53 PAUWI na ako ngayon mula sa bahay ng girlfriend ko. Proud ako na girlfriend ko na si Alex. Sa tagal kong naghintay sa tamang oras para masabi ko ang nilalaman ng puso ko. Heto na ang bunga, napakasaya ko dahil sinagot niya ako. Lahat ng kapamilya niya ay alam ang nilalaman ng puso ko pwera si Alex. Di ko alam kung di ba niya nahahalata o ayaw niya lang bigyan ng ibang pakahulugan ang mga ipinapakita ko sa kanya. Bata pa lang si Alex ay nabihag na nito ang puso ko. Kaya madalas ako noon sumasama kay Andrei sa bahay nila. Minsan kasama pa ako nito na sumundo sa pamangkin niya kapag wala ang service ni Alex. Yung akala kong paghanga ay yayabong pala ng higit pa doon. Nang tumuntong sa pagkadalaga ito doon ko sinabi sa best friend ko ang nararamdaman ko para sa pamangkin nito. Maram

