68 "Are you okay? Did she hurt you? Anong nangyari Alex" Bungad ng nag-aalalang si Hogan. "I'm okay. Thanks for asking. Hindi niya ako nasaktan physically. I'll talk to you later. My children need me. I'll go inside." Sagot ko kay Hogan. Dinaanan ko lang si Hubert dahil wala naman siyang sinasabi. Nakatingin lamang siya sa amin ni Hogan. Hinanap ko ang mga anak ko at si Yaya. Natagpuan ko silang tatlo sa may couch na nasa labas. Malungkot pa rin ang mga anak ko kaya parang pinipiga ang puso ko. Nakita ako ni Alna. "Nanay!" Kahit palapit na ako sa kanila ay tumakbo pa ito palapit sa akin. Binuhat ko ito at niyakap ng mahigpit. Muli itong umiyak sa leeg ko. "Nanay she's bad! Natatakot ako Nanay. Please 'wag mo akong Iwan Nanay. Huhuhu." Sambit nito habang umiiyak. Ayaw kong pumasok s

