66 NGAYON ANG ARAW na pinakahihintay nila Tito at Katherine. Maagap kaming nagtungo sa isang resort kung saan kami aayusan at may photo shoot pa daw. Dahil mga abay kami at immediate family kasali kami. Pare-parehas pa ang suot namin na parang lingerie pero makapal naman. May special role din ang mga anak ko. Mabuti medyo adjusted na ang body clock nila dito. "Nanay, tingnan mo po ang lips ko may paint!" Sambit nito sa akin na ang tinutukoy ay ang lipstick niya. Tagalog na siyang magsalita dahil marunong naman talaga siya. Kaya lang sinabihan siya ni Manang Gaying noong isang araw habang kumakain kami. "Alna speak in tagalog, my nose is bleeding." Ani Manang Gaying. "Where's the blood? I can't see blood po." Tugon nito kay Manang Gaying. "Alna hirap si Manang Gaying kausapin tayo

