Kabanata 6

1507 Words
September 7, 2012 Minulat ko ang aking mga mata at unang nakita ko ay ang puting kulay. "Anong nangyari ba sa akin?" Tanong ko sa akin sarili Nilibot ko ang mga mata sa lugar kung saan andun ako. Isang puting kwarto na kung saan tahimik at may kung anong mga aparato na panggamit sa panggagamot. "Bakit ako nandito? Nasa bahay ako at may sakit pero anong nangyari bakit ako nandito?" Pinilit kong tumayo at alisin ang dextrose sa aking kamay "Aliyah!" Natatarantang lumapit sa akin si Mommy. "Mommy, ano bang nangyari? Bakit po ako nandito? Sino po ang nagdala sa akin dito?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Parang may bagay akong nakalimutan at gusto kong umalis sa kwartong iyon. "Hinimatay ka anak kagabi. Kaya kailangan mong magpahinga." Halatang nag-aalala siya sa akin. Hinimatay? Panong nangyaring hinimatay ako? Natutulog lang ako kagabi dahil masakit ang ulo ko. At....... "Oh, Axel, andyan ka na pala?" Napalingon ako sa pinto na kung saan ang lalaking nakikita ko ang nagpaalala sa akin ng mga nangyari kagabi. Anong ginagawa niya dito? "Opo. Dumaan lang po ako dahil malapit lang ang pupuntahan ko dito." Sagot niya kay Mommy. "Aliyah, ito mansanas. Kainin mo to." Inilapag niya sa lamesa ang dala niyang prutas. "Anong ginagawa mo dito?" Galit kong tanong sa kanya. "Ano ka ba, Aliyah. Si Axel ang nagdala sayo dito kagabi. Kaya dapat magpasalamat ka sa kanya." Nagulat si Mommy sa inasal ko sa harap ni Axel. "Zenon..." Naibigkas ko. "Oo nga pala Axel asan na yung Kuya mo? Bakit wala pa siya dito?" Nagtatakang tanong ni Mommy. Tiningnan ko siya pero wala siyang imik na nagpakaba sa aking dibdib. Nang marinig ko yun ay nagatunay sa akin na hindi lang isang panaginip ang nangyari kagabi. Kahit sampalin ko ang sarili ko, alam kong walang magbabago. Pinilit kong makaupo at tinanggal ang dextrose na nasa aking kamay. "Ano bang nangyayari, Aliyah!" Napatayo si Mommy pagkakaupo dahil sa gonagawa ko. Hindi ko intindi pa si Mommy. Tumayo ako at kinuha ang bag ni Mommy kahit nanghihina pa aking mga paa pinilit kong lumakad palabas ng pintuan. "Aliyah, humi...." Hinabol ako ni Axel. Tinulak ko siya para makaalis ako. Mabilis kong tinahak palabas sa loob ng kwartong iyon. Nang makakit ako ng nurse ay agad akong nagtanong. "Miss, saan ang labasan ng ospital na to?" "Dun po sa gawing iyon Ma'am. Pero bawal po ......" Umalis ako ng maituro niya sa akin ang daan. "ALIYAH!" Hinabol ako ni Mommy at Axel. Mabilis kong pinindot ang button sa elevator. Nagbukas agad ito. Pagkalabas ko ng elevator ay pumara agad ako ng taxi. "Manong sa Fairview. Pakibilisan Manong." Nang makarating ako ay ibinayad ko ang pera ni Mommy sa loob ng bag niya at mabilis na pumunta sa unit ni Zenon. "Zenon?" Tawag ko sa kanya pero tahimik ang lugar. "Andito kaya siya?" "ZENON!" Sigaw kong muli. "ANONG GINAGAWA MO DITO?" Mula sa aking likuran Tumalikod ako at nakita ko siya. Halata sa kanya na hindi siya normal ngayon. Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya. "Zenon..." Palapit ako sa kanya. "HUWAG KANG LALAPIT SA AKIN!" Sigaw niya. Pero hindi ko siya pinakinggan, lumapit parin ako sa kanya. Mga apat na hakbang nalang at magkalapit na kami nang... "SABI KONG HUWAG KANG LALAPIT SA AKIN!" Pero patuloy parin ako sa paghakbang ng marinig ko sa kanya ang salitang hindi ko inaasahan na magmumula sa lalaking minahal ako at minahal ko. "BABOY KAYO! NAPAKABABOY NIYO! NAKAKADIRI KAYO! HUWAG MONG MAGAWA GAWANG LUMAPIT SA AKIN DAHIL SOBRA AKONG NANDIDIRI SAYO! NI PANGALAN MO HINDI KO GUGUSTUHIN NA MARINIG KAYA MABUTING UMALIS KA NA BAGO PA AKO MAY MAGAWA SAYO!" Buong lakas niyang sigaw sa akin. Kada salita niya ay unti unting bumabaon sa puso ko. Hindi ko man gustong umiiyak sa harapan niya pero hindi ko na kinaya pa. "Ddy, please pakinggan mo ako. Lahat nang nakita..." Pagmamakaawa ko sa kanya. Kahit na hawakan ko ay siya ay tinatabig niya. "TUMAHIMIK KA! HUWAG KA NANG GUMAWA PA NG ANUMANG KASINUNGALINGAN! NAKITA NA MISMO NG MGA MATA KO! KAYA TAMA NA! HUWAG MO NA AKONG ULIT GAWING TANGA!" Umagos ang mga luhang hindi dapat umagos mula sa aking mga mata. "ANO? MASAYA BA? ANONG PAKIRAMDAM? HUWAG KANG UMIYAK SA HARAPAN KO AT UMARTENG IKAW ANG BIKTIMA!" Patuloy ang pagluha ko dahil sa mga naririnig ko. "Maniwala ka....." "NAPAKABABOY NIYO! WALA NAMAN AKONG PAKIALAM SA NAKARAAN NIYO NG KAKAMBAL KO! Tanggap ko yun kahit na hindi mo sinabi sa akin ang totoo, inantay kong ikaw mismo ang magsabi sa akin. Pero bakit? Bakit niyo nagawa to sa akin? Minahal kita ng higit sa lahat. Pero bakit nagawa mo akong lokohin? Pinagkatiwalaan kita kahit na alam kong may tinatago ka sa akin pero bakit mo nagawa yun sa akin. Binigay ko lahat sayo tapos ganun pa ang gagawin mo?" Halata ang galit sa kanyang mga mata pero hindi ko magawang lumapit sa kanya, sa takot na baka mas lalong siyang magalit sa akin. "Maniwala ka Zenon. Wala kaming relasyon ni Axel. Oo aaminin ko meron kaming naging relasyon pero lahat yun ay tapos na..." "SA BIBIG MO NA RIN NANGGALING! KAYA TUMIGIL KA NA! HINDI MO NA KAILANGAN PANG MAGPALIWANAG!" Sa pagkataon na yun nagkaroon ako ng lakas ng loob para lumapit sa kanya. Tinry kong yakapin siya pero bago ko pa siya mahawakan may tinulak niya na ako. "Huwag ka nang nagpapakita pa sa akin, tama na lahat ang narinig ko. Umalis ka na!" Patuloy akong umiiyak. Habang siya ay umalis na sa harapan ko at umalis sa sarili niyang bahay. "Ano ba tong nangyayari sa amin?" Nang ilang minuto ay napagdesisyunan kong bumalik sa ospital para kaharapin ang lalaking gumawa nito sa amin. "Oh, Anak. San ka nanggaling?! Bakit ganyan ang itsura mo?" Agad na lumapit sa akin si Mommy. Mabilis ko naman nasilayan si Axel at lumapit agad ako sa harapan niya. Mabilis kong nilapat ang palad ko sa mukha niya dahilan para magulat si Mommy sa ginawa ko. "Aliyah! Anong ginagawa mo!" Hinawakan ako ni Mommy palayo kay Axel pero pumalag ako at lumapit muli sa kanya. "Ano masaya ka na?! Masaya ka na nasira mo kami ni Zenon? Masaya ka na nagkakaganito ako ngayon? Masaya ka na nawala siya sa akin ngayon? Masaya ka na halos isumpa niya na ako sa galit? Ano kulang pa ba? Ano pang gusto mong mangyari? Na bumalik ako sayo! Na mahalin kita ulit? Ano?!" Buong lakas kong sinasabi yun sa kanya sa pagitan ng mga luhang dumadaloy sa aking mga mata. Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig niya. "Axel, umalis ka na muna dito. Pasensya na sa ginawa ni Aliyah." Buong pagpapasensya ni Daddy. Pagkaalis ni Axel ay mabilis na lumapat sa akin ang palad ni Daddy. "Ano ba! Calixto! Bakit mo ginawa yan sa anak mo!" Agad na inalalayan ako ni Mommy sa pagsampal ni Dad sa akin. "Wala ka na ba sa pag-iisip mo! Baliw ka na ba? Aliyah! Wala akong imik ng malaman kong niloko mo kami ng Mommy mo noon! Pero anong ginagawa mo ngayon?" Ibig banag sabihin nun ay may alam na si Daddy sa mga nanagyayari sa akin noon? Nakatingin ako kay Daddy ng masama. Bakit niya nagawa yun sa akin ng di ako tinatanong? Ngayon niyo lang ako pinagbuhatan ng kamay. Bakit niya to nagawa sa sarili niyang anak? "OO, baliw na ako! Baliw na talaga ako! Baliw na ako kakasunod sa inyo! Hindi niyo ako alipin, Dad. Di niyo ako alipin na kahit anong utos niyo ay gagawin ko!" Lahat ng galit ko ngayon ay sa kanya ko ibinunton. "Si Zenon! Si Zenon! Wala na siya sa akin! Kinamumuhian niya na ako dahil sa lalaking sinampal ko kanina! Alam mo ba Dad kung gano kasakit... kung gano kasakit!" Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nasabi ko yun sa aking sariling ama. Sa sobrang galit hindi ko alam kung san ko ibubunton lahat ng ito. Sa pagkakataon na yun, naramdaman ko ang yakap ni Dad. Ngayon ko lang naramdaman na anak parin ang turing niya sa akin na hindi isang tautauhan na kung anong sabihin ay susundin ko. "Patawarin mo kami anak. Patawarin mo ako dahil naging makasarili ako at nagkakaganito ka ngayon." Lalong bumuhos ang luha ko ng marinig ko kay Daddy ang mga yun. April 10, 2010 "Paalis na si Zenon Hija." Tita Salve, ina ni Zenon at Axel "Kailan po at san po siya pupunta?" "Baka nasa airport na siya ngayon pero hindi ko rin alam kung saan siya pupunta. But he told me na babalik ulit siya." Malumanay na sabi nito. "Tita, alam niyo po ba ang airport na kung saan siya ngayon?" Gusto kong makasigurado kung sa NIA o sa ibang airport siya nagpunta para lang makapagtago sa akin. "NIA." "Sige po Tita. Maraming salamat po. Alis na po ako." Nagtungo ako sa airport at hinanap si Zenon. Nilibot ko ang buong airport pero wala akong Zenon na nakita. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD