Kabanata 7

2463 Words
September 24, 2014 Halos dalawang taon na ang lumipas nang iwan ako ni Zenon. Kahit na isang balita wala akong natanggap mula sa kanya. Kahit na isang gabi ay wala akong tulog na maayos. "Girl, baka dun dumaan si Mr. Rival kaya itaas mo yang cartolina nang mabasa niya." Ara "Tulungan mo kaya ako dito." Inis kong sumbat sa kanya. "Ano ka ba, exercise rin yan Girl. Tapos mas matangkad ka sa akin kaya mas makikita niya yan!" "Tsk." Itinaas ko ang cartolina ng pagkataas taas. Buti nalang di pawisin ang kilikili ko. Welcome to the Philippines Mr. Calvin Klein Rival! -Golden Corporation "Bakit ba kasi tayo pa ang inatasan sa ganitong gawain. Hindi naman kasama to sa pagtratrabaho natin!" Inis kong pagrereklamo kay Ara. "Huwag ka na diyan magreklamo. Ayusin mo nalang ang pagtaas diyan." Paninita na naman niya. Naglalabasan na ang mga taong nasa airport. Sa totoo lang wala kaming ideya kung anong itsura ni Mr. Calvin Klein Rival dahil biglaang pinasundo lang siya sa amin ng Head namin. Isa isa kong tinitingnan ang mga taong naglalabasan at iba iba ang reaksyon nila paglabas nila. May mga masaya, malungkot at ang iba naman ay walang reaksyon. Sa nakikita ko sa kanila, naisip ko kung ano kaya magiging reaksyon ko kapag nakita ko si Zenon? Magiging masaya ba ako dahil umuwi na siya o magiging malungkot dahil galit parin siya sa akin. Pero alam ko sa sarili ko ang magiging unang reaksyon ko magiging masaya ako dahil bumalik na siya. Isa isang dumating at isa isang nawawala ang mga tao, ganun din ang nangyayari sa totoong buhay. May mga taong dumadating ng biglaan pero may tao ring aalis ng di mo nalalaman. Isang matangkad na nasa 25-30 ang edad, gwapo, maganda ang ayos, halatang mayaman at nakasuot ng isang damit na hindi mo aakalain na isang business man ang magsusuot dahil suot ay isang casual at usong usong damit na sinusuot ng mga kabataan. "Excuse me Miss, from Golden Corporation?" Lumapit ito sa amin ni Ara. "Yes. Why?" "Ano ba tong lalaking to? Di naman ata siya si Mr. Rival, bakit nagtatanong pa siya? Kainis! Nahihirapan na kaya ako sa pagdadala ng cartolinang to! Kung pwede lang sabihin sa kanya huwag siyang makulit sinabi ko na!" "Girl, baka siya na si Mr. Rival?" Ara whispered. "Sira, imposibleng siya yun. I'm sure na si Mr. Rival isang lalaking matanda, puro wrinkles at business man. Kaya imposibleng siya!" Nilakasan ko pa, sure kasi akong di naman niya naiintindihan, mukha naman kasing nakatira sa ibang bansa meaning isa siya foreigner kaya di niya maiintindihan ang lenguahe natin. "Excuse me, Mr. . Don't disturb us." Inis kong pagapatabi sa kanya. Wala ako sa mood dahil unang una, buwanang dalaw ko ngayon at pangalawa pinagtaas pa ako ng kartolina ni Ara. Kainis! Tapos manggulo pa siya! "Oww. Sorry. Don't you know, na kahit ilang oras mo pa itaas yang cartolinang hawak mo wala ng Calvin Klein Rival na darating." Halata sa boses niya na pinipilit niyang magtagalog. "Sh*t! Marunong siyang magtagalog? Pano nangyari yun? At bakit alam niyang wala ng Mr. Rival na darating? Hindi kaya siya talaga si Mr. Rival? Di kaya? Sh*t kung siya nga! Patay ako nito!" "Hehehe. Naiintindihan mo pala kami? Pwede bang magtanong ano po bang pangalan mo, Sir?" Ibinababa ko na ang cartolinang hawak ko at halos gusto ko ng tumakbo sa kahihiyan ngayon. "Calvin Klein Rival." Kada word na lumalabas sa bibig niya ay unti unti akong nilalamon ng kahihiyan. "Girl, patay ka!" Pang-iinis pa ni Ara. "Sorry po Mr. Rival kung di po namin kayo nakilala at pasensya na rin sa mga sinabi ko kanina. I do not expect na kayo ang sasalubungin namin. I'm really sorry." Halos hindi ko siya matingnan sa kahihiyaan na dinulot ko. Kaya nakayuko na ako sa kahihiyan. "Apology accepted." Nakangisi niyang sabi. "Where are we going?" Pagtatanong ni Mr.Rival. "Office, Sir." Agad na sagot naman ni Ara. "Let's go." Mr.Rival Naglakad na siya kasabay si Ara. Nasa likuran nila akong dalawa. Habang naglalakad napansin ko ang isang magkarelasyon dahil sobrang sweet nila sa isa't isa. Magkahawak silang dalawa ng kamay habang nagtatawanan. Kilalang kilala ko ang mukha ng lalaking yun kaya hindi na ako makagalaw sa nakita ko. Palayo sila ng palayo sa akin pero hindi ko parin maalis yung tingin ko sa kanila. Maraming tao sa lugar na yun pero ang tanging nakikita ko lang ay sila. Mali ako sa akala ko na matutuwa ako kapag nakita ko na siya dahil sobrang nagagalit ako at naiinggit ako. Nagagalit ako sa kanya dahil naging masaya na siya habang akong nagdurusa at naiinggit dahil dapat ako ang kasama niya na tumatawa ngayon at hawak hawak ang kamay niya. Halos gumuho ang mundo ko sa nakikita ko. Gustong gusto kong magwala sa harap nilang dalawa pero baka mapahiya lang ako at sayangin ko ang lakas ko para sa wala. Tumulo na naman ang mga luhang di ko inaasahan na ngayon ay tutulo muli. "Girl, bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong ni Ara. "Girl!" Sigaw ni Ara. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko kahit na alam kong walang kwenta dahil patuloy lang ang pag-agos nito. Hinila ko si Ara para makaalis sa nakita ko. "Girl, ano bang nangyayari?" Naguguluhan niyang tanong. Patuloy ko parin siyang hinila nang biglang may nabangga ako. "Sorry po." Nang di tinitingnan ang nabangga ko at hinila na paalis si Ara kaso nabigla ako ng bitawan ako ni Ara kaya napatingin ako sa kanya. "A...." Naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha ng lalaking miss na miss ko na. "Tarzan!" Malakas na pagtawag ni Ara kay Zenon. "Ara." Halatang nagulat naman si Zenon sa nakita niya. "Aliyah...." Napatingin sa akin si Ara. Hindi ko na nagawang makipag-usap pa kay Ara habang nandoon si Zenon. Kaya umalis na akong walang pasabi ayaw kong makita siya ngayon. Di ko kaya habang kasama niya ang babaeng halatang iyon na ang nagaasaya sa kanya. "Miss?" Dahan dahan na lumapit si Mr. Rival sa akin. Pinupunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko. "Oh eto, you need this." Inabot niya sa akin ang isang asul na panyo. "Thanks." Kinuha ko ang panyong inaabot niya. Napaupo ako sa harap ng kotse habang patuloy na umiiyak. Sobrang sakit! Bakit nagawa niya akong kalimutan at ipagpalit sa iba ng hindi alam ang totoo. Ganun ba talaga niya ako kabilis kalimutan? Bakit? Bakit ako kahit na isang minuto hindi ko siya makalimutan habang siya nagawa niya? Miss na miss ko na siya gustong gusto ko siya yakapin pero hindi ko na yun magagawa kasama siya. "Are you okay?" Napatingin ako sa kanya na nakatayo sa aking harapan. "What a rude question?" Paninisi niya sa sarili niya. Sa nakita ko, bigla kong gustong tumawa. "It's obvious that you're not okay. Sorry, I just want to comfort you." Halata namang gusto niya talaga tumulong. "Thank you." Ngumiti ako sa kanya. Tumayo na ako at inayos ang sarili. Bawal akong magkaganito sa harap ni Mr. Rival. Nasa panahon ako ng pagtratrabaho kaya ipagpaliban ko muna ang sarili ko. "Girl!" Hingal na hingal si Ara na lumapit sa akin. "Ara, bilisan mo na!" Kunwari walang nangyari para lang maging maayos ang lahat kahit na alam kong kahit anong gawin kong pagsasaayos ay hindi ko na magagawa pa. Sumakay na ako at nagdrive habang si Mr. Rival ay nasa backseat at si Ara ay nasa front seat. Buong biyahe ay tahimik lang kami walang nagsasalita sa nangyari. Pagkahatid na pagkahatid namin kay Mr. Rival sa office ni Manager Garcia ay hinila ako paakyat sa rooftop ng building ni Ara. "Bakit ano ba yun?" Naiirita kong tanong sa kanya "Aliyah..." Seryoso siya sa pagkakataon ito dahil tinawag niya ako sa aking pangalan "Bakit may problema ba?" Kahit ngayon lang ay gusto kong manahimik si Ara sa nakita niya. "Si Tarzan... I mean is si Zenon.." I cut her off "Wala ako sa mood para pag-usapan siya." Tumalikod na ako para umalis. "Aliyah, ako na mismo ang nakikiusap sayo. Huwag mo nang antayin pa siya dahil hindi na siya si Zenon na kilala mo dati! Give up on him! Masasaktan ka lang kapag minahal mo pa siya." Gusto kong ipagsawalang bahala ang sinabi ni Ara pero paano? Tuluyan na akong umalis at hinayaang maiwan si Ara. I don't want to hear anything from her. Di ko matatanggap kung ano pang sasabihin niya. Nagdrive ako ng mabilis papunta sa condo niya na dating tinitirhan niya. I know na wala siya dun pero gusto ko na siyang makita at makausap. Pagkadating ko dun ay kinuha ko ang susi ng condo niya. May susi pa ako ng condo niya nung binigay niya sa akin dati. Pagkapasok na pagkapasok ko ay ramdam ko ang katahimikan na senyales na wala talaga siya dun. Naupo ako sa harap ng painting na ginawa ko para sa kasal sana namin na regalo ko sa kanya pero hindi na niya yun naabutan ng natapos ko iyon. Nakalagay yun sa isang pader na kung saan makikita mo sa pagpasok na pagpasok mo. Parati akong nasa condo niya at naglilinis kahit wala na siya. Ito ang lugar na kung saan naiibsan ang sakit ng pagkawala niya sa piling ko sa tuwing andito ako pero bakit ganun bakit kahit andito ako sa loob ng bahay niya kahit isang porsyento ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay di naiibsan? September 25,2014 "Aliyah?" Dahan dahan akong inapproach ni Ara Hindi ko siya pinansin dahil galit ako sa mga sinabi niya. Alam kong mali pero hindi ko talaga gusto ang sinabi niya sa akin kahapon. "Girl, sorry na! Please!" Patuloy ko parin siya iniiwasan at pinagpapatuloy ang aking pagtatype. "Uy, Girl! Sorry na! Patawarin mo na ako! Di ko na talaga uulitin yun. Basta patawarin mo na ako. Gusto ko lang naman maging maayos na ang kalagayan mo. Kaya patawarin mo na ako." Pangungulit niya. "Sure kang di mo na uulit pa yun?" "Yes! Thank you, Girl!" Niyakap niya pa ako. "Pero girl, pagmamay-ari ng pamilya nila Zenon ang kompanyang to? Anong gagawin mo kapag nagkita na kayo?" Nagkibit balikat nalang ako. Sa totoo lang gusto ko siyang makausap pero paano? I'm sure na hindi niya pa ako kakausapin. September 30, 2014 Nauna na si Ara sa pag-uwi at naiwan ako sa office namin dahil na rin sa kailangan ko ng matapos ang mga papeles na pinapagawa sa akin. Alas dose na ako ng matapos ako sa ginagawa ko. Naglakad ako sa sakayan ng taxi dahil coding ng sasakyan ko. Walang katao tao dahil dis oras na ng gabi. May tatlong lalaki akong nakasalubong na tila mga siraulo. "Miss, gusto mo hatid ka na namin?" Sabi ng isang lalaki na parang goons. "Oo nga Miss. Kapag sumama ka sa amin mapupunta ka sa langit kaya sumama ka na!" Sabi ng isang naninigarilyo pa. "Di ko gusto iba nalang ang isama niyo!" Pagtataray ko pero sa totoo lang nanginginig na ako sa takot. Nagkatingin naman silang tatlo na halatang pare-parehas sila ng nasa isip nila ngayon. "Hahaha! Aba mataray! Di bagay sayo yan Miss kasi napakaganda mo pa naman!" Lumapit sa akin ang isang lalaking nakaitim at kulay pula ang buhok at hinawakan niya ang buhok ko. "Huwag mo nga akong hawakan!" Sigaw ko at tinabig ang kamay niya. "HAHAHA! Matapang ka talaga ah!" Galit niyang sabi at hinawakan ako sa balikat. "Mamang pulis, tulungan niyo po ako!" Sigaw ko kahit wala namang tao sa likod nila. Nang tumingin silang tatlo sa likod, kinagat ko ang lalaking humawak sa balikat ko at mabilis na tumakbo. Kaso hindi ko magawang tumakbo dahil sa taas ng suot kong heels. Napunta kami malapit sa company na pinagtratrabahuan ko nang mapatid ang paa ko hindi ko na kinaya pa dahil sa sakit kaya naabutan nila ako. "Walang hiya ka! Gusto mo talagang mapunta sa impyerno kesa sa langit ah!" Galit na galit na sabi ng lalaking kinagat ko. Nanginginig ako sa takot baka anong gawin nila sa akin at nagbabadyang tumulo ang luha ko. "Ayan matakot ka! Ayan ang gusto ko!" Muli niya sana akong hahawakan ng biglang may narinig akong sumigaw. "HOY!" Boses ng isang lalaki. Napalingon ako kung sino yun. Pero hindi ko na nakita dahil sa mabilis niyang sinugod ang tatlong lalaking nasa harapan ko. Unang sinapak niya ang lalaking nakaitim na kinagat ko at wala itong laban. Natulala ako sa takot. Natatakot ako baka kung anong mangyaring masama at hindi nawawala ang nginig ko sa takot. Sumenyas ang nakaitim na magback-out na sila. Nang tuluyan na nga silang umalis ay humarap sa aking ang lalaking nagligtas sa akin. "Miss, are you okay?" Inilahad niya ang kamay niya para iaabot sa akin. "Mr. Rival?" Nagulat akong makita siyang ang nagligtas sa akin. "Okay ka lang ba?" Ulit niya. "Opo. Okay lang ako." Magalang kong sagot. Gusto ko nalang matawa sa nangyayari sa akin ngayong araw dahil nakita na naman ng lalaking to ang ang kahinaan ko. "Why are you here? It's too late for you to walk." Tinanggap ko ang kamay niya at inalalayan ako sa pagtayo. "May tinapos pa po ako sa opisina. Maraming salamat po sa pagliligtas sa akin." Nakangiti kong sabi rito. "Basta sa susunod wag ka ng maglalakad ng ganitong oras dahil hindi na ligtas pa. Wala ka bang sasakyang dala?" Tinulungan niya rin ako sa pagpulot ng mga gamit na nalaglag sa bag ko. "Sasakay nalang po ako sa taxi." Sagot ko. "Ihahatid nalang kita baka ako pa ang masisi kapag napahamak ka." Pagiging mabuti na naman niyang tao. "Wag na po okay lang ako." Ihahakbang ko sana ang paa ko ng maramdaman ko ang sakit ng paa ko. "Sure ka lang bang okay ka lang. Nakikita kong di ka okay. Ihahatid nalang kita huwag kang mag-alala I'm not interested of you." Ewan ko pa kung pagcocomfort yun o nang-aasar ba siya? Ang yabang niya! Umalis siya para kunin ang sasakyan niya. "Ang yabang!" Singal ko pagkaalis niya. Dumating din agad siya wala pang dalawang minuto at inalalayan ako sa pagpasok sa kotse niya. Tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse niya at walang nagsasalita. Pababa na ako ng kotse niya. "Salamat po sa paghatid sa akin. Oo nga po pala, ito po ang panyo niyo nung nakaraan, sorry kung ngayon ko lang naibalik." Iniabot ko sa kanya ang panyo niya "Sa susunod mag-ingat ka dahil sa susunod na makita kita na sa ganung sitwasyon I will not be with you anymore." Bago siya muling sumakay. Nakakabwisit ang ugali niya! Gusto ko sanang sumagot pero hindi ko magawa dahil may mabuti namang siyang ginawa sa akin. Napakayabang niya akala ko mabait siya pero akala lang pala talaga! To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD