bc

Against All Odds (Completed)

book_age16+
402
FOLLOW
1.0K
READ
HE
second chance
drama
actor
like
intro-logo
Blurb

Sabrina Alonzo-Fortalejo is enjoying her peaceful life with her husband and first love, Tyler Fortalejo. The two of them got along well in the first year of their marriage, and Tyler has been wanting to have a baby ever since. The only problem is that Sabrinaʼs not ready yet; thatʼs why sheʼs taking pills.

Not until Tyler found out about it. He became cold towards her after what happened. So in the end, Sabrina decided to stop taking pills for their relationship to return from the way it used to be.

Then the good news about her being pregnant came. But due to an unexpected accident, Sabrina suffered a miscarriage. Because of this, Tylerʼs been distant from her again with the thought that she didnʼt really want them to have a child and that she purposely let the accident happen.

As their marriage goes on the rocks, will Sabrina be able to fight against all odds and realize that her worth as a wife is not based on her conceiving a child?

chap-preview
Free preview
Simula
WALANG pagsidlan ang nararamdamang kasiyahan ni Sabrina habang nagsasayaw sila sa gitna ng kaniyang asawa na si Tyler. Katatapos lang ng kanilang kasal at kasalukuyan silang nasa reception area. Pribado ang nasabing pagtitipon at nirespeto naman ito ng mga dumalo na media na nanatili lamang sa labas. Kaya naman ay hindi na nagawa pang idokumento ng mga ito ang mga pangyayari sa loob. Iilan lang din ang kanilang mga inimbitahan na bisita na pawang malalapit na kamag-anak at kaibigan nila. Isa kasi si Sabrina sa mga sikat na modelo ng bansa. Kaya naman ay hindi maiwasan na palaging may nakasunod na camera sa kaniya. Habang si Tyler naman ay kilala sa mundo ng negosyo. Sa murang edad kasi na bente-tres ay nagawa na nitong makapagpatayo ng sariling kumpanya. “Hindi pa ba tayo aalis? Kanina pa kita gustong-gusto na masolo, eh.” Sumilay ang pilyo na ngiti sa mga labi ni Tyler bago nito ipinagdikit ang noo nilang dalawa. Mahina naman siyang natawa nang dahil sa sinabi ng asawa. Sa totoo lang ay kanina pa ito nagmamadali na umuwi sila. “Malapit naman ng matapos ang programa. Bakit ba hindi ka makapaghintay riyan?” Napanguso naman ito. “Excited na kasi akong bumuo ng basketball team.” Itinaas baba pa nito ang kilay. Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Napayuko na lang siya at marahan na inihilig ang kaniyang ulo sa dibdib ni Tyler. Hindi niya gustong makita ng asawa ang naging reaksyon niya sa sinabi nito. Siyempre ay gusto rin niyang magkaroon sila ng anak. Pero hindi pa nga lang sa ngayon. Hindi pa kasi siya handa, lalo pa at maganda rin ang takbo ng kaniyang karera. Ilang saglit pa ay natapos na ang pagtitipon. Agad naman silang nilapitan ng kanilang mga magulang. “Ikaw na ang bahala sa prinsesa namin, Tyler. Ipinagkakatiwala na namin sa ’yo ang aming anak,” mangiyak-ngiyak na wika ng ina ni Sabrina. Masuyo naman itong inalo ng asawa. “Wag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala kay Sab,” paniniguro naman ng asawa sa kaniyang mga magulang. Napangiti naman si Sabrina sa itinuran ni Tyler. Maging siya ay kampante sa magiging buhay niya sa piling ng asawa at sa magiging trato nito sa kaniya. “Masaya kami para sa inyong dalawa. Pero pasensya na kung mas nasasabik kaming makita at mahawakan ang magiging apo namin sa inyo balang araw,” umaasang sambit naman ng ina ni Tyler na sinang-ayunan ng ama nito. Pinigilan ni Sabrina na mauwi sa ngiwi ang kaniyang pagngiti. Hindi na lang siya umimik pa hanggang sa magpaalam na sila sa mga ito. Humilera naman sa labas ang iba pa nilang mga bisita upang muli silang batiin bago sila tuluyang umalis. But the moment they stepped outside the five-star hotel where the reception takes place, they were suddenly welcomed by flashes of cameras. The two of them just smiled and waved their hands before they went straight ahead to the limousine that’s waiting for them. “Sa wakas ay natahimik din ang paligid,” aniya ni Tyler pagkapasok nila sa loob ng sasakyan na agad din namang pinaandar paalis ng family driver ng mga Fortalejo. “I’m sorry. I know that you are not used to such things,” hinging paumanhin niya sa asawa bago kumapit sa braso nito. Marahan naman nitong hinaplos ang kaniyang pisngi. “It’s alright. Magmula ng mahalin kita ay tinanggap at minahal ko na rin naman ang mundo na ginagalawan mo. It’s just that today is a special day. That’s why I want it to be just about the two of us,” buong sinseridad nitong wika. Tila may kung ano namang kumiliti sa kaniyang puso nang dahil sa sinabi ni Tyler. Pero napataas na lang siya ng kilay nang muling gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito. “Tutal ay medyo malayo-layo pa naman ang magiging biyahe natin. Maybe we can do some exercise here in different positions. Warm-up ba,” nang-aakit nitong bulong sa kaniya. Napangiti naman siya bago niya ito kinurot sa pisngi. “Magtigil ka nga. Kanina ka pa sa simbahan, hah. Maghintay ka hanggang sa makauwi tayo.” Inirapan niya ito. Sa totoo lang ay hindi alam ni Sabrina kung matatawa ba siya o maiinis dahil nakasimangot lang si Tyler sa buong biyahe nila. Napailing na lang siya at itinuon ang atensyon sa labas. Para kasi itong bata kung umasta minsan. Pagkarating nila sa mansyon na binili nila sa Tagaytay, na magsisilbi rin nilang bahay-bakasyunan ay agad na binuhat siya ng asawa pagkababa nila sa sasakyan. Hindi naman napigilan ni Sabrina ang mapatili nang dahil sa gulat. “Ngayon ay wala ka na talagang kawala pa sa ’kin,” sambit ni Tyler sabay kindat. Napamaang na lang siya sa kawalan nang magawa nitong buksan at isara ng walang kahirap-hirap ang pinto ng mansyon kahit buhat-buhat pa siya nito. Ngunit bago pa makapagsalita si Sabrina ay mabilis na sinunggaban ng kaniyang asawa ang mga labi niya na bahagyang nakaawang. Hindi na pumalag pa si Sabrina at buong pusong tinugon ito. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Tyler habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Kaya naman ay ipinulupot niya ang braso sa batok nito upang kumuha ng suporta mula roon. Hanggang sa maramdaman niya ang pagkakalapat ng kaniyang likod sa malambot na sofa at ang kamay ni Tyler na pilit tinatanggal ang suot niyang gown. Sa pagkakataong ’yon ay natatawang itinulak niya ito palayo. “Let me take a shower first,” pagdadahilan niya sa asawa. Napakunot noo naman ito at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya. “There’s no need for that. I can still even smell the lavender scent on your skin, wifey.” Akmang hahalikan muli siya ni Tyler nang mabilis niya itong napigilan. “Nanlalagkit na ako, eh. Kaya gusto ko munang mag-shower,” paglalambing pa niya. Sa pagtataka niya ay biglang kumislap ang kulay asul nitong mga mata. “Fine! Pero sabay tayong maliligo.” Kinagat niya ang ibabang labi. “Oo na!” Though she doubts it if they will only take a bath. Habang tinatahak nila ang daan paakyat sa kanilang kuwarto ay biglang bumilis ang t***k ng puso ni Sabrina nang dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya ngayon. Sa totoo lang ay nasasabik na rin naman siya sa kaniyang asawa. Ang kaso lang ay may isang bagay siyang nakalimutan gawin kanina. Marahil ay dala na rin ng excitement niya sa kanilang kasal. “You go ahead first. Susunod na lang ako,” wika niya sa asawa na halos ipagtulakan na niya papasok sa banyo pagkarating nila sa kuwarto. Pinameywangan naman siya nito. “I don’t want to be paranoid, but you’re acting really weird today. May problema ba?” nag-aalala nitong tanong. Napahinga siya nang malalim. Imbis na umimik ay pinaglandas niya ang dulo ng kaniyang daliri sa pisngi ni Tyler, pababa sa leeg nito bago nang-aakit itong tiningnan. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang paglunok nito. “I actually have a surprise for you, hubby, that I especially planned for this day. Hindi mo naman siguro gustong masira ’yon, ’di ba?” They actually have plans to travel to Japan for their honeymoon. Pero bukas pa ng umaga ang flight nila kaya pinili nilang doon muna manatili ngayon. Sunod-sunod naman itong napatango na para bang nahipnotismo. She chuckled. Ngunit sa pagtataka niya ay kinuha nito ang kaniyang kamay bago isinubo nito ang isa sa mga daliri niya habang diretso pa ring nakatingin sa kaniyang mga mata. Pinigilan naman niya ang mapaungol nang sipsipin nito ang dulo ng kaniyang daliri. “Alright. I’ll wait for you then. But don’t take too long. Lalo pa at mayroon ka ng ginalit.” His voice is hoarsed. Ramdam niya ang biglaang pamumula ng mukha. “I won’t,” she assured. Sa wakas ay pinakawalan na nito ang kaniyang daliri at agad na dumiretso si Tyler patungo sa banyo. Doon lamang lubos na nakahinga nang maluwag si Sabrina. Nang tuluyan ng maisara ni Tyler ang pinto ng banyo ay dali-daling tinungo ni Sabrina ang maliit na cabinet na nasa tabi ng kama. Totoo naman na mayroon siyang plano para sa araw na ’yon. After all, she would like their first night as husband and wife to be memorable. Pero bago ’yon ay may kailangan muna siyang unahin na gawin. Mula sa pinakailalim na drawer ay inilabas niya ang isang box na mayroong maliit na kandado. Bukod sa mga hikaw na nakalagay roon ay rito rin niya itinago ang ilang piraso ng pills na kaniyang iniinom. Hindi naman pinapakielaman ni Tyler ang mga gamit niya at ganoon din naman siya sa mga gamit nito. Kaya naman ay nasisiguro niya na hindi ito makikita ng asawa. Mabuti na lang din at may naitabi na siya roon. Dali-dali niyang kinuha ang isang piraso at uminom. Tyler is insatiable when they’re making love. Kaya naman ay hindi siya puwedeng pumalya sa pag-inom. Nang matapos ay tinungo naman niya ang maleta na nasa isang tabi. Binuksan niya ito at mula roon ay inilabas niya ang kulay pula na lingerie na kaniyang binili isang linggo na ang nakararaan. Mabilis na inalis niya ang suot na gown at nagpalit. Saktong napatingin naman siya sa harap ng full-length mirror na nandoon at hindi niya naiwasan ang mapangiti nang padaanan niya ng tingin ang kaniyang kabuuan. Bilang isang modelo ay nakagawian na niyang panatilihin ang maganda at sexy na hubog ng kaniyang katawan at maging ang kakinisan ng kaniyang kutis. Napagpasyahan naman niyang iladlad ang kulay itim at maalon-alon na buhok. Pero napakurap siya nang marinig ang pagbukas ng pinto sa banyo. “Wifey! Aren’t you finished yet?” “I’m coming,” sigaw niya at nagsimula ng maglakad patungo rito. Basta ba hindi siya makakalimot na uminom ng pills ay walang kaso sa kaniya na paulit-ulit na paligayahin ang asawa. Para kahit sa ganoong paraan man lang ay magawa niyang makabawi sa ginagawang pag-iwas na mabuntis, taliwas sa gusto nitong mangyari at matagal ng hiling sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook