Chapter 7 [Austin’s POV] “Try mo ngang maging sweet sa’kin minsan..” Ano daw? Try kong maging sweet sa kanya? Eh sa kapwa tao ko nga eh tinatamad na kong kausapin sila, tapos gusto nya, maging sweet pa ko sa kanya? Eh nababaliw na ata toh ee. “Asa ka pa! Ayoko nga ng nakikita ka ee. Sakit mo kasi sa mata!” “Wow ah! Nahiya naman ako sa’yo.. Feeling mo gwapo ka? Hahaha!,” sarcastic pa yung tawa nya. “Konti lang naman ee!” “Tss, isip bata!” “Nagsalita ang mukhang matanda. Excuse me nga, papasok na ko sa kwarto ni Lily! Excuse me...” Wala talagang magawa tong multo na toh. Bakit ba kasi kasama ko toh ngayon? Nahihirapan tuloy ako ee. Nagulat na lang kami pareho ni Serenity ng biglang pumasok si Lily. Kita mo sa mata ang galit at takot nito. Hindi ko alam kun

