Chapter 5

2399 Words
Chapter 5 [Austin’s POV] Tss. Bakit ba ang kulit nitong multo na toh? Sinabi na ngang wala akong magagawa sa problema nya sa buhay eh, sunod pa rin sakin ng sunod. Oo nga’t kaya ko syang tulungan pero wala akong balak kahit kailan. “Hoy Mr.AA! Saan ba ang school nyo?” Hindi ko sya pinansin. Baka mapagkamalan pa kong baliw dito sa jeep. Ako lang naman ang nakakarinig at nakakakita sakanya. Tiningnan ko sya at nakita ko ang pagkamangha sa mga mata nya. Ngayon lang siguro sya nakapunta ng maynila. Taga-probinsya siguro sya at dun na din namatay. Hindi sya madungis, medyo lang. “Grabe Mr.AA! Sobrang pangit talaga ng maynila, huli akong nakarating dito eh matagal na. Kamusta na kaya yung dalawa kong kapatid pati na rin sina mama?” Tss, akala ko pa naman namamangha, yun pala manlalait pa. Sa bagay, sobrang dumi na talaga ng maynila. Ang dating ilog pasig na pwede mo pang pangisdaan eh basura na lang ang makikita. Sobrang itim na din ng tubig at pagsalansa ng amoy. Punong puno na rin ng squatter area ang kamaynilaan kaya nakakahiya talaga pag may turistang nakakakita nyan. Itim na usok rin ang nangingibabaw kapag tumingala ka. Maingay na busina ng jeep ang maririnig mo na para bang balak sirain ang eardrums mo. “Para!” Bumaba ako ng jeep at kasunod ko si Serenity. Nasa likod ko lang sya at hindi na rin ako kinakausap. Mabuti naman kung ganon. Walang abala, walang istorbo. Dapat na alam nya kung saan nya ilulugar ang sarili nya. Pumasok ako ng gate at nag swipe ako ng ID para makapasok. High tech na talaga ang mundo ngayon, pagkagraduate ko ng IT ay sisiguraduhin kong makakagawa ako ng magandang system o program na magagamit ng mundo. “Grabe naman dito sa school nyo. Ang daming students!” “Magtaka ka kung wala ditong estudyante. Tanga!” Napatingin naman sakin ang nasa gilid kong babae, akala siguro ay kinakausap ko sya. Nagkibit balikat na lang ako at sinabihan sya ng wala yun. Napatawa naman yung babae at sinabihan akong “Kalalabas mo lang ba ng mental?”. Kasalanan toh ng multong toh eh. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magmumukhang tanga dito. Tsk. Bwisit. “Bro! Dito!” Napatingin ako sa bandang kanan at dun ko nakita ang dalawa ko pang kabarkada. Si John Ascuncion at Casper Lombre. Sila yung madalas kong kasama dito sa campus mula 1st year college kami. At hanggang ngayong 4th year, kami pa din ang magkakasama. Kapatid na din ang turing namin sa isa’t isa. “Oh? Ba’t andito pa kayo? Absent agad kayo?” “Tss. KJ mo naman Austin. Paminsan minsan lang tayo di aattend ng klase eh, hindi mo pa pagbigyan ‘tong request ko.” Ani John. Yan si John, bad influence pero nakakasundo naman namin, sa awa ng Diyos. May dalawa pa syang kapatid na si Jean at Jake at Ascuncion. Ito sa’min ang madalas mag pranks at gumawa ng kalokohan. Bida sya palagi sa Dean’s Office. Daig pa nga nya ang principal dahil mas madami pa syang beses na nakakapasok sa loob. “John, kung pwede wag mo kaming idadamay dyan sa kalokohan mo. Gago ka eh!” sabat ni Casper. Matalino ‘tong si Casper, laging kontra sa ginagawang kalokohan ni John. Hindi ko nga alam kung paano kami nagkakasundo-sundo. Running for c*m Laude din sya sa batch namin. “Tsk, saan ang room natin?” tanong ko. “Sa software laboratory. Tara!” sagot ni Casper. “Tsk, bahala na nga kayong dalawa, basta ako tatambay muna dito. Intayin ko na lang kayo dito pag labasan na. May gagawin pa ko eh!” Alam na namin yung gagawin na yun. Panibagong kalokohan. Hindi na kami magugulat kung nasa dean na naman yan mamaya. Naglakad na kami ni Casper papuntang SL dahil malapit ng mag-time. “Oy Austin! Asan nga pala si Lily? Ba’t di kayo sabay?” Sa aming tatlo ay sya lang ang nagkakainteres kay Lily. Wala naman sa’king problema, ipinapaubaya ko na sya sa kanya. Kung pwede nga ay dalhin nya na lang sa bahay nila yung si Lily. “Di ko alam, iniwan ko na. Wa’g mo nga ako tanungin tungkol dun.” “Nagtatanong lang! Eh di ba, magkasama kayo sa condo?” “Iniwan ko nga sya dun! Pagod yun dahil sa ginawa namin kahapon” Napahinto sya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Para syang tanga dahil nanlilisik ang mata nya sa’kin. Ano naman kayang problema nito? Tss. “Akala ko ba hindi ka magte-take advantage?” galit na tanong sakin ni Casper. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong nya sa’kin. Ano bang sinasabi ng isang ‘to? “Bakit? Kelan ba ko nag take advantage?” “Kahapon, anong sinasabi mong pagod yun sa ginawa nyo kahapon? Anong ginawa mo sa kanya?” Loko! Ano bang tumatakbo sa isip nito? Iniisip nya bang ikinama ko ang babaeng yun? Tangna! Di ko ma-imagine na si Lily ang kasama ko habang ginagawa yun. “Tss, wala ka na dun.” “Tangina mo Austin! Gago ka pala eh!” Akma nya kong susuntukin pero napigilan ko naman agad yun gamit ang isa kong kamay. Masyado kong malakas para sa kanya. “Umayos ka nga dyan, Casper! Ikaw ang gugulpihin ko dyan eh. Wala akong balak tikman yung putaheng gusto mo. Kung gusto mo, lamunin mo ng buo. Pumunta lang kami ng Batangas kahapon.” Paglilinaw ko. “Tss, yan! Linawin mo kasi ang mga sinasabi mo.” Hindi naman malabo ang pagkakasabi ko, green minded ka lang talaga. Hindi porke’t pagod ay nanggaling sa kama. “Malinaw ang pagkakasabi ko, malabo lang talaga yang utak mo. Akala ko ba ay matalino ka?” “Matalino talaga ko, kaya nga running for c*m Laude.” “Ikaw na ang magaling. Napahinto ako sa paglalakad ng naalala ko ang multong kasunod ko. Tumingin ako sa likod pero wala sya. Asan na yun? Nawala na ba sya? Siguro ay nagsawa na sa kasusunod sa’kin. “Huy! May hinahanap ka ba?” “Wala, wala.” Tsk. Bahala na nga sya sa buhay nya. Ang tanga tanga! Pero maganda na din ‘to, masyadong malaki tong school na ‘to at pwede syang maligaw. Sa ganong paraan, dito na sya titira habang buhay. Hindi nya na ko magugulo pa. [Serenity’s POV] Hindi ko akalaing may kaibigan pala si Mr. AA sa school nila. Akala ko kasi nung una, si Lily lang eh.  Pero nagkamali pa pala ko, may kaibigan pala syang parehong gwapo. Itong si John na kasama ko ngayon at si Casper na kasama naman ngayon ni Mr. AA. Sinong kasama ko? Sino pa ba sa kanilang tatlo ang mahilig mang trip? Di ba si John? So sa kanya ko kasama ngayon. Hoho! Kung nabubuhay lang ako ngayon eh magkakasundo kami nito. He wants kalokohan, and I want it too. “Peste naman! Ako lang mag isa ang mag eenjoy kakatawa dito.” Sus! Sasamahan kita bro, kung gusto mo ay tutulungan pa kita at mas palalalain ko pa yang pranks mo. Pumunta sya sa likod ng isang building at kumuha ng kahoy. Ginamit nya ito bilang pambukal sa lupa at kumuha sya ng bote para dun ilagay ang lahat ng bulateng nakukuha nya. Seryoso? College ba sya o Highschool? Hanep din ang trip ang trip ng isang ‘to. Hmp! Sa ngayon ay kalahati na ang napupuno nya. Basa basa kasi ang lupa dahil katatapos lang ng ulan nung isang araw. Ano kayang gagawin nito sa mga nakuha nya? Tumayo sya sa pagkakaupo nya at pumunta sa isang classroom. Nandun ang isang babaeng maganda. Sa totoo lang, nakakatomboy sya. Sobrang puti nya, parang pinaglihi sa snow, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi, tapos yung mata nya eh sobrang nakakaakit. Wow! Sana pala naging kamukha ko sya. “Hahaha! Tignan natin kung anong ire-react nitong babaeng toh..” Binuksan nya ang bote ng softdrink at dahan dahang lumapit sa babaeng nag-aaral. Nakatalikod sya sa’min, Hehe. Hindi pa nito pihado alam kung ano ang itsura nitong babae, ako kasi, nakita ko na. Hindi nya naman ako mararamdaman ee. Nang makalapit na si John, ibinuhos nya sa bukas na bag ng babae ang nakuha nyang mga bulati. Nang sinilip ko kung ano ang laman ng bag eh puro notebook at isang damit lang ang laman. Dali daling lumabas si John sa room at kunwaring kumatok. “Ah miss, pahiram naman ng libro sa Philosophy. Meron ka ba?” Humarap kay John ang babae at halata mo sa mukha nito ang gulat. Sa bagay, sino bang hindi magugulat pag nakakita ka ng ganyan kagandang babae? Ngumiti muna ito kay John bago sumagot, “Ok, wait lang ah? Kunin ko lang.” Ipinasok nung babae sa bag nya ang kanang kamay nya. Medyo napangiwi sya nung may nahawakan sya, malamang na yun ang uod.  Hindi pa nya kasi alam na uod yun dahil hindi naman sya tumitingin sa loob ng bag nya. Kumapa pa uli sya ng isang beses tsaka nya tinignan ito. Itinaas muna nya ang pagkataba taba at pagkahaba habang bulati tsaka sumigaw. “Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!” Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa sigaw nung babae. Nakakabasag ng eardrums. “Hahahaha! Bwahahahahahaha!” Hindi ako yang utas kung makatawa na yan. Si John yan. Paiyak na nga sya sa katatawa eh. Kulang na lang eh lumuhod. Lumapit ang babae kay John at sinabutan nya ito sa likod ng buhok tsaka iniharap sa kanya. “Ikaw ang naglagay nito sa loob ng bag ko noh?” galit na tanong ‘nung babae. Lagot ka, John! “Ano naman ngayon?” tumatawang sagot ni John. “Ah, eh ano naman? Oh eto, kainin mo” Napasara ng labi si John dahil biglang nginudngod nung babae sa bibig nya ang mga bulating hawak nya. Ako naman ngayon yung mauutas ng katatawa. Naiiyak na kasi si John sa ginagawa sa kanya. “Oh ano ka? Bwisit ka, dinumihan mo yung loob ng bag ko, kainin mo yan. Nguyain mo.” Durog na durog na ang mga bulati at maduming madumi na ang bibig ni John. Grabe, nakakadiri ‘to! Wala pa naman atang nakakapasok na bulate sa bibig ni John dahil pinipigilan nyang mabuksan ang bibig nya. “Uulit ka pa?” “H-hindi na po, please ayoko na po.” Sakto namang pagsabi nya nun ay dumating na sina Mr. AA. Gulat silang dalawa ni Casper sa nakikita nila. Bestfriend naman nila ngayon ang nabigyan ng isang prank. “Buti nga sa’yo. Maghanap ka ng ibang tao na makakasakay dyan sa trip mo.” Umalis yung babae at mukhang patungo sa CR. “Hahaha, Oh anong nangyari sa’yo John? Masarap ba?” nakangising tanong ni Casper. “Tangna ka Casper! Kumuha ka ng tubig.” “Hahaha! Sagutin mo muna ang tanong ko, masarap ba?” Magkaibigan ba talaga ang dalawang ‘to? “ISA!” Pagbibilang ni John, mukhang pikon na eh. “Kukuha na nga! Ano ka ngayon? Huh? Nahanap mo na ang katapat mo.” “Samahan mo na lang ako sa CR, lilinisin ko ‘tong mukha ko. Lintik na babaeng yun, labi nya ang sunod kong ingungudngod sa bibig ko.” Eew. Baka naman mamatay yung babaeng yun dahil sa balak nitong si John. “Oo na, tara. Austin, balikan ka namin dyan. Samahan ko lang ‘tong pinahiya ng isang babae. Kawawa eh, paiyak na.” Binatukan ni John si Casper pero hindi pa din ito tumitigil sa pangangantyaw. “Sige.” Sagot ni Austin. Lumapit ako kay Mr. AA tsaka pinisil ang cheeks nya. “Ngumiti ka naman Mr. AA, ang ganda ganda nung nangyari sa kaibigan mo tapos poker face ka lang. Hindi masamang i-enjoy ang buhay. Hangga’t mortal ka pa, gawin mo na yung mga bagay na makakapag-pasaya sa’yo.” Kung nabigyan nga lang ako ng pagkakataon, ginawa ko na lahat ng bagay na makakapagpasaya sa’kin. Kaso bwisit na Kamatayan, hindi man lang nag-bigay ng Warning. “Pwede ba, lumayo ka na sa’kin at wag ka ng babalik sa bahay. Tigilan mo na ang kasusunod sa’kin.” “Bakit ba ang sama mo?” Nakagat ko ang labi ko dahil sa lumabas sa bibig ko. Alam kong mali yun, pero wala kasi syang konsiderasyon kahit alam nyang kailangan ko sya. Simple lang naman ang hiling ko sa kanya, hindi pa nya ko mapagbigyan. “Umalis ka na lang kasi sa bahay kung ayaw mo ng taong masama!” “Joke lang Mr.AA! Gustong gusto ko yung mga taong masasama, nakakaturn-on.” Ano ba ‘tong sinasabi ko? Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig ko. “Aalis ka dun o hindi?” “Hindi nga ako aalis dun hangga’t kailangan pa kita. Ang kulit mo, Mr.AA!” “Umalis ka na dun. Ikaw ang makulit.” Ako pa ngayon ang makulit? Eh ikaw ‘tong hindi makaintindi na hindi ako aalis dun hangga’t hindi mo ko tinutulungan. Lord please... bigyan mo naman ng kahit konting liwanag ang utak ng isang ‘to. “Oh sige. Ganito na lang Mr. AA, magkaroon tayo ng deal.” Well, dahil mukhang wala talaga syang plano na tulungan ko, kailangan ko sigurong pumusta. Pero dapat, dun sa sigurong mananalo ako. “Ayoko. Ang gusto ko eh umalis ka na sa bahay. Wag ka ng babalik dun.” Ang tigas talaga ng ulo ng isang ‘to. Kung makaasta parang sa kanya ang condo na yun. Eh kay Lily naman, jusme. “Magkaron na nga lang tayo ng deal.” “Tss, edi pag natalo ako ay oras oras na kitang makikita? Hah! Parang sinira ko na din ang buhay ko.” Ano? Takot pala ang isang ‘to  sa isang multo eh. “Duwag ka! Bakla!” pang-aasar ko sa kanya. Kumunot ang noo nya sa’kin at nanlilisik ang mga matang tumitingin sa’kin. “Ano?” “Duwag ka! Hindi mo matanggap ang hamon ng isang babae sa’yo..” Ang totoong lalaki, hindi umaatras sa kahit anong hamon ng babae para sa kanila. Kahit alam pa nilang 1% lang ang pag-asa, susugal pa rin sila. Malay natin di ba, baka yung 1% na yun ang ipanalo nila. “Duwag? Sige, deal! Sabihin mo sa’kin kung anong pustahan at sigurado namang ako ang mananalo sa ‘ting dalawa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD