57 MAGKAKAHARAP kami ngayon habang nagmemeryenda kami dito. Nag message na ako kay Hubert. Okay na uli kami ni Hogan kaya masaya kaming kumakain ng mga finger food. Habang kumakain nagsabi na ako sa kanila na maagap kaming uuwi ni Hubert kinabukasan dahil nag-aalala ako kay Lola. Pumayag naman sila sa akin at nag-aalala rin sila para kay Lola. Lalo na si Hogan. Lagi nitong pinapatawa si Lola kapag bumibisita ito sa bahay. Siguro napagod sa pagdadrive si Hubert kaya di pa ito nagigising. Okay lang para naman marami din akong time para sa mga kaibigan ko. Nagsimula na rin kaming kumilos para sa preparation ng dinner. Tulad ng dati may bonding sa gabi kaya maagap ang dinner. Sakto tapos na kaming magluto ng matanaw ko si Hubert na papunta na dito. Mukhang bagong gising. Sinalubong k

