54 NGAYONG araw ang last day ko dito sa main branch. Next week sa bayan na naming branch ako papasok. At dahil Friday ngayon nagkayayaan na lalabas kami. Nagpaalam ako kanila Lola at Tito pinayagan naman nila ako. Nagsabi din ako kay Hubert, medyo alanganin itong pumayag pero sa huli umoo na rin. Pupunta din sila ni Tito doon dahil wala naman akong masasakyan pag-uwi. Kaya nag-okay ang boyfriend ko. Sa isang bar kami pupunta. Di naman ako umiinom pero minsan pinapainom ako ni Christine kapag nasa bahay nila kami. Kaunti lang, tikim tikim lang. Suggestion pa nga ni Hubert na sabay - sabay kaming pumunta sa venue. Sabi ko sumunod na lang sila para kahit after na ng work nila sila sumunod. Inassure ko naman siya na madami akong kasama na babae at kanila Miss Cristy ako sasabay.

