67 PINAPUNTA ako ni Andrei sa bahay nila dahil may i di discuss siyang project sa akin. Malaki na ang business namin ay may kanya - kanyang branches na kaming hawak. Malapit na ang kasal ng kaibigan ko at ilang araw din siyang magbabakasyon. Narito ako sa bahay nito ngayon at pinapasok na ako ni Manang Gaying. Nakita ko ang laptop nito na nasa center table pero wala ang kaibigan ko. Narinig ko may nagsasalita kaya sinilip ko ang laptop. Mayroon nga siyang kausap na dalawang bata. Isang babae at isang lalaki. Di ko alam kung ilang taong gulang na sila. Napaka-amo ng mga mukha nila. Habang nakatingin ako sa kanila ang batang lalaki at matiim akong tinitingnan. Narinig ko silang may tinawag. "Papa Hogan, come here. Make it faster Papa." Narinig kong sabi ng dalawang bata. T

