PROLOGUE‼️

1185 Words
THALYN'S POV.... Parang umiikot ang mundo, dahil sa pagkahilo ko sa alăk. Hindi ko namalayan na naparami pala ang inøm ko, dahil sa sakit na nararamdaman ko. Bakit ganon? Nagmahal lang naman ako at naniwala sa mga pangako ng lalaking unang nagpatìbøk ng aking puso. Pero bakit nagawa niya akong saktan? Hindi niya tinupad ang mga ipinangako niya sa akin. Sabi niya, ako lang ang babaing mahal niya at wala ng iba. Magpapakasal kami at bubuo ng sarili naming pamilya. Pero niloko lang niya ako. Ang sakit! Ang sakit-sakit! Parang nakikita ko pa rin sila, habang magkapātøng sa ibabaw ng kama. Mga walang hiya sila! Mga baboy!... Pagiwang-giwang ang lakad ko, pabalik sa hotel room ko. Hindi pa tapos ang reception ng kasal ng kaibigan ko, pero umalis na ako sa Convention Hall. "Nasa'n na ba ang room ko? Bakit parang ang layo-layo na ng nilakad ko, pero hindi ko pa rin nakikita ang room number ko. Araaaay! ang ulo ko, masakit!..." tanong ko na parang may kausap. Hinawakan ko rin ang ulo ko, dahil bigla itong sumakit. Humawak ako sa wall, dahil pakiramdam ko ay umiikot na ang buong paligid. Dahan-dahan akong naglakad, patungo sa dulo ng hallway, kung saan naroon ang kuwartong tinutuluyan ko. Ngunit nagulat ako, dahil sa kamay na biglang humawak sa akin mula sa bukas na pinto na nadaanan ko, at hinila ako papasok sa loob ng kuwarto at ni-lock ang pinto. "Huh! S-Sino ka-" nagtatakang tanong ko, habang pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaking pangahas na humila sa akin. Ngunit bigla niya akong hinalikan sa lips, at niyakap ng mahigpit. Nagulat ako, at nanlaki ang mga mata ko. Pilit ko rin itinitikom ang labi ko, para hindi magtagumpay ang lalaking pangahas na halikan ako. Ngunit ang init ng hininga niya na tumatama sa aking balat, at malambot niyang labi na nakalapat sa labi ko ay nagbibigay naman sa akin ng kakaibang pakiramdam. Para akong dinuduyan sa sarap ng halik niya sa akin. Lumakas rin ang tìbøk ng aking puso na tila tinatambol at ang paghinga ko ay naging mabagal at parang kay bigat. Hindi rin ako makagalaw, dahil sa pagkabigla ko sa bilis ng mga pangyayari. Nagtataka pa rin ako kung sino ang lalaking ito na biglang humila sa akin dito sa loob ng kuwarto. Dahil sa mga samu't saring isipin ay biglang nagising ang diwa ko, kaya nagpumiglas ako at natakot sa lalaki. Ngunit hinawakan niya ako ng mahigpit, kaya hindi na ako makagalaw. Inipit rin niya ako sa pader, kaya lalong hindi na ako makawala sa kanya. Bigla niyang kinagat ang pang-ibaba kong labi, kaya napanganga ako dahil sa sakit. Iyon naman ang sinamantala niya para ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko, at mabilis niya itong ginalugad sa na tila may hinahanap siya sa loob. Hindi nga nakahalik sa akin ang manloloko kong boyfriend kahit minsan, tapos ang lalaking ito na hindi ko kilala ay sarap na sarap na sa paglapa sa lips ko. Pero bakit ganon? Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan, habang hinahalikan niya ako? Parang may kung anong init na gumagapang paakyat sa aking mga ugat, patungo sa aking laman, at pababa sa aking puson. Para akong dinuduyan at unti-unting tinatangay sa kawalan ang aking katinuhan. Naaamoy ko rin ang alak sa hininga niya, ngunit hindi ko ito alintana. Nakainom rin ako, kaya parehas lang kaming amoy alak. Matagal ang ginawang paghalik sa akin ng pangahas na lalaki. Kung hindi pa kami kapusin ng hininga ay baka hindi niya ako bibitawan. Hingal na hingal kaming pareho ng bitawan niya ang lips ko. Habol namin ang aming hininga, habang magkadikit ang aming mga noo at parehong hinihingal. Iminulat ko ang aking mga mata, at napatitig ako sa mukha ng lalaki. Ngunit hindi ko naman maaninag ang kanyang mukha. Parang umaalon ang paningin ko, kaya hindi ko siya makilala. Napatitig na lang ako sa lips niya at napansin kong ang pula-pula nito na tila kay sarap halikan. Nakakaakit, at nakakauhaw na titigan ang kanyang labi. Hanggang sa muli na naman niyang pinaglapat ang mga labi namin. Napakalambot ng kanyang labi kaya napapikit ako, dahil sa kakaibang pakiramdam na lumukob sa akin. Nakapapaso ang bawat hagod ng labi niya sa labi ko. Ang init rin ng palad niyang humahaplos sa aking likod. Para akong tinatangay sa kawalan, dahil sa kakaibang pakiramdam na hatid ng mapusok niyang paghalik sa akin. Hindi ko itatanggi na nagugustuhan ko na rin ang paghalik at paghaplos niya sa aking katawan. Marahil ay dala na rin ng aking nainom na alak, kaya nadala na ako sa pang aakit niya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang na bumagsak sa sahig ang suot kong dress. Natanggal na pala niya ito sa katawan ko na hindi ko namamalayan. Bigla rin akong binuhat ng lalaki, habang magkadikit pa rin ang aming mga labi. Automatic rin na pumulupot ang aking mga kamay sa leeg niya at niyakap ko siya ng mahigpit para hindi ako mahulog. Naglakad siya patungo sa kama at dahan-dahan niya akong ipinahiga sa napakalambot na kama, habang hindi pinaghihiwalay ang mga labi namin at patuloy lang kaming naghahalikan. Hindi rin ako marunong humalik, kaya sinusundan ko lang ang bawat paghagod ng labi niya sa labi ko. Ang mga kamay naman niya ay kung saan-saan na nakakarating sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Napapaliyad na rin ako, dahil sa kiliting hatid ng mainit niyang kamay na humahaplos sa aking malambot na balat. "Uuuugh!" daing ko, habang nakaliyad ng husto ang katawan ko. "W-Who are you? W-Why are you d-doing this to me?" tila nahihirapan na tanong ko. "I am your surrender. Tonight, let yourself be consumed by me. Let me claim you, again and again, until the morning steals us away...." ******* BLURB: Christalyn de Mesa, isang best selling author sa Pilipinas at hinahangaan ng maraming readers. Maraming nakakakilala at humahanga sa kanya, dahil sa ganda ng kanyang mga akda at talagang tumatatak ito sa isip at puso ng bawat reader. Marami rin mapupulot na aral sa buhay ang kanyang mga kuwento, at nagbibigay inspirasyon ang kanyang mga sinusulat na kuwento sa kanyang mga readers. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay bilang isang manunulat ay wala ni isa ang nakakakita at nakakakilala sa kanya. Kilala lamang siya sa kanyang Pen Name na ZAFINA. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Magkakaroon ng interest kay ZAFINA si Joseph Legaspi, ang kilalang CEO ng Multi-Billion Company sa Malaysia. Hindi sinasadyang nabasa ni Joseph ang akda ni ZAFINA na may pamagat na "ONE HOT NIGHT IN MALAYSIA". Dahil sa libro ay nahanap ni Joseph ang kasagutan sa kanyang mga tanong, anim na taon na ang nakakaraan. Ngunit ang tanong ni Joseph ay sino si ZAFINA? Paano haharapin ni Thalyn si Joseph, kung ang lalaki mismo ang dahilan kaya siya lumayo at nagtatago sa publiko. Patuloy kaya siyang magpapanggap na hindi siya si ZAFINA, upang mapanating lihim ang kanilang nakaraan ni Joseph Legaspi? ABANGAN.... WARNING‼️ This story features adult themes and explicit scenes, including strong language and s*xual content. Reader discretion is advised. Please Follow IronLady 2581 on Dreame and Yugto App.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD