Hanggang ngayon ay lutang pa 'rin ako habang nakahiga sa kwarto ko. Kakarating lang ni Yessa kanina, at sasabihin ko sana pero nag bago na ang isip ko. Wala na, tinatamad na akong sabihin. At hanggang ngayon napaparanoid pa 'rin ako. Pakiramdam ko kahit nakahiga ako, may nakatingin saakin. Idamay mo na pati pag ligo ko. Kaya nga ilang minuto nalang ako kung maligo. Hoy! Wag kayo, kahit hindi ako maligo ng isang linggo, mas mabango pa 'rin ako kesa sa sainyo. Sasama sana ako kay Yessa kanina pero naalala kong pupunta pala dito si Nathan ngayon. Nakaalis na 'rin si Yessa kanina pa kaya walang-wala talaga akong magawa. Isang oras na akong nakahiga sa kama at hindi ako dinadalo ng antok. Ayoko 'rin namang matulog kasi baka kung ano pa mapanaginipan o makita ko pag gising ko. Napahawa

