Kabanata 56

1804 Words

Mugto ang mga mata ni Gennie. Tila ang kaniyang mga paa ay hindi nakatuntong sa lupa habang papalapit na siya sa kanilang bahay. Pagpasok niya sa loob, nadatnan niya roon si Nerio na nagpapainom ng tubig kay Aling Bibang. “Ate Gennie, nandito ka na pala. Pinakain ko na si Aling Bibang, nakaramdam na kasi siya ng gutom. Umuwi na rin ako saglit kanina sa bahay at saka kumuha ng makakain ng inay mo,” agad na sabi ni Nerio. Tila walang narinig si Gennie sa mga sinabi ni Nerio. Latang naupo ito sa kawayang silya kaya nabahala si Nerio. Pati si Aling Bibang ay napatingin sa anak. Nag-aalala rin ito nang makita ang hitsura ni Gennie. Halatang namumugto ang mga mata nito at kagagaling sa malalim na pag-iyak. “A-ate? A-ano ba ang nangyari sa ‘yo ha?” nabahalang tanong ni Nerio at napayuko pa ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD