Paguwi namin galing mall ay napasalampak nalang ako sa couch dahil sa sobrang pagod. Ang balak ko lang sana maglakad sa mall pero nang dahil sa lalaki na ito, bukod sa naubusan ako ng enerhiya, naubusan din ako ng pera! At kung saan-saan pa tumatakbo, nagmumukha tuloy akong yaya na binabantayan ang isang batang first time makapunta ng mall. Nahiga ako sa couch at pumikit. Sobrang antok na ako para makapagbihis pa, wala na 'rin akong pakialam kung sa kwarto ko matutulog ito. Gusto ko lang magpahinga. "Hooooy~ 'Wag mo akong tulugan! Manood pa tayong Doraemon huhu." Yinugyog pa ako nito pero hindi ko na ito pinansin at tumalikod nalang mula sakaniya. Kasalanan niya kung bakit pagod na pagod ako ngayon. At saka bakit hindi ito napapagod kanina pa siya sigaw ng sigaw at laro ng laro. "Baha

