THALYN'S POV... KINAKABAHAN ako habang naghihintay sa pag dating ni Mommy Glo. Para akong nilalamig na matat@e sa kaba, dahil sa iniisip ko, kung anong ugali meron siya. Baka kasi masungit siya at mata-pobre. Basta, ganon ang naiisip ko sa tuwing mapag uusapan siya dito sa bahay. Sinabi din noon ni Papa na hindi daw tumatanggap ng paliwanag si Mommy Glo, kaya natatakot tuloy ako, baka tarayan lang niya ako. Sumama din ang anak ko kay Eve, para sunduhin sa airport ang mga pinsan niya. Na-miss ko na rin Aj. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. Last na noong kasal ni Eve sa Malaysia. Malaki na siguro ang inaanak ko ngayon. Baka hindi na rin niya ako kilala, dahil two years old lang siya noong huli ko siyang makita. "Mommy!..." nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin ni Gerlyn. Dumatin

