Nagising nalang ako na may mga butil ng pawis saakin noo at sobrang lakas nang kabog sa dibdib ko. Napaupo kaagad ako sa sofa at ilinibot ang aking paningin. Nagpakawala ako nang buntong-hininga ng matagpuan ko ang sarili kong nasa bahay pa 'rin nina tita. Napasandal ako sa sofa at tumingin sa ceiling. "Panaginip lang pala..." It was somewhat a near to death experience for me. The dream was lucid and felt real. And that Astra the man was uttering about, I think I heard it before. But now that i'm wide awake, it's none of my concern for it was just an odd dream. Napatayo ako sa sofa pero agad 'rin natigilan nang makita ang mga nagkakalat na mga balot ng candies at iba pang pagkain. Isang imahe lang ng isip-batang lalaki ang pumasok sa isip ko at siguradong siya ang may kagagawan nito.

