Chapter 3
[Serenity’s POV]
Pumasok kami ng isang condo, namangha ako sa sobrang laki. Dito tumutuloy si Mr. AA, so it means dito na din ko titira. Hindi nya naman malalaman e, kahit yung kasama nyang babae’y hindi to malalaman. Ako lang ang nakakaalam. Hihi. Para tuloy akong baliw dito, ang sabi ko kanina sa bus nung malaman kong magkasama sila sa isang condo ay masamang mag-sama ang isang lalaki at isang babae sa iisang bubong pero ang nangyari, andito rin ako kasama sila. At least di ba, hindi na masama kasi may kasama na sila, at ako yun.
Hindi naman porke multo kami eh hindi na namin kailangan ng bahay. Syempre, kailangan pa din namin ng matutuluyan. Yung iba para manakot, yung iba para bantayan yung mahal nila sa buhay, yung iba naman, gusto pang maranasan mabuhay. Kanya kanyang trip lang yan ika nga.
Kalat na kami dito sa mundo.
Kami lang ang nakakakita sa kapwa namin. Except sa may mga totoong 3rd eye. Yung iba naman kasi, nag gagawa gawaan lang ng kwento para kumita ng pera.
[Flashback]
“WAA! WAA! WAA!”
Pinapanuod ko itong espiritistang nasa harapan ko. Ewan ko, para syang tanga. Nanloloko para kumita ng pera. Kanina pa syang ‘WAA! WAA! WAA!’ para daw mapaalis ang mga masamang espiritu dito sa loob ng bahay na tinutuluyan ko.
“Misis, lalaking multo ang naninirahan sa bahay nyo, matanda na sya at ayaw umalis ng bahay nyo.”
Talaga naman! Ako? Matandang lalaking multo? Aba, itong espiritistang patpatin na to ay mapapatay ko ng wala sa oras. Excuse me lang kasi, magandang dalaga pa ako.
“Ganun ba? Ano pong pwede naming gawin? Hindi naman po kami pwedeng lumipat.” Naiiyak na sagot ng may-ari ng bahay na ‘to.
“Naku misis, sa tingin ko ay ang paglipat ng ibang bahay ang solusyon. Pero kung kaya nyo pa namang tiisin ang pagpaparamdam ng espiritu dito sa bahay nyo, pwede pa naman kayo ditong manirahan.”
Nag-abot ng pera ang may-ari ng bahay na ‘to sa esperitista kaya naman ngising ngisi ito bago umalis.
Langyang yun! Pinerahan lang tong ale. Walang modo. Tsk!
Pero hindi pa dun nagtatapos e, makatapos ang isang linggo ay nakahanap muli ng panibagong espiritista ang maybahay dito.
“Parang awa nyo na, paalisin nyo na po sya. Hindi na namin kaya e..”
Nagmamakaawa na yung ale dun sa lalaking mataba na may dala dalang madaming dahon. Aanhin nya naman yun? Siguro ay magtatanim sila o kaya ay iluluto nila ang mga yun? Hmmm.
“Huwag kayong mag-alala misis, gagawin ko lahat ng makakayo ko para mapaalis ang multong naninirahan dito sa bahay nyo.”
Nagtataka siguro kayo kung bakit gusto na kong paalisin ng nagmamay ari ng bahay na toh. Hihihi! Ganito kasi ang ginawa ko.
Nung isang araw, pinatay sindi ko yung ilaw habang naliligo sya. Sumigaw naman sya ng pagkalakas lakas tsaka lumabas ng banyo at dahil medyo shunga sya, nadulas sya. Hahaha! Take note, nakalimutan nyang mag-tapis kaya hubo’t hubad sya.
Ito pa, minsang kumakain yung pamilya nila nung binuksan ko bigla ang gripo. Lahat sila nagulat at hindi alam ang gagawin. Takbuhan pa nga sila sa mga kwarto nila eh.
Pero di pa yun ang kahuli-hulihan. Pumasok ako sa kwarto nung ina nila at hinigit ang kumot pababa. Nakatalukbong kasi sya. Tsk, hinayaan na yung mga anak nya dahil sa takot nya. Nakikipaghigitan naman sya sa’kin at dahil mas malakas ako, ako ang nanalo sa tag of war. Itinakip ko pa sakin ang kumot tsaka ako lumutang. Kaya mas lalo syang natakot.
Kahapon naman, isa isa kong binagsak ang mga pinto ng buong bahay habang nanunuod sila ng The Conjuring. Alam naman nila na may multo dito tapos manunuod pa sila ng nakakatakot. Mga shunga talaga! Nagkatinginan silang lahat at nagsiksikan sa isang sulok. Take note, kasama nila ang security guard na ama nila hah! Hahaha! Isa pa palang duwag.
At ngayon nga, nagdala na naman sya dito ng espiritista para sa wakas ay mapalayas na ko.
“Abra kadabra! Abra kadabra! Sisbumba!” sigaw nya habang umiikot sa buong bahay habang hawak hawak ang dahon at ipinapaspas kung saan saan. Tanga talaga. Sa Harry Potter pa nakuhang kumuha ng magic.
“Ano, mapapaalis nyo po ba sya?” tanong ng maybahay matapos ang ilang minutong paghampas sa hangin gamit ang dahon ng espiritista.
“Opo, misis. Aalis na sya, dito pala sya namatay sa bahay nyo kaya hindi nya ito magawang iwanan. Pero napakiusapan ko po syang huwag ng manggulo sa buhay nyo kaya napilitan syang lisanin ang bahay nyo at ngayon ay sa puno nyo na sya sa likod naninirahan kaya wag nyo yung ipapaputol.”
Ano daw? Ako? Aalis na? At sa puno ako maninirahan? Baliw pala ang isang ‘to e, anong akala nya sa’kin? Kapre? Tss.
Isa lang naman ang hinihintay ko eh. Ang makapagdala ang may ari ng bahay na ‘to ng totoong tao na may 3rd eye. Eh kaso, lahat naman ng dinadala nya dito ay mga manloloko at naghahanap lang ng pagkakakitaan. Gusto ko lang naman kasing humingi ng tulong sa isang taong may 3rd eye para makausap ang mga kapatid ko.
Naiinip na ko dito, lilipat na lang ako.
[End of flashback]
Sabi ko sa inyo eh, merong mga gumagamit samin para kumita ng pera. Taga dito naman ako sa maynila pero hindi ko alam kung bakit nasa probinsya yung kaluluwa ko.
Kaya sinabi sakin ng kaibigan kong si Benjo na pumunta dito sa maynila. Kailangan ko kasi ng taong may 3rd eye para makausap ang mga kapatid ko. Duh. Hindi man lang ako nakapag paalam sa kanila nung mamatay ako.
Nawala ang pagmumuni-muni ko ng pumasok si Mr. AA. Parang lukot ang mukha nya kasi, parang hindi matae na ewan.
Pero bahala sya dyan. Crush ko pa naman sya. Kaso bakla naman pala.
Ang ganda kasi ng adams apple nya. Hahaha! I find it sexy and hot. Amp! Ang manyak ko naman ata dun, pero bumibilis talaga ang t***k ng puso ko pag lumulunok sya eh. Parang gusto kong i-kiss.
Bigla naman syang napatingin sa’kin.
Actually, di ko alam kung sakin nga talaga. Hindi nya naman kasi ako nakikita eh. Feeling lang talaga ko.
Pumasok naman bigla si Lily na malandi. Sus maryosep naman kasi! Obvious na obvious sya eh. Hindi man lang nya masyadong itago na may pagnanasa sya kay Mr.AA. Ang pangit kaya sa babae nung obvious magbigay ng motibo.
Kulang na nga lang pag magkasama sila, idikdik nya ang dibdib nya kay Mr.AA. Kaasar sya!
Pero ayos lang naman, hindi naman kasi tinatablan si Mr. AA. Sinisilip ko kasi yung private part nya kung uumbok pero wala naman. Hahaha! Ang bastos ko tuloy, pero minsan lang naman.
Wala akong gusto sa lalaking ‘to pero tingin ko may mangyayaring maganda kapag sa kanya ko sumama.
Nakakatuwa lang din talaga yung Adams Apple nya. Grabe! Obsessed na ata ako dun. Balang araw, makikiss ko din yun. Hahaha! Pero syempre, joke lang.
“Austin, samahan mo naman ako sa kwarto ko! Hindi ako makatulog e.”
Ano ba yan? Ang laki laki na kaya nya! Sampalin ko ng magtigil ang kalandian nya e. Di na marunong mahiya. Sigurado ko, di na yan virgin.
“Pwede ba Lily, hindi magandang tignan na magkasama tayo sa iisang kwarto. Babae ka at lalaki ako.”
“Pero di naman natin gagawin yun eh, unless kung gusto mo.”
Napa-ismid naman si Mr. AA. Haha! Ang cute nya. Si Lily? Ayun, umalis na. Buti nga sa kanya. Masyado syang makati!
Tumayo na si Mr. AA at dumiretso na sa kwarto nya at dahil matinong babae ako, sa kanya ako tatabing matulog. Aba, kailangan ay sa kama ako mahihiga. Sa ganda kong ‘to ay hindi pwedeng sa sofa o sahig lang.
Humiga sya sa kama nya at ako naman, nilibot muna ang kwarto nya. Wala masyadong gamit. Damit lang at kung ano ano pa. Wala man lang picture ni Lily na magkasama sila. As if namang maglagay tong lalaking ‘to eh isa syang pusong bato. Hahaha!
Hay. Makatulog na nga din. Makapag-pahinga man lang ako.
[Austin’s POV]
*Kriiing-Kriiing-Kriiing*
Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko. Lamp shade lang ang ilaw ko, at alas kwatro pa lang nag alarm na ko para maaga kong makapasok sa school at ng di ko na makasabay sa pagpasok yang si Lily.
Tumagilid ako para patayin ang alarm clock ko pero napadilat ako ng dilat na dilat.
“Waaaaaaaaaaahhhh! MULTOOOOOOOOOOOO!”
Bigla namang nagising ang babaeng nasa tabi ko. Sanay na kong makakita ng multo pero ngayon ko lang naranasan na may tumabi sa’kin sa pagtulog.
“Ano ba? Ang ingay mo!”
Bigla kaming nagkatinginan dalawa. Pareho kaming nagulat. s**t. Tanga mo Austin!
“Teka, nakikita mo ko?”
“Huh? H-hindi ah!” pagde-deny ko.
“Tanga! Huli ka na boy!”
Mas lalo naman akong nagulat ng bumukas bigla ang pinto at iniluwa nito si Lily na naka shorts lang at bra. Tsk.
“Austin, bakit ka sumigaw? May nangyari ba?”
“Wala, sige na. Lumabas ka na.”
Pero sa halip na lumabas sya ay lumapit sya sa’kin at kinapa ang noo ko.
“Jusme! Pinag alala mo ko Austin, akala ko kung napano ka na.” sabi nya sa’kin sabay yakap ng mahigpit sakin. Halata namang chansing dahil pinipisil pisil ang likod ko at ramdam ko ang pagsinghot nya sa dibdib ko.
“Tama na, bumalik ka na sa kwarto mo.”
“Oo na. Sige, tawagin mo lang ako pag natatakot ka hah? Handa akong tabihan ka.”
Tss, abnormal na babae.
Lumabas na sya ng kwarto at bumalik sa pagkakahiga ko, pero ‘tong babaeng multo na si SERENITY ang nakita ko kaya napabangon ulit ako.
“Hmm, nakikita mo nga ako.” Nakangiting sabi nya.
“Ano ba talagang ginagawa mo dito? Kahapon ka pa ah!”
“Wala naman talaga kong kailangan sa’yo kahapon, pero ngayon, meron na.”
“Huh?” Ano bang sinsabi ng babaeng ‘to?
“Kailangan kita.”
Tsk. Alam ko na. Kailangan nya ko dahil sa 3rd eye ko pero ano naman bang ipapagawa nya.
“Pwede ba? Wag ka ng magpaligoy ligoy pa, ang mabuti pa ay lumayas ka na lang dito sa unit ko!”
“Ayoko nga! Kailangan pa kita, para makausap ko ang mga kapatid ko.” Maangas na sagot nya.
“Wala akong time para sa’yo, wala kang mapapala sa’kin kaya umalis ka na. Alam kong kahit hindi bukas ang pinto, makakalabas ka.”
“Tsk. Pakipot ka pa e. Alam kong magkaka-oras ka para sa’kin.”
“Kahit kelan hindi ako magkakaoras sa babaeng kagaya mo.”
“Bakit hindi ka pwedeng magkaoras sa babaeng kagayo ko? Baka naman kasi sa lalaki ka lang may oras? Huh?” panunuya nya sa’kin pero hindi ako nagpatalo.
Nakakapag init sya ng ulo, at ang pinaka ayoko sa lahat ay ang pinagdududahan ang p*********i ko.
“Aalis ka ba, o hindi?”