August 25, 2012
Kumuha kami ni Zenon ng wedding planner para sa kasal namin. We've decided na traditional wedding ang gagawin na kasalan, simple but elegant at sa January 7 ang kasal, ang araw na nagkakilala kami. We have four and a half months preparation.
I decided to give him a gift, a handmade one. Dahil sa ma-art akong tao, gumawa ako ng painting na kung saan siya ay nag-aantay sa akin sa dambana habang ako ay naglalakad with my Dad palapit sa kanya.
In our house, I have my own room for my arts because my parents know that I love arts, it was my past time and also my hobby. Tinapos ko ang gustong kurso ng parents ko about sa business pero ang talaga gusto ko ay Fine Arts. Kapag may pagkakataon ako ay mag-aaral talaga ako ng Fine Arts. In my unit, I don't have a lot of space for my arts because it's not too big, not like in my parents' house.
Nasa loob ako ng sala sa tapat ng bintana na kung san makikita mo ang naglalakihan mga estraktura ng mga buildings habang nasisinagan ng araw kong napili para magpinta. Maganda ang araw na ito dahil walang banta na anumang kalimadad na mangyayari. Sa kalagitnaan ng aking pagpipinta biglang may nagtakip ng aking mga mata.
"Zenon?" Hula ko.
Nakakapasok siya sa unit ko kahit na hindi ko na buksan pa dahil alam niya ang passcode ng pintuan.
"You know me very well." Tinanggal niya ang pagkakatakip niya sa aking mga mata and he hug me on my back.
"Bakit ka nandito?" Habang hawak hawak ang kanyang mga kamay na nakayakap sa akin.
"Ano yang ipinipinta mo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Surprise gift ko sana para sayo pero sinira mo ang diskarte ko."
Kunwari inis kong sabi.
"Wow! Thank you, Mmy. Ang ganda!" Lumapit siya painting na ginagawa ko
"Welcome Ddy, pero di na yan magiging surprise gift dahil nakita mo na." Pagtatampo ko kunwari.
"Edi isuprise mo ako kapag tapos mo na." Nakangiti niyang abot tenga.
"Tsk. Kasi bakit ka pumunta dito ngayon? Kapag pumupunta ka naman dito nagtetext ka pero bakit ngayon di ka man lang nagtext, edi sana di mo ako naabutan na ginagawa yan." Inis kong sabi niya na tila bata.
"Eto naman nagtatampo agad (lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilang bewang habang nakatapat sa akin) Sorry na po Mmy. Gusto sana kitang isurprise pero parang ako pa ang nasurpresa." Natatawa niyang sabi
"Talaga? Nasurprise ba talaga kita?" Natutuwa kong tanong sa kanya.
Gusto ko sana bago kami ikasal mabigyan ko man lang siya kahit isang regalo na mula sa sarili kong gawa at isurpresa siya, kadalasan kasi siya ang nagbibigay at parating may surpresa sa akin.
"Opo, Mmy." Malawak ang kanyang ngiti, sa tuwing ginagawa niya yun ay di ko maiwasan na di maalala ang kanyang kakambal sa kanya.
"Talaga sure yan ah!" Di ako makapaniwala sa sinasabi niya.
"Oo nga, Mmy." Nakangiti niyang sabi.
Sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya dahil alam ko sa sarili ko na may nagawa na rin ako para sa kanya.
"Mmy, meron nga pala akong kasama." Bulong niya.
"Huh? Sino?" Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
Natataranta ako dahil wala akong ayos. Nakaclip ang buhok ko na tila pusod, with my pink apron na puro pintura, at nakamaikling short at sando lang ako na kadalasang suot kapag mag-isa ako sa bahay. Di na ako nahihiya na makita ni Zenon sa ganitong sitwasyon pero kapag iba ang nakakakita nakakahiya. Hindi ako mahilig magshort o kahit anong maiksing damit kapag nasa labas ako ng bahay kaya kapag nasa labas ako ay formal o pants ang suot ko. Kapag nasa bahay kasi ako mas komportable ako kapag ganito ang suot ko dahil di gaanong mainit.
"Don't worry, si Axel lang ang bisita." Mahinahon niyang sabi.
Sa sinabi niyang yun ay baliktad ang naging reaksyon ko sa reaksyon niya dahil labis ang kaba na nararamdaman ko ng marinig ko lang ang pangalang binanggit niya.
Lumingon ako para tingnan kung kasama niya nga. Di siya nagkakamali dahil nakatingin si Axel sa amin habang nakangisi. Ang tuwa ko kanina ay unti unting nawala nang nakita ko siya.
"Wait lang, Ddy. Magpapalit lang ako." Paalam ko kay Zenon.
"Oh sige." Dumiretso ako ng kwarto ko para magpalit.
Nagwhite tsirt ako at nagpalit na medyo mahaba habang short na hanggang tuhod. Pagkalabas ko ng pintuan ng kwarto ko. Nakita ko naman si Zenon na busing busy sa pag-aayos ng kainan, may dala pala silang fast food na mula sa sikat na kainan sa Pilipinas. Habang ang kakambal niyang si Axel ay umiikot sa loob ng unit ko at iniisa isa ang mga litrato nakadisplay sa itaas ng mga cabinet.
"Ako nalang dyan, Ddy." Kinuha ko sa kanya yung mga pinggan na hawak niya
"Tulungan na kita, Mmy. Madali lang naman at kapag kasal na tayo...." Di na niya natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Axel.
"Matagal pa ba yan?" Umupo siya sa isang upuan na nakatapat sa akin
"Wait lang, malapit ng matapos." Habang inaayos ang hapag-kainan
"Ikaw talaga kambal pinapahirapan mo tong future sister in law mo." Natatawang sabi ni Zenon
"Eh sa gutom na ako." Pagrereklamo niya.
"Sorry..." Bulong ni Zenon na pinatutungkulan ang ugali ng kapatid niya.
"Okay lang. Kumain ka na." Bulong ko rin sa kanya.
Natapos kaming kumain ng tanghalian, nilinis ko ang mga pinagkainan at naghugas si Zenon ng mga pinggan habang si Axel ay komportableng nanunuod ng tv, oo nga pala dahil bwisita siya! Natapos na namin ni Zenon ang mga gawain ng mga alas dos ng hapon. Nanood kami ng dalawang palabas hanggang sa nag-alas sais na.
"Uwi na kami, Mmy." Pagpapaalam ni Zenon sa akin.
"Dito nalang tayo maghapunan, kambal. Siguro naman marunong magluto ang future misis mo." Pagsingit ni Axel habang nakatingin sa akin ng matalim.
"Pero wala akong pwedeng malutong pagkain dito. Sa labas nalang tayo kumain kung gusto niyo." Sagot ko kay Zenon.
Hanggang maari ayaw kong kausapin si Axel ni tingnan man dahil sa takot ako sa mga sinasabi ng mga mata niya sa akin.
"Mas masarap ang lutong bahay. Diba kambal? Sa Canada parati nalang fastfood o de lata ang kinakain ko kaya mas magandang matikman ko man lang ang pagkain niluto ng malapit ko ng maging SISTER IN LAW."Binigyan diin niya talaga ang "sister in law" sa akin.
Hindi ko alam kung bakit niya pinipilit na dito sila maghapunan ni Zenon. May plinaplano kaya siya? Isipin ko palang nagtataasan na ang balahibo ko.
"Pagbigyan mo na tong kakambal ko Mmy, tutal minsan lang naman. Huwag ka mag-alala maggrogrocery ako ngayon, malapit lang naman ang market dito." Pagsuko ni Zenon sa kapatid niya na kanina pa kaming dalawa pinapasakit ang ulo.
Napatingin ako bigla kay Axel na ngayon ay tuwang tuwa. Alam kong plinano niya talaga to. Gusto niyang maiwan kaming dalawa at umalis si Zenon.
"Sasama nalang ako Ddy, di mo alam ang mga bibilhin mo." Humawak pa ako sa kamay niya.
"Kaya ko na, huwag ka mag-alala. Ako pa. Tapos di naman ata magandang iwan natin ang kakambal ko dito at sumama ka sa akin." Nakangiti niyang sabi.
"Huwag kang mag-alala, mabait yan, ganyan ganyan lang talaga yan." Hinawakan niya pa ang aking ulo at ginulo ang aking buhok na hilig niyang gawin.
Sa tuwing ginagawa niya yan dalawa lang ang naiisip ko, ang una ay ginagawa niya akong bata at ang pangalawa ay para akong aso niya.
Wala akong nagawa, umalis si Zenon at naiwan kaming dalawa ni Axel sa loob ng unit ko. Matindi ang kaba ng puso ko, hindi ko alam kung anong gagawin. Kung tatakbo ba ako o iwawalang bahala lang na nandito siya.
Pagkalabas ni Zenon ng unit ko, mabilis na sumulpot sa harapan ko si Axel. Iniwasan ko siya at halos patakbo akong pumunta sa kusina, ngunit mabilis lang din niya akong nasundan.
"Ano ba yun?" Inis kong sabi sa kanya.
"Matagal kong inantay ang pagkakataon na to, Aliyah." Palapit siya ng palapit sa akin.
"Ano ka ba! Umalis ka nga diyan! Sisigaw ako!" Pagbabanta ko sa kanya.
Pero di siya natinag. Patuloy niya parin akong sinusundan habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa napasandal ako sa may dingding. Iniharang niya ang isa niya ang dalawa niyang kamay upang di ako makatakas at macorner ako. Mas lalo siyang lumapit sa akin.
"Akala mo matatakot mo ako diyan sa pagsigaw mo, Babe? Sige sumigaw ka para makita natin ang hinahanap mo." Balik na banta niya sa akin.
Wala akong maisagot sa kanya kaya nanahimik ako.
"Alam mo ba kung gaano ko kagustong agawin ka sa kakambal ko? Sa tuwing nakikita kitang kasama mo siya alam mo ba kung gaano kalaki ang nilalamon ng selos ang sarili ko, Aliyah? Marami akong pinagsisihinan kapag nakikita ko kayong masayang dalawa. Sana tayong dalawa ang masayang nag-aasikaso ng magiging kasal natin, sana di nalang kita iniwan, sana! sana! Sana! Puro nalang sana. Pero ngayong bumalik na ako wala ng sana dahil babalik ka na sa akin, Aliyah!" Kitang kita ko ang pagbabago ng kanyang itsura.
Ang mga ngiti at ngisi kong nakikita ko parati sa kanya ngayon ibang iba na. Gusto kong ipagsigawan kong gaano siya kabaliw para isipin na babalikan ko pa siya.
"Ano ba kasing gusto mo?" Tinutulak ko siya gamit ang dalawa kong kamay pero anong magagawa ng maliit kong pangangatawan sa lalaking nasa harapan ko?
"Gusto? Anong gusto ko?" Bulong niya.
"I---KAW! Maibibigay mo ba?" Mapanukso niyang sabi habang nakatingin sa akin mga mata.
Di ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. Napagilid ang kanyang mukha sa pagsampal ko, nagulat naman ako ng bigla siyang tumawa ng malakas.
"Ano tapos ka na?" Nakangisi niyang sabi sa akin.
"Ano bang kailangan mo sa akin?! Tapos na tayo matagal na Axel! Kaya tigilan mo na ako!" Halos pasigaw kong sabi sa kanya.
"Tapos na tayo? Kailan pa? May sinabi ka ba?" Mapang-asar niyang tanong.
"Nang umalis ka at iniwan mo ako dito na nag-iisa! Dun tayo nagtapos Axel! Kaya tama na! Mahal ko ang kakambal mo kaya tigilan mo na kami!" Pinilit kong makaalis sa harapan niya pero di ko magawa dahil malakas siya.
"Akala mo titigil ako dahil mahal mo siya? Ganun ba yun Aliyah? Di ako ganun katanga para g*g*hin mo! Walang nagtapos sa atin tandaan mo yan! Huwag kang magpakasal sa kakambal ko dahil akin ka lang Aliyah! Tandaan mo yan!" Nanlilisik ang mga mata niya sa galit.
"Hindi ako sayo! Kahit kailan di ako naging sayo! Gumising ka nga! Minahal kita noon pero binalewala mo yun! Tapos ano? Gusto mong hiwalayan ko ang kakambal mo dahil sinabi mo? Nagpapatawa ka ba, Axel?!"
Inaasahan kong titigil na siya pero kabaliktaran ang nangyari. Mabilis na nilapat niya ang labi niya sa aking labi. Pilit kong umalis sa sitwasyong yun pero malakas talaga siya. Hanggang unti unting pumatak ang mga luha ko sa takot. Marahas ang halik na natatanggap ko sa kanya dahilan para dumugo ang labi ko. Sa tingin ko ay naramdaman niya ang dugo at luhang pumapatak sa mga mata ko. Kaya natauhan siya sa ginawa niya kaya mabilis niyang akong pinakawalan. Mabilis akong tumungo sa aking banyo at doon ko tiningnan ang aking sarili.
Kailangan ba talaga itong mangyari? Pano ako napunta sa ganitong sitwasyon?
"Aliyah?!" Kinakatok ni Axel ang pinto ng banyo kung saan ako naroon.
Ngunit ayaw ko siyang kausapin. Nanatili ako sa loob at binuhos ko ang mga luhang kanina ko pa ang gustong ilabas. Nang medyo nahimasmasan na ako ay inayos ko ang aking sarili dahil sa takot na baka mapansin ni Zenon. Lumabas ako ng banyo.
"Aliyah!" Lumapit siya sa akin ngunit nilagpasan ko lang siya.
"Aliyah, I'm really sorry. Nadaig lang ako ng galit ko. Pasensya na talaga." Pagmamakaawa niya sa akin.
Hinayaan ko siyang magsalita pero di ko siya sinasagot. Ginawa kong busy ang sarili ko sa kusina. Hanggang sa dumating si Zenon.
"Aliyah, anong nangyari sayo?" Napansin na ni Zenon ang nangyari sa akin na nagpatibok ng malakas ng puso ko sa kaba.
"Bakit?"
"Anong nangyari diyan sa labi mo?" Nag-aalala niyang tanong.
"Ah eto, nakagat ko lang kanina." Habang inaayos ko ang pinamili niya.
"Ah ganun ba. Gutom ka na ba Axel?" Pagbaling naman niya ng atensyon sa kapatid niya.
"Di pa." Maikli nitong sagot
"Tutulungan na kitang magluto." Pag-eendorso niya.
"Huwag na, kaya ko na."
Natapos ako magluto at kumain na rin kami. Hindi naman na gumawa ng eksena si Axel at nakauwi sila ng alas nuebe ng gabi.
*1 message
Aliyah, I'm really sorry for happened. I didn't mean that. Please accept my apology.
-Axel
To be continue...