HINDI mawala-wala ang ngiti ni Thisa, habang nag-drive siya ng kanyang black Ducati, pabalik sa Makati. Parang gusto niyang magsisigaw sa tuwa, dahil sa wakas ay natapos na ang problema ng kanyang pinsan. Napa perma niya na walang kahirap-hirap si Bianca sa Divorce paper. Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang Ducati at nakipag karerahan siya sa mga sasakyan sa expressway pabalik ng Manila. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa, dahil sa tagal na niyang hindi nakakapag motor. Napapamura na lang ang mga driver na nilalampasan ni Thisa, dahil sa bilis ng kanyang patakbo. Para itong lumilipad sa bilis, kaya walang humahabol sa kanya. Sa isang secret tunel na patungo sa loob ng Octagon siya dumaan para walang makakita sa kanyang pagdating. Sila lamang na magkakapamilya na may hawak sa Octagon Philipp

