BIANCA'S POV.... Parang gusto kong sak@lin ang babaeng mataba na nasa harapan ko, dahil sa ginawa niyang pagbuhos sa akin ng napakalamig na tubig. May mga yelo din akong nakita sa sahig, kaya alam kong sinadya niya akong buhusan. Ngunit tinawanan lang ako ng hayop na matabang ito. "Hoy, Reyna ng mga puting tabing na walang corona! Asa ka pang makakalaya ka sa lugar na ito? Para sabihin ko sayo, wala ni isang nakakalabas sa lugar na ito nang buhay. Pero kung gusto mo talagang makawala sa lugar na ito, kailangan mo rin mawala sa mundong ibabaw." sigaw sa akin ng mayabang na babaeng kasing taba at laki ng elephante. "At sino ka para katakutan ko? Hindi ikaw ang klase ng taong katatakutan ko. Wala ni isang tao sa mundong ito ang papayagan kong utusan ako, at diktahan. Buhay ko 'to at may

