Chapter 4
[Austin’s POV]
“Aalis ka ba, o hindi?”
Nakita ko namang napasimangot sya sa sinabi ko. Sino ba sya para sumama hanggang dito? Tss. Hindi nya sya tao para manirahan sa condo, matagal na syang patay kaya hindi sya nababagay dito. Kung makapagsalita naman ako, akala mo akin ‘to.
“Sino ka ba para paalisin ako dito?”
Tumayo sya mula sa pagkakahiga nya at umupo sa sofa ng kwarto ko. Mas malala pa pala sya saking umasta. Daig pa nya ang lalaki dahil sa tigas ng mukha nya.
“Hindi mo ba alam na akin ‘tong pamamahay na toh?”
“Mr.AA, alam kong hindi sa’yo ‘to. Kay Lily ang unit ‘to kaya pwede bang wag kang umasta dyan na parang sa’yo ‘to?”
“Siguro narinig mo kahapon sa bus na naninirahan lang ako dito. Wa’g kang mag-alala kasi kitang kita din ng mata ko kung pano mo ko pagnasahan kahapon.”
Kita ko naman ang biglaan nyang pamumula at waring hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. May mga multo pa palang nahihiya?
“A-anong pinagsasasabi mo dyan? A-anong p-pinagnanasahan ka?”
“Hindi mo ko magagawang tanga, pwede ba! Tsaka anong Mr.AA? Galing mo ring mag-imbento ng palayaw.”
Kungyari akong nag-isip kahit alam ko naman ang ibig sabihin nun. Adams apple. Tss, sinong babae naman ang hahanga sa isang lalaki ng dahil lang sa adams apple?
“H-hoy! Humahanga lang ako sa adams apple mo! W-wag ka nga dyang feelingero!”
Ang galing ring mag-deny e. Patay na nga, galing pang mag-deny.
“Humahanga ka lang sa adams apple ko? Talaga? Kaya pala binalak mong halikan ako ng dalawang beses?”
“H-HOY! Kung ano ano ang sinasabi mo, sinungaling kang mokong ka!”
“Alam kong alam mo na hindi ako nagsisinungaling, wa’g ka ng tumanggi pa.”
Uneasy na sya. Hindi nya alam ang gagawin nya. Para syang natatae na ewan. Akala siguro nito di ko nakikita ang mga ginagawa nyang kalokohan. Ganyan ang napapala ng mga babaeng walang kahihiyan sa katawan.
“H-hindi ko sabi ginawa yun eh. Kayo talagang mga tao! Porke’t nabubuhay pa kayo akala nyo palagi na kayong tama!”
Ano namang connect nung sinasabi nya? Huling huli na nga, ang dami pang palusot na sinasabi. Tsk tsk.
“Takpan mo na nga lang yang bibig mo at huwag ka ng magsalita pa. Alam kong malakas ang s*x appeal ko sa’yo pero hindi kita papatulan.”
“Ang kapal mo talaga!”
Kinuha ko ang tuwalya ko tsaka pumasok sa banyo at ini-lock ito. Wala naman akong mapapala kung makikipagtalo ako sa multong ‘to. Baka malate pa ko sa school dahil sa kanya.
Ayaw patalo. Kahit bistado na, tumatanggi pa. Mga babae nga naman, basta gwapo ay gusto na agad. Sabagay ay ganun din naman sa’ming mga lalaki, pag sexy at may dibdib ay maganda na.
Hindi naman masama kung aminin nya na gusto nya ko, alam ko namang gwapo ako at hinahangaan ng lahat. Paalala lang, hindi nakakahiya kung magkagusto sa’kin, ang masama, magkagusto sya sa isang pangit na walang utak. Wala syang mapapala dun.
Hinubad ko ang sando kong suot tsaka sinabit sa sampayan.
Huhubadin ko na sana ang boxer short ko ng biglang pumasok ang multong mukhang bakla.
“Anong ginagawa mo dito?” Galit kong tanong pero nakataas lang ang kilay nya sa’kin. Siya pa ang ganang magtaray, huh?
“Masama ba?”
“Lumabas ka nga! Nakakabadtrip ka na ah?”
“Hindi ako lalabas. Gusto kong makita kung ano yung sinasabi mong s*x appeal. Meron ka ba talaga nun?” Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa at ngumisi. “Parang wala naman.”
Ngumiti pa sya sa’kin ng nakakaloko. Mukhang hindi ako tatantanan ng isang ‘to ah.
“Lumabas ka na nga, wala akong balak ipakita yun sa’yo.”
“Sus, konting saplot na nga lang ang tatanggalin mo nahiya ka pa. Tsaka di ba, dapat magpapakitang gilas ka sa’kin dahil malakas yung s*x appeal mo. Ito na ko oh! Nakatayo na sa harap mo!”
“Labas!” sigaw ko sa kanya pero hinawakan nya lang ang dibdib ko gamit ang hintuturo nya at parang gumuguhit ng kung ano hanggang sa makarating ang daliri nyang yun sa abs ko. Iniisip nya bang mase-seduce nya ko?
“Ayoko. Manunuod lang naman ako eh, wala na kong ibang gagawin. Pwede?”
“Wala akong pakialam, ang gusto ko, lumabas ka. Ngayon din.”
“Bakit naman? Maliit siguro yan!”
Tsaka sya lumabas ng padabog.
Maliit? I don’t think so. Baka matakot sya pag nakita nya ‘to.
Nang makasiguro na ko na hindi na papasok yung multo dito sa banyo eh naligo na ko. Shower. Sabon. Shower. Sabon. Shower. Shampoo. Banlaw.
Nagtapis ako ng twalya tsaka lumabas ng banyo.
[Serenity’s POV]
Pumasok ako ng banyo kahit alam kong maliligo na sya.
It’s payback time. Ako naman ang mang-aasar sa kanya ngayon matapos nya kong ipahiya kanina. Huh! Ako? Papayag na matalo? Asa!
Patay talaga sa’kin ‘to.
Tumagos lang ako sa pinto at nakita ko syang naghuhubad na ng boxer short nya pero napatigil sya ng makita nya ko.
“Anong ginagawa mo dito?”
Hahaha! Nakakatawa sya. As in, sobrang laki ng dalawang mata nya sa gulat. Gusto ko na ngang humagalpak ng kakatawa eh. Pero dahil Best Actress ako ng highschool ay napanatili ko ang seryoso kong mukha.
“Masama ba?”
Well, hindi naman masamang manuod ng lalaking naliligo di ba? Normal lang naman yun sa isang 19 year old na babaeng kagaya ko.
“Lumabas ka nga, nakakabadtrip ka na ah?”
Ano daw? Lumabas? Pinaghirapan kong mapanuod sya tapos palalabasin pa nya ako? Ulol ka Mr.AA! Maasar pa nga. Pikon eh, ang bilis uminit ng ulo.
“Nope. Gusto kong makita kung ano yung sinasabi mong s*x appeal”
Nginitian ko sya ng nakakaloko. Akala nya hah, may abilities ako na hindi nya kayang gawin.
“Hindi ako lalabas. Gusto kong makita kung ano yung sinasabi mong s*x appeal. Meron ka ba talaga nun?” Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa at ngumisi. “Parang wala naman.”
“Lumabas ka na nga, wala akong balak ipakita yun sa’yo”
Wow ah? Wala naman talaga kong balak tignan yun noh! Hah! Virgin pa ang eyes ko sa mga ganyang bagay. Pero, sorry, trip kong mang-asar ngayon. Ang lalaking pikon, mas masarap asarin.
“Sus, konting saplot na nga lang ang tatanggalin mo nahiya ka pa. Tsaka di ba, dapat magpapakitang gilas ka sa’kin dahil malakas yung s*x appeal mo. Ito na ko oh! Nakatayo na sa harap mo!”
“Labas!” sigaw nya sa’kin pero nagmatigas ako. Pag-aralan mo ng makisama sa’kin Mr.AA, dahil simula ngayon ay magigng partners in crime na tayo.
“Ayoko. Manunuod lang naman ako eh, wala na kong ibang gagawin. Pwede?”
“Wala akong pakialam, ang gusto ko, lumabas ka. Ngayon din.”
“Bakit naman? Maliit siguro yan!”
Sabi ko sa kanya habang palabas ng banyo. Kita ko namang namula sya dahil sa inis. That’s it, I’m great. Mas magaling akong manuya kesa sa kanya kaya wa’g syang susungit-sungit.
Paglabas ko ng banyo ay umupo sa sala.
Pasukan nga pala nila ngayon. Sobrang aga naman nyang pumasok, o baka naman ayaw nya lang talagang makasabay si Lily na hindi na virgin dahil nadilaan na ng lahat. Eew. Kasi naman eh, ganyan talaga ang mga tingin ko sa babaeng basta na lang ibinibigay ang sarili sa isang lalaki.
Hindi naman ako harsh sa kanya, kababae kasing tao eh pilit na dinidikit ang sarili sa isang lalaking hindi naman sa kanya interesado. Buti na lang at hindi sila pinapagalitan ng parents nila. Para kasing “Live In” na ang set-up nila.
Maya maya pa ay lumabas na ng banyo si Austin. Topless ang loko! Nakatapis lang ng twalya! Oh my! My virgin eyes.
Tumayo ako sa sofang inuupuan ko para makaalis na sa kwarto nya.
“Oh? San ka pupunta? Di ba ito ang gusto mong makita? C’mon, you can look at my body now. I will show you how my s*x appeal looks like.”
“Tse! Sabi ko naman sayo, ayokong makakita ng maliit, nakakadiri. Dyan ka na nga!”
As if naman, hindi pa ko handa.
Sa edad kong ‘to, kahit multo ako, hindi pa rin ako open minded sa mga ganyang bagay. Kung tatanungin mo ko kung bakit, hindi ko rin alam.
Pumasok ako sa kwarto ni Lily.
Kailangan ko syang pagdiskitahan. Wala akong magawa eh.
Pagtagos ko sa kwarto nya, nakita ko syang humihilik sa kama nya. Yucks naman! Kababaeng tao ang lakas humilik. Mas malakas pa ang hilik nya sa tatay ko.
Kumuha ako ng tissue at pinasak sa ilong nya.
Bagay lang sa kanya yun para hindi na sya makahinga. Nakakabwisit eh! Aish! Hindi ko din alam pero bwisit na bwisit ako sa kanya. Ang pangit kasi ng ugali nya. Kaasar lang!
Kinuha ko din ang eyeliner nya na nakapatong sa kanyang tukador.
Nilagyan ko ang lips nya para ‘rock n roll’ ang theme ng mukha nya pag gising nya. Hahaha! Pasensyahan na lang tayo, hindi mo mararamdaman na nilalagyan kita nito dahil isa kong multo.
Narinig ko ang pagsara ng front door. Aalis na siguro si Mr.AA, kailangan kong sumama sa kanya! Boring kung dito lang ako sa loob ng condo.
Lumabas agad ako sa mabahong kwarto ni Lily tsaka tumagos sa front door. Nagsa-sapatos pa lang naman pala si Mr.AA. Tumabi ako sa kanya at tinitigan sya.
“Umalis ka na dito.”
“Ayoko..”
“Inuulit ko, umalis ka na dito! Seryoso ko.”
“Bakit ba? Dito ko nga gustong mag stay dahil sa’yo! May kakayahan kang makita ang mga kagaya ko at matutulungan mo ko.”
“Hindi kita tutulungan kaya umalis ka na.”
Tumayo sya senyales na aalis na sya.
“Bahala ka! Sasama ko sa University nyo, hindi kita titigilan hangga’t hindi ka pumapayag.”