Chapter 6
[Austin’s POV]
Duwag? Ako? Duwag? Hah! Sa multo nga hindi ako takot tapos sasabihin nyang duwag ako? Eh ang kapal naman pala talaga ng multong toh ee.
“Hoy Mr. AA, ihanda mo na yang sarili mo. Sigurado kong matatalo ka!”
“Yan ang akala mo, pag nanalo ko, wag na wag ka ng bubuntot sa’kin at aalis ka na sa bahay.”
“Sige, pero pag nanalo ko, pwede akong magstay sa bahay nyo at tutulungan mo din ako sa problema ko..”
“Deal. Sinasabi ko sa’yo, ngayon pa lang mag empake ka na!”
“Tanga ka? Anong iaampake ko? eh wala naman akong mga damit..”
Napatingin ako sa suot nya. Grabe! Nung isang araw nya pa to suot kaya naman pala napapa bahing ako ee. Dahil sa kanya. Napatakip ako ng ilong dahil baka maamoy ko pa lalo ang mabaho nyang amoy.
“HOY! Grabe ka naman kung makapagtakip ng ilong, hindi naman ako mabaho..”
“Whatever.”
“Whatever whatever ka dyan, bakla toh! Hindi na ko namamaho kasi multo na ko, abnoy!”
“Tsk, forget it. Let’s start the deal”
“oh sige, ganito. Pag napasagot mo yung babaeng yun,” itinuro nya yung isang babae sa tapat ng corridor “sa loob ng tatlong araw, sige! Payag na ko sa gusto mo. Pero pag hindi mo nagawa, kalimutan mo ng hindi ako aalis sa bahay ni Lily.”
Yun lang? Hindi man lang sya nag-isip ng mas mahirap na ipapagawa sa’kin? Tss, siguradong mananalo na ko nito ee, sa gwapo kong toh, sino ba naman ang hindi agad mapapasagot.
Baka nga kausapin ko pa lang yung babaeng yun ee mamatay na sa tuwa.
Kilala kasi ako sa university bilang masungit at walang kinakausap maliban kina John, Casper at Lily. Sila lang talaga yung nakakausap ko dito.
“Sige, payag ako dun sa ipapagawa mo.. tandaan mo, aalis ka sa bahay"
“Tsk, oo na! Kung makapagsalita ka naman feeling mo sa’yo..”
Tumayo na ko sa kinauupuan ko at lumabas na ng Univ. Kasabay ko si Serenity pero hindi kami nag-iimikan. Ayokong mapagkamalang baliw na nagsasalita magisa.
Ano kayang dapat kong gawin? Hindi dapat ako maging ganun kakampante. Baka isang nerd yung pinapaligawan sa’kin, mahihirapan ako dun. Sa mga flirt lang talaga ko madadalian. Tsk, ang tanong na lang, ano bang klaseng babae yung gusto nya saking paligawan?
Mabait ba yun, maarte, malandi, ano nga kaya?
“Uyyyy, nag-iisip na sya!”
“Sinong may sabi sa’yo?”
“Tanggi pa! Haha, ang cute mo!”
Pinisil nya bigla ang cheeks ko tsaka gumigil. Para syang tanga, tsaka hindi ako cute, para lang yun sa aso.
“Pwede bang...”
Ano na naman kayang iniisip nitong babaeng toh?
“pwede bang ano...”
“Lumunok ka ulit? Please...”
Tsk. Grabe! Ano ba talagang iniisip ng babaeng toh?
“Lumulunok lang ako ng ganun pag nate-temp ako..”
“Ah ganun? Edi, nate-temp ka pala sa’kin.. dalawang beses ka pa nga dating lumunok ee. Kahit pala patay na ko, nakakapang akit pa din ako..”
“Kapal ah!”
“Sus! Nahiya ka pang umamin, wag kang mag-alala, atin atin lang toh..”
Tsaka sya nauna sa paglalakad habang umiikot at sumasayaw sayaw pa. Ano bang klaseng 19 yrs old toh? Parang 12 lang kung mag-isip. Hanggang ngayon hindi pa din nag ma-matured. Ano kayang kinakain nito araw araw?
“Pssst! Anong kinakain mo?”
Bigla naman sa’king napatingin yung nasa unahan ko sa paglalakad. May dala dala syang ice cream at... sya yung babaeng kailangan kong ligawan.
Maganda naman sya, pwede na.
“Ito ba? Ice cream toh, hindi ba obvious?” tsaka nya ko inirapan. Abaaa, challenge tong babaeng to ah!
Nilapitan ko sya at tinabihan sa paglalakad.
“Anong problema mo?”
“Ikaw..”
“Bakit? Kasi ako na lang yung wala ka pa? Tsk, baduy mo tsong, umuwi ka na..”
ARGH. Anong nangyari? Isa pa din tong makapal ee, barahin ba naman daw yung pick up line ko?
“Favorite mo ba yang ice cream?”
“Porke’t kinakain ko ngayon favorite agad? Tsk.”
Babae ba toh? Ba’t hindi natatablan ng charms ko? Tomboy ata toh ee. Ang dapat na sasabihin ng babae, ‘oo, gusto mo? Ibibili mo ko’. ganun dapat. Di ba?
“Wala kang kasabay ngayon pauwi?”
“Meron, ikaw. Feeling mo kasi close tayo..”
“Oo nga noh?”
“ngayon mo lang na realize?”
Tumabi sa’kin sa paglalakad si Serenity. Nakangiti ito ng pagkalawak lawak at parang sinasabi sa’kin na ‘ano ka ngayon?’
“Hahaha, sinabi ko naman sa’yo Mr. AA, mahihirapan ka sa ipapagawa ko.. ayoko namang mauwi ang lahat sa wala. Multo ako at kailangan may tinitirahan pa rin ako.. gets mo? Haha.”
“Tsk. Watch and learn!”
“Hah? May sinasabi ka?” oo nga pala, kasabay din namin tong si...
“Ano nga palang name mo miss?”
“Ako ba? Para kasing may iba ka pang kausapp ee”
“Hah? Ikaw lang naman ang kausap ko ee, ano name mo?”
“Tutal, hindi ka naman mukhang masamang tao, sige, sasabihin ko sa’yo. Ako si Avery De la Cruz”
“Avery? Nice name!”
“alam ko naman, di mo na kailangang sabihin.”
Konting timpi pa. May mas susungit pa pala sa’kin dito sa Univ. Para akong mababaliw pag kausap ko to ee. Kung hindi ko nga lang to liligawan, kanina pa to narinig ang cold voice ko. bwisit! Parang matatalo pa ko ah?!
[Serenity’s POV]
Tulad ng inaasahan, hindi ito madaling mapapasagot ni Mr. AA. Kitang kita naman sa itsura na mataray ee. Ang galing talaga ng instinct ko.
Avery. Ang unique naman ng name nya. Pero maganda din naman ang akin ah? SERENITY. Hindi man lang sinabihan ni Mr. AA ng nice name! Hay! Katampo naman yun..
Pero ayos lang, at least, alam kong maganda ang pangalan ko, unique din! Hindi katulad ng pangalan ni Mr. AA, Austin? Tss, ang bantot pakinggan, hindi na lang sya dapat nagpangalan.
Ganito pala pag nagiging sweet si Austin, masyadong corny tapos nababara pa!
Pero bakit ganun? Parang ayokong sweet si Austin, nakakainis kasi ee. Dapat masungit na lang sya, mas maganda yun.
Sungitan nya dapat yang si Avery. Hindi na lang pala dapat ito ang napili kong ipagawa ee. Tsk, pero sa bagay, kailangan kong manalo dito sa pustahan namin. Ayokong matulog na lang sa tabi tabi, hindi ako cheap na multo.
Tinignan ko si Austin na busy-ng busy sa pangungulit kay Avery. Hindi sya nakangiti pero tuloy tuloy syang nagsasalita, asa pa syang papansinin sya ni Avery. Good choice ata sya para dito sa pinapagawa ko.
Pero pano kung matalo ko? Magpapalaboy-laboy na lang ako?
Haist!
Napatingin uli ako sa dalawang nag-uusap, mukhang wala namang pag asa si Austin manalo eh. Pero tama bang sa kanya ko humingi ng tulong? Wala kasi syang puso at makasarili, baka wala din akong mapala sa kanya.
Nakakatamad naman ang ganito, kay Austin lang ako pwedeng makipag usap. Tapos ngayon, meron pa syang kalampungan. Pag-untugin ko sila ee. Hindi sa naiinggit ako pero trying hard talaga si Austin maging sweet, sarap ihampas sa pader.
Tsk. Kinulbit ko si Austin kaya humarap sya sa’kin ng patagilid.
“HOY MR. AA! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, KASAMA MO KO!”
“Oh tapos?”
“Kausapin mo ko..”
Inismiran nya lang ako tsaka pinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Avery. Love triangle ang peg namin, pero kunyari lang. Wahahaha!
Maya maya pa ay may kumapit sa braso ni Avery. Yung babaeng binully ni John. Magkaibigan ata sila.
“Avery, kaya pala hindi mo ko hinintay ha? May kasama ka pala pauwi..”
“Gaga! Hindi ko nga kilala yan ee”
“Weh?”
“tigilan mo ko Revina, hindi na kita hinintay kasi ang tagal mo.”
“May bwisit kasing lalaki na naglagay ng uod sa bag ko!”
“YUCK! Lumayo ka nga sa’kin..”
“ARTE!”
Ahh. So magkaibigan pala silang dalawa.
“AUSTIN!!!”
Napatingin kaming dalawa ni Austin sa likod at tuloy tuloy naman sa paglalakad yung dalawang babae.
“Hoy Austin, matuto ka namang mag hintay pag may time!” hingal na hingal na sabi ni Casper. Pano ba naman, tinakbo hanggang dito sa kanto pamula sa school.
“Bakit? Nagpahintay ba kayong dalawa? Hindi naman di ba?”
“Oo nga naman John, nagsabi pala dapat tayo” -Casper
“Sorry Austin ah? Hindi kami nakapagpaantay” –John
“Tsk, mga baliw!”
Sumabay uli si Austin sa paglalakad ni Avery. Nakasunod naman sa kanya yung dalawa nyang kaibigan. Ang good at bad side.
Napatingin si Revina sa likod at nakita nya si John.
“Tang.a! bakit andito ka?”
“wala kang pakialam!”
“Madapa ka sanang hayop ka!”
“Same to you..”
Tsk. Parang mga bata naman sila mag-isip. Buti pa ko, matured na. Hay, good luck na lang sa kanila. Hahaha!
Pagdating namin sa condo nina Lily, ayun! Hindi pa din ako pinapansin. Ano kayang problema nito? Pag dating naman kay Avery ang sweet sweet. Sabagay, dahil yun sa deal namin. Kailangan nya kasing manalo para umalis ako dito.
Pano kaya pag naging sweet na sya sa’kin? Edi oras oras ko na syang mapapalunok. Hihi. Ang cute talaga.
“Dyan ka lang sa labas ah? Hindi ka na pwede dito..”
“ANO?! BAKIT NAMAN?!”
“Nanalo ka na ba sa usapan natin?”
“Hindi pa. Eh san mo ko patutulugin?”
“Bahala ka, san mo ba gusto, sa labas o sa labas? Basta bawal ka na dito”
“Kung ayaw mo kong kasama, edi ikaw dito sa labas. Arte arte mo!”
“Bahala ka nga sa buhay mo”
Pumasok ako sa loob ng bahay at ganun din naman sya. Tumingin sya sa’kin na parang kakainin nya ko. katakot naman.
“DITO KA SA LABAS!”
“What?”
“Ang sabi ko dito ka sa labas..”
“Narinig ko naman.”
“Aba’t” umamba syang susuntukin nya ko pero di nya naman itinuloy.
“Hayst! Tinitignan ko lang naman kung bagay sa’kin ang magtaray tulad ni Avery”
“Tsk, LABAS!”
“Try mo ngang maging sweet sa’kin minsan..”
Nakuuu! Pag naging sweet toh sa’kin, maya’t maya ko tong papalunukin.