ONE MONTH LATER... JOSEPH'S POV... MAAGA akong pumasok sa aking opisina, para tapusin ang mga trabaho ko. Mamayang ten am ay kailangan kong mag punta sa airport, para sa flight ko pabalik ng Pilipinas. Halos dalawang oras lang ang tulog ko kagabi, dahil nag overtime ako sa trabaho. Ngayon naman ay kailangan kong magmadali, para tapusin ang mga dapat kong tapusin para sa opening ng bagong building namin sa Johor Bahru. Kailangan na rin kasing matapos ang mga projects namin bago magkatapusan. Mabuti na lang at bumalik dito sa Malaysia sina Kuya Aaron at Ate Eve, early this month para tulongan akong i-manage ang lahat ng mga bagong projects ng companya. Ngunit nagising ako kanina ng napakaaga, dahil sa pagtawag sa akin ni Ate Samantha. Pinapauwi niya ako sa Pilipinas, dahil naka confi

