Chapter 27 - Doppleganger Nagising nalang akong bumungad saakin ang puting ceiling. Inilibot ko ang paningin ko at nagtaka kung nasaan ako. Maya-maya lamang ay napagtantong nandito pala ako sa loob ng kwarto ko. Teka... Paano ako nakarating dito?! Bigla akong napaupo dahilan upang makaramdam ako nang sakit sa ulo at tila umiikot ang paligid ko kaya napahawak ako sa ulo ko. Nang tumigil na ito ay ibinaba ko na ang kamay ko pero napukaw ng atensyon ko ang isang singsing na gawa sa ginto. Nakasuot ito sa daliri ko.  Maganda sana pero anong ginagawa nito sa kamay ko? Bakit 'to andito? Wedding ring ba ito? Engagement ring? Sino naman ang magpapasakal saakin? It looks expensive. Ibenta ko kaya pag nakabalik ako sa Mortal Realm? Magkano kaya ibibigay saakin nito? Hinawakan ko 'to at

