Kabanata 5

3050 Words
September 6, 2012 Malakas ang hangin at nagbabanta ng darating na malakas na ulan. Halos lahat ng pampublikong sasakyan ay wala ng okupadong upuan. "Sige una ka na Ara, okay lang ako. Huwag kang mag-alala." "Okay ka lang ba talaga Girl? Wala ka pa namang payong edi mababasa ka ng ulan yan. Baka magkasakit ka pa yan, patay talaga ako kay Papa Tarzan panigurado." Nag-aalalang sabi nito. "Okay lang ako. Medyo hihina na rin naman ang ulan, maya maya. Mahirap makasakay kaya bilisan mo na." Pagpapaalis ko sa kanya. "Sige, Girl. Ingat ka ah." Ara "Sige, bye. Ingat ka rin." Dumampi na sa akin ang patak ng ulan. Sa ganitong pagkakataon may mga bagay akong naaalala sa tuwing umuulan. December 24, 2007 Ito ang araw ng bisperas ng pasko at ikalawang taon namin ni Axel, tumagal kami ng hindi nalalaman ng aking mga magulang. Kasabay ng matagal naming relasyon ay mas lalong nakikilala si Axel sa industriya. Kaya minsanan lang kami magkita dahil ito ang ikalawang taon namin humiling akong magkita kami kahit ngayon lang dahil halos ilang linggo ko na siyang hindi nakikita. Alam kong mali na maging magkasintahn kami pero natatakot lang naman akong malaman nila baka paghiwalayin kami ni Axel. Sa pagkakaalam ko meron pinagkasunduang pamilya ang aking mga magulang para sa kanilang business at kasabay ng pagkakasundo sa kanya kanyang negosyo ay pagpapakasal sa panganay nilang anak at sa akin. Dahil sa nag-iisa akong anak ng mga Fuentebella ay wala akong magagawa kundi sundin yun. Kaya pinagbabawalan nila akong magkaroon ng boyfriend dahil sa bagay na yun. Wala pa akong kaideideya kung sino ang lalaking papakasalan ko sa hinaharap. Wala na rin akong pakialam dahil hindi ako magpapakasal sa kanya dahil kaming dalawa ni Axel ang karapat dapat para sa isa't isa. Nag-aantay ako kay Axel sa rooftop ng isang kompanya na pagmamay-ari ng magulang ng kaibigan ko. Alas dyis na ng gabi pero inaantay ko parin si Axel. Ang usapan namin ay alas-otso pero walang Axel ang dumating. Naghanda ako ng isang candle light dinner para sa 2nd anniversary namin. Surprise ko to para sa kanya. Excited na akong makita siya dahil sa tagal naming di nagkita at gusto ko rin sanang makita ang mukha niyang natuwa sa ginawa ko para sa kanya. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko sa tuwa kung anong magiging reaksyon ni Axel kapag nakita niya ang ginawa ko. Tumayo ako at inayos ang mga bulaklak na pulang pula ang mga kulay. May kumaluskos sa pintuan kaya mabilis akong pumunta dun upang kompirmahin kung si Axel na yun. "Babe? Ikaw ba yan?" Nilibot ko ang tingin sa pintuan. "Axel?" Dahan dahan akong lumapit sa pintuan. Malawak ang ngiti ko nang may kumaluskos mula sa pintuan pero napalitan din kaagad ng lungkot ng makita ko ang isang pusa lumabas mula roon. "Ikaw pusa, pinaasa mo ako." Paninisi ko sa pusa Umupo muli ako sa upuan at napagdesisyunan muling itext siya, na kung saan pangsiyamnapu't lima ko ng text sa kanya. 10:25 pm Babe, asan ka na? Alam kong busy ka pero okay lang kahit late ka nang dumating dito sa tagpuan, aantayin parin kita. I love you Babe. 10:46 pm Babe, ayos ka lang ba? Text ka naman kahit na hi lang basta malaman ko na okay ka lang. 10:55 pm Babe, antayin kita hanggang 12 dito sa rooftop. Mahal na mahal kita. :) 11:59 pm Merry Christmas Babe, sana masaya ka ngayon. Happy 2nd Anniversary! I love you. Ingat ka lagi. :) Huwag kang mag-alala sa akin, I'm okay. Naiintindihan ko naman kung bakit di ka nakarating ngayon. May dahilan ka naman diba? Kahit anong dahilan tatanggapin basta malaman kong okay ka lang. Miss na miss na kita Babe at lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. 99 texts and 56 calls ang ginawa ko para macontact siya but out of coverage area siya. Marami ang bumubuong idea sa utak ko kada lumilipas na minuto ang dumarating. I was wearing a red dress with a santa's hat. But unexpectedly, it's not worth it. Habang inaayos ko ang mga kalat na ginawa ko sa rooftop ay walang tigil ang luhang pumapatak sa mga mata. Kasabay ng mga luhang iyon ang pagbuhos ng ulan, pati ba langit nakikiluksa sa kabiguan ko? Hindi ko alam kung anong dahilan bakit ako lumuluha ng ganito? I was clueless, but my heart say something that broken my heart into pieces. All I wanted to do is to dictate myself that all things are okay, there is no problem but my heart didn't follow , my heart knows everything than my brain did. "Aliyah, saan ka nagpunta?!" Galit na galit na tanong ni Mommy sa akin. Patuloy akong naglakad paakyat sa hagdan. Hindi ko sila pinansin dahil wala ako sa mood para makipag-usap. Wala ako sa sarili ko at alam kong wala ang isipan ko sa katawan ko. "Aliyah! Your mom is talking to you!" Dad "Sorry, mom and dad for what happened. Sorry....." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng isa isang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Napaupo ako sa hagdan habang humahagolgol. "Sorry, mom...I'm really really sorry....." Naramdaman ko ang paglapit ni Mommy. "Sshhhh... sorry nag-alala lang kami sayo." Mommy Mahigpit kong niyakap si Mommy. Ganito pala kasakit ang umibig, ganito ba talaga kasakit? Masaya naman kami nung mga nakaraan pero bakit ganito? Ang sakit sakit. Ano bang kasalanan ang nagawa ko? Sobrang laki ba? Para ganito kasakit ang maramdaman ko? "Aliyah, ano bang nangyari sayo?" Daddy Umiling ako bilang tugon. Hindi ko man lang sila matingnan sa takot na malaman nila ang totoo. Takot akong paghiwalayin kami ni Axel, takot akong hindi ko na siya makita, takot akong mawala siya sa akin na parang bula, at takot akong hindi na makita ang mga ngiti niya sa akin. Marami akong kinakatakutan na pwedeng mangyari kapag nalaman ng aking mga magulang ang lahat. I'm not too brave like the others. Nakikita nila ako bilang isang mabuting anak na walang ginawa kundi sundin sila sa mga gusto nila. Pano kung nalaman nila ang isang bagay na higit na ipinagbabawal nila sa akin ay ginawa ko. Anong mangyayari? Ulan, ito ang unang ulan na nasaktan ako. Ang ulan na kung saan nagpapaalala na ang bawat patak ay may importanteng ginagawa gaya ng pagpatak ng luha ay naiibsan ng sakit na nadarama at unti unting nagpakatatag sa akin. -------------------------------------- Simula ng araw na yun ay hindi ko na magawang lumabas sa aming bahay. Halos dalawang linggo akong di lumabas sa aking kwarto. Kahit na araw ng bagong taon ay hindi ko magawang maging masaya. Araw araw kong tinitingnan ang phone, e-mail at mga sulat pero walang Axel na pangalan ang nagpadala. January 7, 2008 Araw ng unang pasok sa taon ng 2008 . Kanya kanyang kwentuhan ang mga kaklase ko sa kanya kanyang mga bakasyon. "Ikaw Aliyah, how's your vacation?" Eris Ngumiti nalang ako dahil wala ako sa sarili para ikwento sa kanya ang mga nangyari sa akin na buong bakasyon na nagkulong ako sa loob ng aking kwarto. Napagdesiyunan kong wag muna umuwi ng aming bahay at maglibot libot muna sa isang parke na kung san parati namin pinagtatambayan ni Axel kapag kaming dalawa lang. Nakaupo ako sa isang bench. Walang katao tao sa parke dahil na rin sa takot na maulanan sila. Hapon na kaya hindi ganun katindi ang sinag ng araw at nagbabanta na uulan ang kalangitan. Wala ako sa sariling nakatingin sa daanan na kung saan dati ay naglalakad kami ni Axel na magkahawak ang aming mga kamay. Hindi ko maiwasan na di maluha sa mga alaalang bumabalik sa akin. Masaya kami noon na hawak hawak ang kanya kanyang sorbetes at pinaglalaruan ito na idinadampi sa kanya kanyang mukha. Kasabay ng aking pagbabalik sa nakaraan ang pagbabalik ng mga luha upang ibsan ang aking nararamdaman gaya nang pagtulo ng aking luha ang pagpatak ng ulan sa kalangitan. Hudyat na maghanap ng masisilungan. Ngunit di ko ginawa yun dahil mas gusto ko kapag umuulan, maraming bagay ang bumabalik sa aking alaala. Nanatili akong nakaupo sa bench habang ibinubuhos ang mga luhang matagal ko ng gustong ilabas. Halos limang minuto ang lumipas mas lalong lumalakas ang ulan. Ilang sandali walang ng patak ng ulan ang dumampi sa akin kaya ng minulat ko ang aking mga mata may isang kilalang mukha ang nasilayan ko. Di ako nag-atubiling niyakap ang lalaking may hawak ng payong sa tuwa. Bumalik siya bumalik siya muli. "Miss, are you okay?" Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Anong Miss? Bakit di niya ba ako kilala? Nagkaamnesia ba siya? O baka inakala ko lang siya ang inaantay ko? O baka pinagtritripan niya lang ako? Sino ba siya? Tiningnan ko siya ng maigi pero di ako nagkakamali siya si Axel. Pero may ilang bagay na nagbago sa kanya, sa pananamit, ayos ng buhok, pananalita at parang di niya ako nakikilala. Mali ba ako nang nakikita? "Miss, okay ka lang?" Hindi ko alam kung anong inaasta niya pero alam kong di siya ang lalaking minahal ko. Ibang iba pero panong nangyari na magkamukha sila? Pinunasan ko ang aking mukha na pinagdaluyan ng aking luha gamit ang aking palad pero alam ko naman walang bisa dahil basang basa na ang aking mukha dahil sa ulan. "Ummm.. okay ka lang ba Miss? Nakita kasi kita dito na nagpapaulan kaya inakala kong kailangan mo ng payong. Kung di mo mamasamain magpapakilala na ako sayo. Ako nga pala si Zenon, Zenon Craig." Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko Nanatili akong nagtataka kung ano ba talagang meron? Craig? Apelyido yun ni Axel, magkapatid ba sila o magkamag-anak? Pero bakit di ko siya nakilala? Pero sabagay kahit na magulang ni Axel di ko nakilala. Pero wala akong alam na may kapatid siya. "Aliyah Fuentebella. Salamat at sorry na rin sa ginawa ko kanina." Nakipagkamay ako sa kanya kahit na magulo ang utak ko at maraming tanong na gustong kong itanong sa taong nasa harapan ko "Aliyah.... I think I have heard to someone that name..." "I think your face is too familiar." Singit ko "Oh, yeah. My twin brother, Axel Craig. He was a model in a well-known magazine. Are you one of his fan?" Diretso niyang pahayag sa akin. Twin? What does it mean? May kambal ang lalaking minahal ko? I don't know that. Ano nga bang alam ko? Bukod sa model siya at gusto niya ako, ano pa bang alam ko? "Twin brother?" I asked to confirm what he said a while ago. "Yeah, twin brother. My mom born us in the same day. Him and I are genetically look alike." He explained. "Miss, I mean Aliyah pwede bang sumilong tayo dun? (tinuro niya ang isang tila kubo) Pwede ba? Basang basa ka na kasi." Pag-aalala niya sa akin. Dinala ako ng kakambal ni Axel sa may sisilungan. Hindi ko alam pero komportable ako sa kanya baka dahil kamukha niya si Axel. "Ito ipamunas mo."-binigay niya sa akin ang isang kulay pulang panyo kasiing pula ng mga rosas na inihanda ko para sa kakambal niya. "Salamat." Pinunasan ko ang aking ulo na basa na basa pati rin ang aking uniporme. Basang basa na iyon. Tinanggal niya ang suit niya at nagulat ako nang ilagay niya iyon sa akin. "Huh? Para san to?" Ganun ba siya kagentleman kahit na sinong tao na ngayon niya lang nakilala ay ganito niya itrato? "Lalamigin ka maya maya kaya mas mabuting meron ka yan para di ka lamigin." Isang ngiti na hindi ko maitatangging magkakambal nga sila. Ang malawak niyang ngiti ang nagpapaalaala sa akin sa kakambal niya. "Okay lang bang magtanong?" "Umm?" Nakatingin kong sabi sa kanya. "Bakit ka ba nagpapaulan? Bakit ka umiiyak? Bakit mo ko niyakap nung nakita mo ako? At...." Sunod sunod niyang tanong. Bakit ako nagpapaulan? Dahil ang ulan lang ang tanging nakakaintindi sa akin. Bakit ako umiiyak? Dahil nasasaktan ako ng sobra dahil sa pagkawala niya. Bakit kita niyakap kanina? Dahil akala ko bumalik na ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko at umaasa akong ikaw siya. Gaya ni Axel, makulit din ang kakambal niya. Naaalala ko kung pano kami nagkakilala ni Axel, ang dami kong tanong sa kanya nung panahon na yun gaya ng ginagawa ng kakambal niya. "Wait, wait. Ang dami mo namang tanong." Halata naman siyang nagulat ng sabihin ko yun. Siguro napansin niyang komportable ako sa kanya. Dahil na rin siguro magkamukhang magkamukha sila. "Ah pasensya na. Nagtataka lang talaga ako." Nilagay niya ang kanyang kamay niya sa kanyang batok. "Lahat kasi ng tanong mo ay di ko pwedeng sagutin, pasensya na. Sige salamat sa panyo at suit mo." Ibabalik ko na sa kanya ang panyo at suit niya ng bigla niya akong pinigilan. "Sayo muna yan, kukunin ko nalang sayo." Kukunin? As if naman na magkita muli kami? Bigla ko na namang naalala si Axel sa narinig ko sa kanya. "Huh? Kukunin?" Binigyan niya ako ng ngiting di ko alam kung anong ibig sabihin kaya tumalikod nalang ako para umalis at umuwi na. Habang naglalakad biglang nagremind sa akin ang mga tanong niya. "Bakit alam niyang umiiyak ako kanina?" Tanong ko sa isip ko. Tumalikod muli ako at tiningnan kung san ko siya iniwan pero di ko na siya nakita pa. "Sino kaya talaga siya?" Ayun ang huling tanong ng araw na yun sa akin. Ang ulan, pagkatapos ng mahaba at mapaminsalang ulan darating ang bahaghari at bubukas muli ang liwanag. September 6, 2013 "Cough, cough, cough...cough" Umiikot ang paligid ko sa sobra sakit ng ulo ko. Kasabay pa ng inuubo ako. Dahil ata ito sa naulanan ako at sumakay pa ako sa taxi na sobrang lakas ng aircon at ito ang naging resulta. Naligo ako at nagpalit ng damit. Humiga ako sa kama para magpahinga. Phone ringing..... Hindi ko na nabasa kung isno ang tumatawag basta sinagot ko nalang dahil sa umiikot talaga ang paningin ko. "Hello? Sino.... cough..cough...cough to?" Medyo masama na talaga ang pakiramdam ko. "May sakit ka ba Mmy? Okay ka lang ba?" Nag-aalala tanong ni Zenon sa kabilang linya. "Ddy, medyo masakit ang ulo cough.... cough... ko at inuubo cough...cough...rin ako." Pagpapaliwanag ko. "Nakainom ka na ba ng gamot mo?" "Hindi pa nga eh. Naubusan ako ng stock dito cough..cough sa bahay." "Oh sige punta ako diyan. Dadalhan kita ng gamot, Mmy." "Wag na Ddy, malakas cough...cough.... ang ulan. Diyan ka nalang sa unit mo. Cough.. cough...Kaya ko pa naman, cough...cough... pahinga lang ang kailangan ko, Ddy ko." Ayaw ko ng maabala siya dahil feeling ko magiging pabigat langa ko sa kanya lalo na at marami siyang inaasikaso dahil na rin sa nalalapit naming kasal. "Oh sige Mmy. Matulog ka muna, basta darating ako." Pagpupumilit niya. "Sige." Inend call ko at natulog na. "DING DONG! DING DONG!" Maingay na tunog ng doorbell. Napilitan akong tumayo kahit na hindi parin naiibsan ng tulog ang aking dinaramdam. Halos di ako makatayo ng tuwid dahil sa umiikot talaga ang lahat. Naglakad ako na nakahawak sa mga gamit. Binuksan ko ang pinto hindi ko man makita ng malinaw ang mukha ng taong nasa harap ng pintuan. "Cough...cough... Zenon? Ang bilis mo naman." Halos gusto ko ng humiga na sa sahig sa sobrang pagkahilo. Naramdaman ko naman na inalalayan niya ako papasok sa loob. "Nahihilo ka ba?" Feeling ko nag-iba ang boses niya pero baka hallucination ko lang o baka dahil na rin sa malamig ang panahon. "Medyo, Ddy." Nakarating kami sa kwarto. Pinikit ko ang aking mata dahil hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Pagkapikit ko ng aking mata, naramdaman ko naman na hinalikan niya ako sa labi. "Ddy, ano ba? May ubo cough...ako baka mahawa ka." Pero nanatili parin niya akong hinahalikan. Hindi ko alam kung anong sumapi sa kanya ngayon pero parang may kakaiba sa kanya. His kissed me to my neck and I don't know what I feel this time. I open my eyes to his face but it's too blurd so I close my eyes. 1 minute he stopped on what he is doing but I was shock when he try to uncloth my shirt. What does it mean? We will do the thing that we've never do for 5 years. The only thing in my mind, the man who kissing me is not the man I expecting to..... "BLAG!!!!" May bumagsak na kung ano at biglang napamulat ako ng aking mata. "ANONG IBIG SABIHIN NITO!" Ramdam ko ang galit sa boses ng taong kilalang kilala ko. Nanatili ang tingin ko sa lalaking nagsalita at unti unting luminaw ang lahat. Si ZENON! But who is the man who kissed me? Nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko, wala siyang suot na pang-itaas at wala siyang marka na inaasahan kong dapat na meron siya. AXEL! Anong nangyari? Bakit di ko siya nakilala?! Pinilit kong tumayo at lumapit kay Zenon na galit galit na nakatingin sa akin. Matindi ang sakit ng ulo na tila binibiyak ito unti-unti. "Zenon..." Patungo na ako sa kanya pero... "Ano to Aliyah! Matagal niyo na ba akong ginagawang tanga? Huh?!" Galit na galit ang boses niya at sinuntok ang pader sa sobrang galit niya. Unti unting binalot ako ng takot na magalit siya sa akin at maging mali ang tingin niya sa akin. "Zenon, magpapaliwanag ....." "Paliwanag? Anong paliwanag ang gusto mong marinig ko? Na di mo sinasadya ang lahat! Hindi ako alam ang iisipin Aliyah!" Ngayon ko lang siyang nakitang nagalit ng ganito. "Axel, sabihin mo kay Zenon ang totoo please..." Nakatingin kong utos sa kanya. "Bro, kami ni Aliyah..." Saglit siyang huminto sa pagpapaliwanag at muling nagsalita. "Matagal na kaming may relasyon." Halos gusto kong mahimatay sa sinabi ni Axel kay Zenon. Mabilis na lumapat ang kamao ni Zenon sa kakambal niya. Pinilit kong tumayo para maawat sila. Pinigilan ko si Zenon pero tinulak niya ako. Unang beses kong nakita ang galit sa kanyang mga mata. "ANG BABABOY NIYO!" Di ko man makita ang mga mata niya ng diretso pero alam kong tumatagos ang tigin niya sa akin "Zenon! Zenon!" Pilit akong tumayo at hinabol siya "Hindi ito pwedeng mangyari! Hindi! Panaginip lang ito. Hindi ito totoo!" Pero unti unting lumabo ang lahat at nawala...... To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD