56 NATULOY ang aming outing at kasama nga si Hubert. Kahit di ko ito isama, alam ko gagawa at gagawa ito ng paraan para makasama siya. Sumama din si Hogan pero sa ibang kaklase namin ito nakipag coordinate. Di ko pa ito nakakausap uli para malaman kung ano ang problema nito o busy lang sa trabaho niya. Dahil kasama si Hubert sa sasakyan na nito ako sumabay. Si Christine sa ibang kaklase na namin nakisabay. Baka ma out of place daw siya sa amin ni Hubert. Di ko na rin pinilit, madami naman ang masasakyan. Kung di sumama si Hubert makikisakay lang din ako. Kasama niya dapat si Tito kaya lang di na ito sumama dahil masama daw pakiramdam ni Lola. Di na nga rin sana ako sasama dahil gusto ko rin bantayan si Lola pero ito pa nagpumilit na tumuloy na ako. Nandoon naman daw si Tito at Manang

