58 NANDITO na kami ngayon sa bahay. Umalis kami ng alas sais ng umaga. Nagsabi na ako kahapon sa kanila. Di mapanatag ang isipan ko kahit pilitin ko na mag - enjoy, si Lola ang nakikita ko sa tuwing pumipikit ako. Pinapauwi ko na si Hubert pero heto at nandito pa rin sa bahay. Hindi sa ayaw ko siyang nandirito. Gusto ko sana na magpahinga siya. "Babe, magpahinga ka na muna." Anas ko dito. Nakaupo siya dito sa living room. Si Tito ay umalis daw sabi ni Manang Gaying pero babalik din daw agad. Pinuntahan ko si Lola sa kwarto nito at mahimbing na natutulog. Hindi ko na muna ginising. Yung masaya at maaliwalas na mukha ni Lola noong mga nakaraang araw ay malaki ang ipinagbago. Ngayon ko lang rin napansin na medyo nangayayat na ito. Kung sabihin na 'wag akong mag-alala, mahirap kasi

