.
In past 5 years, hanggang halik sa pisngi, noo at ulo ang kadalasan paghalik niya sa akin at kung sa labi naman ay mabilisan lang. Coz we need to protect each self for possible things will happen.
Inalalayan niya akong makaupo. Hindi ko alam kung pano ang tamang paghalik but he guide me how. He kissed me deeply and deeply like there is no tomorrow. Huminto siya sa paghalik sa akin upang kumuha ng hangin. But we still staring intently to each other.
Hindi ko alam na may talent pa pala siyang di ko alam. He also makes me feel like I am his younger sister that he needs to take care too much but now I already feel like a real woman.
"You will be mine, Aliyah." He said seductively.
Bago pa ako makapagsalita ay inangkin niya muli ang aking labi. Sa pagitan ng kanyang mga halik he always try to said he loves me so much but whenever I try to tell him that I do too, he always kissed me. Hanggang hindi nalang sa labi ang mga halik na yun, he also kissing me on my neck.
Alam ko kung saan patungo itong gagawin namin but I don't care on what will be happen. The only thing in my mind right now, this person who in my side, the only one I love.
Itinigil niya ang paghalik sa akin sa akala kong kailangan niya lang ng hangin. Tumayo siya at naiwan akong parang sira, hindi ko alam kung anong init ang bumabalot sa sarili ko ngayon. I don't know where it's came from?
"Mmy, ihahatid na kita." Nakatalikod niyang sabi sa akin.
"Huh?" Ewan ko kung saan nanggaling ang sinabi ko.
Hindi ko mapigilang mahiya dahil sa sinabi ko. I'd tone it like we're not done yet.
"Ihahatid na kita, your Mom is freaking worried about you and I doubt it."
"Mamaya nalang o di kaya bukas nalang. I will text her." Tumayo ako para harapin siya.
Natutulog din naman ako sa unit niya at minsan natutulog din siya sa unit ko but we are not in the same room, he slept on the couch while I slept on the bed. And also my parents need to know because they gave us some limitations, Zenon and I need to endure with it. We live like in the Martial Law but we know it's for our own good.
"No Aliyah. Ihahatid na kita, malapit na rin naman ang kasal natin kaya we have each other after the wedding. Kapag nagstay ka dito ngayong gabi I don't know what will happen..."
"About what?" Lumapit ako sa kanya dahil alam kong parehas namin gusto kung anong nasa utak namin.
"You know what I mean." Hinawakan niya aking magkabilang pisngi.
"Tsk." Muli ko na naman nafeel na isa na naman akong tila batang kapatid niya na kailangan niyang protektahan.
"Sana maintindihan mo ako, Mmy. Pinoprotektahan lang kita." I feel sorry for both of us but maybe this is the best.
" I understand." I smiled.
"Alam mo namang mahal na mahal kita, Aliyah. And all I wanted for you is to be happy with me." He added.
"I love you too Ddy. Sorry for being a childish." I kissed him on his cheeks.
"Let's go!" Kinuha ko ang gamit ko na nasa mesa.
"Wait, clean up yourself first."
Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tumungo ako sa loob ng banyo para tingnan ko ang aking sarili. Mukha akong ewan, yun lang ang masasabi ko. Magulo ang aking buhok dahil na rin ata sa kamay ni Zenon na nakahawak sa akin kanina at nagkalat ang lipstick ko sa labi.
Biglang nagring ang doorbell ng unit ni Zenon. Lumabas ako ng bathroom niya habang inaayos ang sarili.
"Baka si Mom ang nagdodoorbell." Nasabi ko nalang habang pinupunasan ang mukha ko ng tissue habang nakangiti ako ng parang tanga dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina.
Bago ako makakuha ng sarili kong unit marami akong pinagdaanang hirap because Mom and Dad because they don't trust me. Pinayagan lang nila ako dahil malayo ang bahay namin mula sa trabaho ko halos dalawang oras ang biyahe at halos umabot pa ng apat na oras lalo na kapag trapik sa Edsa. At pumayag din sila dahil pinakumbinse ko kay Zenon sina Mom at Dad dahil malakas si Zenon sa kanila. Minsan nga naiisip ko na ang tunay na anak nila ay si Zenon kaysa sa akin but also it's a good thing. Kapag may kailangan ako kay Mom and Dad at kapag di sila pumapayag sa gusto ko, si Zenon ang pinapakausap ko sa kanila at pumapayag din sila kalaunan.
Parati rin si Mom nasa unit ni Zenon kapag may kailangan siya o di kaya kapag hinahanap nila ako ni Dad kaya it's not a big deal kapag dumating si Mom dito sa unit ni Zenon kahit na sa ganitong oras.
Lumabas ako ng bathroom ni Zenon upang tingnan kung si Mom nga ang nagdoorbell, nakita ko naman binuksan ni Zenon ang pinto kaya naman nagmasid ako habang pinupunasan ko ang sarili ko ng bimpo. Wala akong narinig na sinabi ni Zenon kaya mas naging interesado akong tingnan kung sino ang tao kaya lumapit ako sa kanya.
"Ddy, sino ang nagdo...."
Nabitawan ko ang bimpong hawak ko ng makita ko ang taong pumapasok sa loob ng unit ni Zenon. Halata rin sa kanyang mga mata ang pagkagulat gaya ng naging reaksyon ko.
Kilalang kilala ko ang mukhang meron siya. Magkakambal man sila pero alam ko ang pagkakaiba nilang dalawa. Zenon and Axel are twins.
Si Zenon ay hindi masyadong maporma di gaya ni Axel pero kahit ganun ay he's naturally freaking gorgeous man, have a good and strong muscles, attractive, he has his angelic face, have a good personality, he more mature than to his twin brother and he has a small birthmark in his right shoulder looks like a moon. Overall Zenon is a simple man but opposite to his twin Axel even though he has his charisma with his killer smile nobody can deny it, like Zenon he has his gorgeous face, he's a fashionable man, he can get everything that he wants, and he's not a good person. Overall Axel is evil one.
Halos anim na taon siyang nawala para gawin ang gusto niya sa Canada? But now, bakit kailangan niya pa bumalik? Anong binabalak niya?
May mga dala siyang dalawang bagahe na punong puno ang laman.
"Aliyah..." Axel, he staring at me intently like there is no Zenon around us.
"A~~xel..." Paputol putol kong sabi.
"You know each other?" Zenon confusely asked.
"Yeah, very well." Sagot ni Axel na halatang tuwang tuwa siya sa nakikita niya.
"Oh, Good." Tinulungan ni Zenon ang kapatid niya sa mga bagahe nito.
Mabilis kong kinuha ang bimpong nalalag sa sahig, ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa akin kahit na di ako nakatingin sa kanya at kulang nalang ay tumagos iyon sa akin.
"Kailan ka pa dumating?" Agad na tanong ni Zenon ng maitabi ang mga bagahe.
Umupo kami sa living room at nasa harap namin ni Zenon ang kapatid niya na nakaupo na rin. Hinawakan ako ni Zenon sa aking bewang. Komportable ako sa paghawak niya sa aking bewang dahil alam kong sanay na ako but right now I don't know why I felt this way.
"Kaninang umaga lang." Nakangiting sagot nito habang umaagaw ng tingin sa kamay ni Zenon na ngayon ay nasa bewang ko.
Kahit na matagal siyang nanirahan sa Canada ay fluent parin siya managalog. Di mo mababakas sa salita niya na nanirahan siya sa ibang bansa for how many years.
Hindi ako makatitig sa kanya kaya ibinabaling ko ang tingin ko kay Zenon at pinipilit kung ngumiti para mawala ang takot na nararamdaman ko sa ngayon.
"Bakit napauwi ka ngayon sa Pilipinas akala ko ba next month ka pa?" Pagpapatuloy na tanong ni Zenon.
"I need to go back to this place for private reason." Axel, hindi ko siyang tingnan sa mga mata niya habang nagsasalita.
"Oo nga pala. Twinbro, gusto kong ipakilala sayo ang malapit mo ng maging sister-in-law, Aliyah at Aliyah ito ang partner in crime at twinbro kong si Axel." Pagpapakilala ni Zenon sa aming dalawa.
Walang kaalam alam si Zenon sa naging nakaraan namin ni Axel.
"Oh, nice to meet you! Future sister-in-law." Mapaglaro niyang ngiti.
"Nice to meet you too." He staring at me like he scrutinize what in my mind.
"Pano nga pala kayong nagkakilala? Wala kasing naikwento sa akin si Aliyah na magkakilala pala kayo, Axel." Parehas niyang kaming tiningnan na dalawa.
"We ha...." Axel
"We were friends." Pangunguna ko
"Wow. Unexpectedly." Zenon
Halos hindi ko matingnan si Axel sa kanyang mga mata at ang buong atensyon ko ay ibinigay ko kay Zenon, I don't want to destruct myself.
Biglang nagring ang phone ni Zenon dahilan para kunin niya ito mula sa kwarto. Naiwan kami ni Axel, di ko alam kung san nanggagaling ang malakas na t***k ng puso ko na parang mga kabayong tumatakbo. I tried to follow Zenon but unfortunately.
"Babe..." He said with his seductive voice.
"What are you talking about?" I lower my voice
Nginisian niya ako at bahagyang lumapit sa akin.
"You didn't remember me? Are you sure Babe?" Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga pinagsasabi niya
Nanginginig ako sa takot sa kanya. Pinilit kong tumayo para iwanan siyang mag-isa. Nakita ko naman na may kinakausap si Zenon sa phone niya. Before I go to him, I try to calm myself. Ayaw kong malaman niya ang nangyari. After a minute he ended the call.
"Sino ang tumawag?" I asked.
"Your Mom, she asked if you're here."
"Uuwi nalang akong mag-isa Ddy. Alam kong pagod ka na kaya huwag mo na akong ihatid at andyan pa ang kapatid mo, nakakahiya naman na iwan mo siya para ihatid ako."
"Ganun ba. Ihahatid nalang kita sa may labas." He offered.
"Oh sige, Ddy."
Umalis siya saglit para magpaalam sa kakambal niya. Hindi ako mapakali sa sitwasyon ko ngayon. Gusto kong makaalis agad sa unit ni Zenon, hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nagtagal pa ako.
"Halika na, Mmy.." Lumapit ako sa kanya kaagad.
Sa tuwing katabi ko si Zenon ay nawawala lahat ng pag-aalala ko. But this time, even though he is my side it didn't work because I know in myself that he can't protect me this time.
"Mag-ingat ka, papakasalan pa kita." Pagpapaalam niya sa akin habang pasakay na ako sa taxi.
"Opo, Ddy." Hinalikan niya ako sa sa labi ng saglit at niyakap.
"I love you Mmy." He smiled at me.
Ang mga ngiting niyang yun ang mga ngiting ayaw kong mawala. I love this man. I don't know what tomorrow comes when his smile fade away.
"I love you too, Ddy." Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa akin at sumakay na ng cab.
Inaantay niyang makaalis ang cab bago siya umalis sa lugar na pinaghatiran niya sa akin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kung anong mangyayari kinabukasan.
*1 text message
Binuksan ko yun dahil sa akala kong si Zenon ang nagtext instead it's unknown number the one who called me in past few days.
*Babe? Are you awake?* Unknown number
"How did he know my number?" I ask to myself.
Phone ringing........
I calm down myself before I take my phone.
Zenon's calling
"Ddy?" Kalmado kong sagot.
"Mmy, kamusta? Nakauwi ka ba ng maayos?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Opo, Ddy."
"Ikaw ba?"
"Yeah, ilang minuto ka palang na wala sa tabi ko namimiss na kita." Sa ganitong paraan nawawala ang problema ko.
"Miss na din kita."
"Gusto mo punta ako dyan?" Gusto kong sumagot ng oo pero alam kong hindi dapat.
"Gabi na para bumiyahe pa at diba may sinabi ka kanina kaya wag ka ng pumunta dito bago ka pa may magawa. Hahaha." Pang-aasar ko sa kanya.
"Oo nga but I can't wait for the time of our wedding." I thought, I'm the only one.
"Me too." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Diyan ba matutulog ang kakambal mo?" Pag-iiba ko ng usapan at para makuha rin ako ng ideya kung ano bang nangyayari.
"Opo Mmy, he will stay in my unit for two weeks or more than a month." Nagulat naman ako pero hindi ko pinahalata iyon habang kausap siya.
"Ah ganun ba. Di ka pa ba matutulog?" Nakatingin ako sa kisame.
"Matutulog na. Oh sige na, it's too late na Mmy. Good night Mmy. I love you."
"Good night Ddy. I love you too."
To be continue...