59 GABI ng dumating sila Daddy at Tita Ann. Magkasunuran ang flights nila kaya naghintayan na sila sa airport. Wala na rin si Hubert. Ayaw pa nga nito umuwi kung di ko pa pinagtulakan. Ganoon pa rin si Lola nanghihina at ngayon gumagamit na ito ng oxygen. Sinilip lang muna nila si Lola dahil natutulog ito. Pinaghanda ko muna ng makakain sila Daddy at Tita. Sa haba ng byahe pagod ang mga ito at gutom. Walang tigil sa pag-iyak si tita. Sa tagal na nitong di umuuwi dito sa amin. Si Daddy namumula na ang mga mata. Nakita ko na ang pain na ito sa mga mata ni Daddy noong mamatay si Mommy. Niyakap ko si Daddy. Noon bata pa ako, walang muwang sa paligid pero ngayon ramdam ko ang sakit at lungkot. Niyaya ko muna na kumain sila. Hinawakan ko na si tita para igiya ito papunta sa kusina. T

