Kabanata 4

2413 Words
June 13, 2005 First day of school noon, 4th year high school ako. Nag-aaral ako sa isang sikat na unibersidad. Nasa banyo ako para ayusin ang aking sarili bago tuluyang pumasok sa loob ng silid aralan. Walang katao katao sa loob ng banyong iyon dahil na rin maaga pa. I don't have an idea na ang araw na yun ay may makikilala akong isang tao. He was wearing a black jacket with his brown pants and also with his cool black shade. He closed the door of the comfort room when he entered. He faced me, at first I'm too nervous on what things he may do to me, I stepped back and hold tightly my hairbrush to protect myself if this man move strange. He removed his shade and my jaw almost wanted to dropped. This man was the most famous hot model in a well-known magazine and he was known for being one of the playboy in showbix industry with his killer smile that can catch woman heart in such one glimpse of eyes but I don't care and I don't want to meddle on what his business. "What are you doing here?!" I hesterically said while pointing my hairbrush toward him. Mabilis niyang tinakpan ang aking bibig ko at dinala niya ako sa loob ng cubicle habang nakasandal ako sa may pintuan ng cubicle. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. "Nakita niyo ba?" Boses ng isang matandang lalaki mula sa labas ng cr. "Andyan lang yun, hanapin niyo!" Sigaw ng isa pang lalaki. Nang mawala ang ingay sa labas, tinanggal niya ang pagkakatakip sa bibig ko. "Ano bang....." "Sshhh." He put his index finger to his lips while carefully listening to the noise of outside. "Sshh." I also did. Inilapit niya ang tenga niya sa pintuan, nang nakompirma niya na wala ng tao ay nakahinga siya ng maluwag at hinarap ako. Tinanggal niya na ang pagkakahawak niya sa akin. Ngumiti siya sa akin na abot tengang ngiti. Sa pagkakataong yun, doon ko lang naramdaman ang halos lumabas na sa katawan ko ang puso ko sa lakas ng t***k nito. Sa ngiti niyang yun kaysa mainis at magalit sa ginawa niya ay natulala ako sa kanya. Ayun ba talaga ang epekto ng ngiti niya sa ibang ba? Habang nagsasalita siya ay wala akong naririnig sa mga sinasabi niya at parang mabagal na gumagalaw ang lahat. Hindi ko alam ang feeling na yun dahil alam ko sa sarili ko na unang beses ko palang iyon naramdaman sa buhay ko at sa isa pang lalaking ngayon ko lang nakita. It's really possible? "Miss, are you okay?" Kinaway niya pa ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko. "Huh? Oo, okay lang." Nang matauhan ako. "Can you do me a favor?" He look at me with his puppy eyes. "Wait lang! Ano bang nangyayari? Sino ang mga taong naghahanap sayo sa labas? Diba...." Sunod sunod kong tanong. "Wait, wait. Please one by one and low your voice" He demanded. "Ano ba kasing ginagawa mo dito sa school namin? Imposible naman atang dito ka nag-aaral?" Pagtataray ko. "Yeah, I need to hide from my manager. You know me right?" Curious niyang tanong. "Oo at ano naman ngayon kung...." Hindi niya pinatapos ang sinasabi ko at muli siyang nagsalita. "Good. Can you do me a favor?" He asked again. "Ako?!" Napaturo pa ako sa sarili ko "Yeah, you." He nodded. "Malelate na ako kaya di kita matutulungan." Umamba akong palabas na ng cubicle para di niya ako madamay sa kalokolohan niya. "Please help me. Just give me the way out, please." Pagpapacute niya sa akin I don't know why my heart is beating faster and faster whenever I see him. "Kaso..." Di ko natapos ang sasabihin ko ng hinila niya ako. Mabilis ko namang nabitbit ang bag ko. "Malelate ako panigurado kapag tinulungan ko siya." Sinasabi ng isip ko habang hila hila niya ako "Please, I need to go out here before they will find me." Nang nagsabi siya ng please, hindi ko na matanggihan pa siya. Kaya lumabas kami ng banyo at mabilis na tumakbo papunta sa high school building kung saan may lihim na lagusan para makalabas ng school university. "Oh diyan ka nalang lumabas. Diyan ko nakikita ang ibang estudyante kapag nagcucutting sila. Pero depende na yun sayo kung kaya mo tumalon sa ganyan kataas." "Yep. Salamat nga pala." Halatang nahihiya na siya sa pabor na hiningi niya. "Marunong ka naman pala magtagalog." "Ah yeah." Napahawak siya sa kanyang batok "Nakalimutan ko nga pala magpakilala. Ako nga pala si Axel Craig." Iniabot niya ang kanyang kamay. Napatingin naman ako sa kamay niya. Tinaas niya naman ang kaliwang kilay niya na nagsasabi na makipagkamay na ako sa kanya. "Aliyah, Aliyah Fuentebella." Nakipagkamay ako sa kanya. "Naramdaman mo ba yun?" Napabitaw siya sa kamay ko. "Huh, ang ano?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "Ang kuryente?" Hindi ko alam kung niloloko niya ba ako para marinig sa kanya yun. "Anong kuryente?" Nagtataka kong tanong . "Nang nakipagkamay ka sa akin may kuryente akong naramdam? Di mo ba yun naramdaman?" Napatingin naman ako sa kamay ko "Huh? Wala eh...." "Sa mga ganyang pangyayari, I've watched on a tv show maybe we are soulmate." Hindi ko alam kung anong reaksyon ang sasabihin ko. My dad said, boys always say sweet things to girls whenever they want to flirt with it? Is that true? "Baka ikaw ang soulmate ko. Hahaha! Biruin mo yun, dito ko pa pala makikita ang soulmate ko? Hahaha! Oh sige. Bye, Soulmate. Sa susunod ulit!" Hindi niya na ako pinasagot pa. Bago siya mawala ay ngumiti siya na abot tenga at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. "Soulmate? Sa susunod? Baliw ba siya?" Napatanong ako sa sarili ko sa sinabi niya pero alam ko sa sarili ko na kinilig ako. Siguro nga sa ganoong paraan niya nakukuha ang mga babae at masasabi kong epektibo yun. Biglang nagring ang bell hudyat na umpisa na ng klase. Halos hingal na hingal akong umakyat sa high school building. Unang pasukan palang ay late na agad ako. "Kasalanan ng Axel na yun!" Naweirduhan ako sa sarili ko pagkatapos ng araw na yun. I always wanted to go to the comfort room, time by time after that day. Pagkatapos ng nangyaring yun, halos isang buwan mahigit ang lumipas bago ko siya muling nakita. Palabas na ako ng main gate ng natanaw ko siya sa harap ng gate ng school habang nakamulsa ang magkabilang kamay, nakasuot siya ng shade gaya ng una ko siyang nakita. Nakaupo siya sa harap ng bumper ng kanyang sasakyan. Sa tingin ko ay may inaantay siya. "Sino kaya ang inaantay niya? Ako kaya?" Gusto kong itanong sa kanya pero baka madisappoint lang din ako gaya ng ibang babae na halos nagpapapansin sa kanya. Palabas na ako ng gate habang bitbit bitbit ang mga librong hiniram ko sa library dahil sa research paper na pinapagawa sa amin. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at naglakad, diretso ang tingin ko sa daan. May kasunod akong dalawang babae na ang pinag-uusapan ang lalaking nakita ko kanina. Lahat talaga nakakilala sa kanila kahit ata ipis, langgam, surot at kung anu-ano pa nakakilala sa pangalang Axel Craig. Expected, he was a popular model with his killer smile that nobody can deny with him. "Misty, diba yan yung sikat na si Axel Craig, ang gwapo at ang hot pa kaso parang suplado." Sabi ng babaeng nasa harapan ko kasama ang kaibigan niya, mga mukhang college student dahil sa uniporme niya. "Sino kaya ang inaantay niya? Ako kaya?" Girl 1, habang kinikilig pa. "Mangarap ka girl. Baka girlfriend niya inaantay niya, di kaya?" Girl 2 "Kung girlfriend niya ang....." Di na natapos ang sinasabi ng isang babae. Nagtaka ako ng tumahimik ang buong kalsada ang tanging maririnig mo lang ang mga ingay ng sasakyan. Napansin ko na tumabi ang mga estudyante na kasabayan kong maglakad at nakatingin sila sa akin pati yung dalawang babae kanina ay nakatingin sa akin kaya naman nagtaka ako. Sandaling huminto ako para tingnan kung sino ang nasa likuran ko baka sa likod ko sila nakatingin. Pagkatalikod ko ay bigla akong napaatras ng makita ang lalaking kanina pinag-uusapan ng lahat. Nakangiti siya sa akin na abot tenga. Nakababa ang kanyang mukha na kapantay ko. Kaya halos 3 inches nalang ang layo namin sa isa't isa. Pinikit ko ang aking mga mata dahil sa tingin ko ay isa lang iyong panaginip pero halos nakasampung pikit na ako at inalog ko pa ang ulo ko pero wala talaga kaya kinurot ko ang sarili ko, napalakas yata ang kurot ko sa sarili ko kaya...... "Aray!" Nang malaglag sa paa ko ang mga librong kanina ay hawak ko, maiyak iyak ako sa sakit ng paa ko. 4 inches ang kapal ng librong nalaglag sa paa ko. Kaya napaupo ako sa akin. "Totoo nga!" Nasabi ko sa sarili ko habang tinulungan niya akong ayusin ang nalaglag na libro. "Salamat." Nang iabot niya ang mga libro sa akin. "Are you okay? Masakit ba?" Halata sa mga mata niya ang pag-aalala. "Okay lang." Tumayo ako para makitang niya na okay lang ako. "Oh diba okay lang. Sige, una na ako. Bye." Tumalikod na ako sa kanya. Naramdaman ko ang sakit ng kanang paa ko, napangiwi ako sa sakit pero dineretso ko parin ang pagtalikod sa kanya. Pagkatalikod ko, kitang kita ko ang mga matang matatalas ang tingin sa akin. "Ayan na nga ang sinasabi ko." Nasabi ko sa sarili ko. "Uy, Miss Soulmate." Malakas ang pagkakasabi niya. Kaya halos lahat ng mga estudyante nagbubulungan nang marinig nila ang sinabi ng lalaking nasa harap ko na ngayon. "Ano ba yun? Wag mo nga akong tinatawag ng kung anu-ano." Tipong lalakad na ako ng maramdaman ko ang sakit ng paa ko. Pero pilit ko paring maglakad. "Ano ba kasing kailangan mo? Di naman ata ako ang sadya mo diba? Busy akong tao kaya please umalis ka sa daanan." Umiral na naman ang pagtataray ko. Lumapit siya sa akin kaya naman lalong nagkakagulo ang madla. Gaya ng una naming pagkikita ang ngiti niyang yun ay nagpapatibok ng puso ko ng sobra sobra. Halos gusto lumabas nito sa katawan ko. Hindi ko alam kung bakit yun nangyayari. "Eh kung ikaw talaga ang sinadya ko dito? Anong gagawin mo?" Mapanukso niyang saad. Halos 15 segundo akong nag-isip sa sinabi niya dahil inevaluate ng utak ko ang narinig ko kung imahinasyon lang ng utak ko o talaga bang narinig ko iyon sa kanya. "Ano~~" Di ko na natuloy ang sasabihin ng bigla niyang kinuha ang mga libro ko sa kamay ko at binitbit ako na walang kahirap hirap sa kanya. "Hoy! Anong ginagawa mo! Ibaba mo nga ako dito!" Sigaw ko sa kanya Binitbit ba naman akong parang bigas. Walang galang! Kaysa intindihin ko ang pagbaba ko mula sa pagbitbit niya sa akin ay ang iniintindi ko ang palda ko dahil makikitaan ako pagnagkataon sa pagbitbit niya sa akin. Hanggang sa napunta kami sa kotse niya. Inilagay niya ako sa mga passenger seat at nilock niya yun kahit anong gawin kong pagbukas ayaw bumukas. Sumakay din siya sa driver seat. "Ano bang balak mo? Kikidnapin mo ba ako o baka may masama kang gawin sa akin? I will call my Mom!" Kinuha ko ang phone ko sa bag. Lumapit muli siya sa akin, agad ko namang iginilid ang aking mukha sa pag-aakalang may gagawin siyang masama pero inayos niya lang pala ang seatbelt. "Safety first." Mapaglarong ngiti na naman niya sa akin. Ewan ko ba sa puso ko, parang may sariling isip. Sa tuwing ngingiti siya sa akin ay iba ang epekto nito sa puso ko. Parang maheheart attack ako sa tuwing makikita ang ngiti niya. Isinuot niya rin ang seatbelt niya at pinaandar ang sasakyan habang ako napatahimik. Hindi ko maiwasan magtaka sa sarili ko. Kapag kasama ko naman ang mga kaibigan ko, churchmate ko at pamilya ko hindi ko nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon. It's really weird. Tahimik ako buong biyahe, napansin ko naman na hininto niya ang sasakyan sa tapat ng isang clinic. "Alam niya kaya na masakit ang paa ko? Pano niya naman yun nalaman? Best actress kaya ako sa play namin. Pero pano niya nalaman? Nakakapagbasa siya ng isip? O baka naman halata lang talaga ako?" Ang dami kong tanong sa sarili ko pero walang sagot na ako ang makakasagot. "We're here." Tinanggal niya naman ang seatbelt ko at pati narin sa kanya. Inalalayan niya ako at ipinasok niya naman ako sa loob nito. Bumungad sa amin ang isang assistant. "Sir Axel, ikaw po pala. Nasa loob po si Doktora." Bati ng assistant. "Okay. Thanks, Lily." He tapped the right shoulder of Lily. Pagkalagpas naman ni Axel, napansin ko naman na namula si Lily sa ginawa ni Axel. I think she has a secret crush with Axel. Halos paikaika akong naglakad. Pagpasok ko sa loob nakita ko naman na kausap ni Axel ang isang magandang babae na sa tingin ko siya ang doktora na sinasabi ni Lily. Nasa 20-25 ang edad niya siguro. Pero bakit ang bata niya naging doktora? Pwede ba yun? O baka sadyang mukha lang siyang bata sa edad niya. "Siya ba yun?" Tanong niya kay Axel ng makita ako. "Good afternoon po." Magalang kong pagbati. "Good afternoon din, halika upo ka." Halos paika ika akong lumakad dahil sa sakit. Walang hiya pala tong Axel na to! Sa una lang ako tinulungan pero pagdating namin sa loob ng clinic di na ako tinulungan siguro may relasyon sila ng doktora. Kainis! Pakitang tao lang pala talaga! "I'm Dr. Lyka Rodriguez, I'm the beautiful cousin of Axel." Inilahad niya ang kanyang kamay. "Aliyah Fuentebella po." Nakipagkamay ako. Natapos ang paggagamot sa akin after 30 minutes. Napasaan yung paa ko buti nalang hindi napilayan, kaya pala nalaman ng Axel na yun na may dinaramdam ako dahil sa laki ng pasa ko, di ko man lang napansin yun. After that day, we always met. At first it's not comfortable to me na may kasama akong lalaking halos kilala ng lahat. Nagsusuot siya ng kung anu-ano kapag makasama kami para raw sa proteksyon ko. Until we're cozy with each other, whenever we didn't met, our day is not complete. We date and on December 24, 2005 we are officially in relationship but we are in secret relationship. My parents didn't allow me to have a boyfriend and I broken that promise. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD