SAKAY ng isang white New Honda SUV Prototype si Thalyn, patungo sa tinitirahan ng kanyang boyfriend at childhood sweetheart na si Rocky Alviar.
Nasa Maynila si Thalyn, dahil patungo siya sa Malaysia para dumalo sa kasal ng kanyang matalik na kaibigan na si Eve. Naka pag-asawa si Eve ng mayamang Filipino-Malaysian, kaya doon na rin sila magpapakasal at maninirahan.
Hinatid siya ng driver ni Aaron Go, sa address na tinutuluyan ng kanyang boyfriend. May kasama rin siyang bodyguard, dahil napag alaman ng mga ito na napaka dilikadong lugar ang pupuntahan niya.
Pagdating nila sa lugar ay halos hindi umusad ang sasakyan, dahil sa makipot na daan papasok sa mga bahay. Ang dami rin mga tao sa gilid ng kalsada na nadaanan nila. Mga batang naglalaro, mga kalalakihang nag-iinuman at mga marites sa kanto.
"Ma'am, dito na lang po p'weding pumasok ang kotse. Lakarin na lang niyo ang maliit na eskinita, papasok sa address ng boyfriend mo. Sasamahan ka na lang ni Lito, papunta sa looban. Baka may mga lasing o adik na humarang sa inyo dyan at bastusin pa kayo." saad ni Cesar. Nag aalala siya sa kaibigan ng amo, dahil alam niyang magulo sa lugar na iyon.
"Sige, kuya, paki hintay na lang po ako dito. Hindi naman po ako magtatagal. Magpapaalam lang ako kay Rocky." tugaon niya. Bumaba na rin siya sa SUV at inayos ang suot niyang blouse at skinny jeans.
Kinakabahan si Thalyn, dahil sa gagawin niyang pag surprise sa boyfriend. Kinuha rin niya ang suklay sa loob ng bag at mabilis na sinuklay ang mahaba niyang buhok.
"Ma'am, tayo na po, para makabalik na agad tayo sa mansion. Kailangan niyo pang maghanda mamaya, para sa pagpunta niyo sa Malaysia." saad ng bodyguard na kasama niya.
Naglakad si Thalyn, patungo sa looban. Unang beses pa lang niyang makarating sa lugar na iyon, ngunit naikuwento naman sa kanya noon ng boyfriend na nasa pinaka dulo ng eskinita ang bahay na inuupahan nito. May puno rin daw sa harapan nito, kaya iyon ang tinandaan niya.
Pagdating ni Thalyn sa pinaka dulo ng eskinita ay nakita niya ang isang bahay na may maliit na gate. May isang puno rin sa harapan nito, kaya alam niyang ito na ang bahay na inuupahan ng boyfriend.
"Miss, sino po'ng hinahanap nila?" napalingon si Thalyn, dahil sa narinig niyang boses ng babae na nagtanong sa may likod niya.
"Ah, Ate, dito ba nakatira si Rocky Alviar?" tanong niya sa babae. Tinuro rin niya ang maliit na bahay sa kanyang harapan.
"Oo, dyan nga nakatira si Rocky." sagot sa kanya ng babae.
"Salamat ate." nakangiting turan niya sa babae.
Muling naglakad palayo ang babae, patungo sa isang tindahan sa bandang unahan. Muling napatingin si Thalyn sa bahay, kaya lalong lumakas ang kaba niya, dahil sa sobrang excitement na nararamdaman. Miss na miss na rin niya si Rocky, dahil halos isang taon na rin mula ng huli itong umuwi sa probinsya nila. Napansin niyang bukas ang gate, kaya tinulak niya ito at pumasok sa maliit na bakuran. Kakatok na sana siya sa pinto ng may maulinigan siyang tila umuungol sa loob. Nagtataka niyang idinikit ang tainga sa pinto, dahil sa kakaibang ungol at daing sa loob na tila nahihirapan.
"Kuya Lito, naririnig mo ba 'yon? Parang may naghihingalo sa loob?" inocenteng tanong ni Thalyn sa kasamang bodyguard.
"Ma'am, mas makabubuti siguro kung pumasok ka sa loob, para makita mo kung sino ang sinasabi mong naghihingalo." sagot ng bodyguard sa kanya, at agad nitong pinihit ang door knob para buksan ang pinto. Naka lock ito sa loob, kaya agad niyang kinuha ang mailiit na wire na laging nasa loob ng wallet niya. Pasempleng sinundot ng wire ni Lito ang butas ng susihan, saka niya inikot ang door knob. "Ma'am, bukas na po, puwede na niyong pasukin ang naghihingalo sa loob." mahinang sambit ni Lito. May naglalarong ngiti rin sa kanyang labi, ngunit hindi niya ipinahalata ito kay Thalyn.
Dahan-dahan na pumasok si Thalyn sa loob ng maliit na paupahan. Iginala rin niya ang paningin sa loob, dahil nagtataka siya sa mga kakaibang tunog na naririnig niya. Parang may pumapalakpak din sa loob ng kuwarto, kaya dahan-dahan siyang humakbang, para tingnan kung ano ang pinapalakpakan ng kanyang boyfriend. Naisip niyang baka nanunuod ito ng movie o kaya ay basketball sa kuwarto, kaya may naririnig siyang mga tunog na kakaiba.
Pagtapat niya sa pintuan ng laliit na kuwarto ay dahan-dahan niya itong binuksan, para surprisahin ang boyfriend na nasa loob. Ngunit ang plano niyang surprisahin ang kasaintahan ay kabaliktaran naman ang nangyari, dahil sa nakita niyang ayos ni Rocky sa loob. Hindi nakagalaw si Thalyn sa kanyang kinatatayuan, dahil huling-huli niya sa akto ang kasintahan na may kat@lik na babae sa kama.
Hindi rin siya naramdaman ng dalawang nagtat@lik, dahil sa sobrang kahibangan nila sa ginagawa. Naka taas pa ang dalawang paa ng babae sa balikat ng lalaki, habang ang lalaki naman ay napakabilis nitong magtaas baba sa ibabaw ng babaeng nakahiga sa kama. Pawis na pawis na rin silang dalawa, dahil tanging electric fan lang ang nagbibigay ng hangin sa loob ng maliit na kuwartong iyon.
Hindi namalayan ni Thalyn na umagos ang kanyang luha, dahil nahuli niya sa akto ang lalaking unang nagpatib0k ng kanyang puso. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, dahil sa nakikita. Nanginginig rin ang kanyang katawan, dahil sa galit na biglang umusbong sa kanyang dibdib. Nakita ni Thalyn ang isang bote sa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya ito at basta na lang ibinato sa ulo ni Rocky.
"Uuugh! Anong?!" galit na galit ang lalaki, dahil sa biglang pagdapo ng bote sa ulo niya. Buti na lang at hindi gaanong malakas ang pagkakabato sa kanya nito, kaya hindi naman siya gaanong nasaktan. Madilim ang mukhang napalingon si Rocky sa taong may kagagawan ng pagpukol sa kanya ng bote. Ngunit bigla siyang napakalas sa pakikipagt@tik, dahil nakita niya si Thalyn na umiiyak sa may pinto ng kanyang kuwarto.
"L-Love?" nauutal na tawag niya sa dalaga. Bigla rin niyang tinago ang kahubaran sa ilalim ng kumot. Pati ang babaeng kat@lik nito ay mabilis na binalot ang hubad na katawan sa kumot.
"Walang hiya ka! Niloko mo ako!" sigaw ni Thalyn sa lalaki. Para siyang sasab0g sa sama ng loob, at nanginginig ang katawan, dahil sa matinding galit. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin, dahil sa masaganang luha na umaagos mula sa kanyang mga mata.
"Thalyn, magpapaliwanag ako. Mali ang iniisip mo. Hindi kita niloko. Natukso lang ako, tinukso lang ako ni Lenie." paliwanag ni Rocky. Bumangon rin siya, habang naka hawak siya sa kumot na ipinangbabalot niya sa kanyang katawan, at tangkang lapitan si Thalyn. "Love, patawarin mo 'ko, hindi ko sinasadyang saktan ka. Natukso lang talaga ako." pagsusumamo niya sa dalaga. Tinangka rin niyang hawakan ang braso ni Thalyn, ngunit mabilis na umiwas ang dalaga at humakbang palayo sa kanya.
"H'wag mo 'kong hawakan! Nandidiri ako ako sa 'yo, manyak!" sigaw ni Thalyn, habang nanginginig sa galit.
"Thalyn, please, pakinggan mo naman ako. Hindi ko sinasadyang saktan ka." muling pakiusap ni Rocky.
"Magsama kayo ng babaeng iyan na walang delekadesa sa katawan. Mga baboy kayo! Bagay kayong dalawa, mga walang hiya!" sigaw ni Thalyn sa lalaki. Tumalikod na rin siya, para maka alis sa lugar na iyon.
"Thalyn, sandali!" pagtawag sa kanya ng lalaki, at tinangka niyang habulin ito sa may pinto. Ngunit natigilan ang lalaki, dahil sa malamig na bakal na biglang dumikit sa kanyang pisngi. Hindi rin siya makagalaw, dahil sa takot niya sa lalaking nasa gilid ng pintuan, at naka tutok sa kanya ng bar*l.
"Mula ngayon, huwag na huwag mo ng lalapitan ang kaibigan ng amo ko, kung ayaw mong pasabugin ko ang bao ng ulo mo." pananakot sa kanya ni Lito. Idiniin rin niyang mabuti ang bunganga ng dalang bar*l sa pisngi ni Rocky, kaya nanginginig sa takot ang lalaki. "At. ikaw naman babae. Kung hindi mo lalayuan ang lalaking ito, sinisiguro ko sa 'yong hindi magtatagal ang buhay mo. Babalikan ko kayong dalawa rito at ihahatid kay satanas." saad pa ni Lito sa malagom niyang boses. Hindi naman siya makikilala ng dalawa, dahil may inilagay siyang facemask sa kanyang mukha at mayroon din siyang suot na sunglasses at sombrero.
PATAKBONG umalis si Thalyn sa lugar at muling bumalik sa kotse na siyang naging service niya sa pagpunta sa lugar na iyon. Agad niyang binuksan ang pinto sa likod, saka siya mabilis na pumasok sa loob at pinakawalan ang malakas na iyak. Hawak rin niya ang dibdib, dahil hindi siya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman.
Nagulat naman si Cesar, dahil sa biglang pag pasok ni Thalyn sa loob at humihikbi ng iyak. Napalingon siya sa dalaga at tinanong niya ito kung anong nangyari sa looban.
"Ma'am, may ginawa bang masama sa 'yo ang boyfriend mo? Sabihin mo sa 'kin, at ako mismo ang gaganti para sa 'yo." tanong ni Cesar. Naawa siya kay Thalyn, dahil napaka bait nito sa kahit sinong tao sa lugar nito sa Isabela. Matagal rin na nasubaybayan ni Cesar ang bawat kilos ni Thalyn. Kasama siya noon ni Aaron Go sa Isabela ng ilang buwan, dahil binantayan nila si Eve at ang anak nito, kaya nakilala niya ng husto si Thalyn. Tapos makikita niya ngayon na umiiyak si Thalyn, kaya't ang pakiramdam ni Cesar ay parang gusto niyang iganti ang dalaga.
"Kuya, niloko ako ni Rocky. Nahuli ko siyang may kat@lik sa kuwarto niya. Ang sakit-sakit kuya." sumbong ni Thalyn sa driver.
"Dito ka lang sa kotse, at babalikan ko ang animal na lalaking nagpaiyak sa 'yo." sambit ni Cesar, at mabilis na kinuha ang bar*l nito sa ilalim ng carpet, saka ikinasa at isinukbit sa baywang.
"Kuya!" pagtawag ni Thalyn sa lalaki, ngunit hindi na siya pinansin nito at mabilis na lumabas ng kotse.
NAIWAN si Thalyn sa loob ng SUV na takot na takot, dahil sa dalawang kasama niyang nagpunta doon. Alam niyang hindi sasantuhin nina Cesar at Lito ang kasintahan. Tinangka niyang buksan ang pinto ng kotse, ngunit ayaw naman itong mabuksan dahil ni-lock ni Cesar. Bigla rin nag ingay ang alarm ng kotse, dahil sa pagtatangka niyang buksan ito.
Hindi naman nagtagal at muling bumalik sina Cesar at Lito. Pinindot ni Cesar ang remote ng kotse, para matigil ito sa pag-iingay, saka sila mabilis na sumakay sa loob.
Walang imik ang dalawang lalaki na umupo sa kotse. Umalis sila sa lugar na walang imikan, habang si Thalyn naman ay panay pa rin ang iyak.
PAGDATING nila sa mansion ni Aaron Go ay agad na bumaba si Thalyn at patakbo itong pumasok sa loob.
Nagtataka naman na sinundan ng tingin nina Mheann at Jema Mae ang dalaga, at sinundan nila ito ng tingin paakyat sa second floor.
"Ma'am Mheann, anong nangyari kay Ma'am Thalyn? Ang saya-saya niya kanina bago umalis diba? Tapos pagbalik dito umiiyak na." nagtatakang tanong ni teacher Jema Mae.
"Hindi ko alam, Ma'am Jema, baka nag away kaya sila ng boyfriend niya?" sagot naman ni teacher Mheann.
PAG PASOK ni Thalyn sa kuwartong tinutuluyan niya ay padapa niyang ibinagsak ang katawan sa malaki at malambot na kama. Muli na naman niyang pinakawalan ang malakas niyang pag-iyak, para kahit papaano ay maibsan ang sakit sa kanyang puso.
Ilang sandali pa at muling napabangon si Thalyn, dahil may narinig siyang sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pinto.
"Bukas yan." malakas niyang sambit, para marinig ng tao na nasa labas.
Agad rin niyang pinunasan ang kanyang luha, dahil nahihiya siyang may makakita sa kanya na umiiyak.
Bumukas ang pinto at pumasok sa loob sina Teacher Mheann at Teacher Jema Mae sa loob at nagtatakang napatitig sa kanya. Nagbaba na lang siya ng paningin, dahil nahihiya siya sa dalawang teacher na kasamahan sa school.
"Ma'am Thalyn, may problema ba? Nag-away ba kayo ni Rocky?" tanong ni Teacher Mheann sa dalaga. Kilala nito ang boyfriend ni Thalyn, dahil kapitbahay niya ang mga magulang ni Rocky Alviar. At kumare rin niya ang ina ng lalaki.
"Teacher Mheann, niloko ako ni Rocky. Nahuli ko siyang may kasamang babae sa bahay na inuupahan niya. Huling-huli ko sila sa akto, habang nag-aano sila." humihikbing sumbong ni Thalyn.
Agad naman siyang niyakap ni Teacher Mheann ang dalaga, dahil bigla siyang naawa rito. Hindi rin makapaniwala ang babae na nagawang ipagpalit sa iba ni Rocky si Thalyn, dahil napakaganda nito at napakabait na babae.
"Naku, hindi na ako magtataka. Babaero rin naman kasi si Vice-Mayor, kaya babaero rin ang anak. Hayaan mo na siya, Teacher Thalyn. Kalimutan mo na ang lalaking iyon. Bata ka pa at mas maraming lalaki pa ang magkakandarapa na ligawan ka. Maganda ka, sexy, at higit sa lahat napakabait mong tao. Huwag mong sayangin ang luha mo sa lalaking iyon." sambit naman ni Teacher Jema Mae. Bakas rin sa boses nito ang matinding galit para kay Rocky Alviar.
"Magpahinga ka muna, Teacher Thalyn, mamayang midnight tayo ihahatid sa airport. Kailangan fresh ka tingnan, baka mamaya hindi ka makilala sa immigration, dahil namamaga ang mata mo. Baka hindi ka pasakayin ng eroplano. Malulungkot si Teacher Even, kapag hindi ka nakarating sa kasal niya." payo sa kanya ni teacher Mheann.
"Salamat sa inyo, teacher Mheann at teacher Jema. Hayaan niyo, magmula ngayon ay kakalimutan ko na si Rocky. Maghahanap rin ako ng ibang lalaki na di hamak na mas guwapo at may pinag-aralan, kaysa sa kanya."