Chapter 2

2119 Words
Chapter 2 “Lumunok ka ulit katulad nung kanina please...” Napalunok naman ako dahil sa kaba kaya tuwang tuwa sya. Langya naman! “Mr. AA, pagdating natin sa Maynila, sa’yo ko sasama hah?” Bigla akong pinagpawisan ng malamig dahil sa lumabas na salita sa bibig nya. Ano bang sinasabi ng babaeng toh? Sya? Sasama sa’kin? Letse! Balak pa ata nitong guluhin ang buhay ko ah. Tsk. Kailangan kong gumawa ng paraan para layuan ako nito. Hindi ko naman sya pwedeng kausapin at sabihing lumayo sya sa’kin dahil wala naman syang mapapala. At isa pa, kapag kinausap ko sya ay malalaman nya ang tungkol sa 3rd eye ko. Langya Austin! Bakit ka pa ba sumama kay Lily sa Batangas para lang kamustahin ang lolo’t lola nya? Kung sana ay naiwan nya na lang ako sa Maynila ay hindi magkakaganito, gusto nya palagi magkadikit kami. Tss! . Tsaka  Ano bang tumatakbo sa isip ng babaeng toh at sa’kin pa sya sasama? Multo na nga, naghahanap pa ng lalaki. Naga-gwapuhan lang ata to sa’kin eh, virgin pa siguro to hanggang sa namatay. “Hoy Gwapo! Bakit mukha kang suplado? Ganyan ba dapat pag may itsura? Kailangang snob?” Hindi ko alam kung tatawa ba ko o maiinis sa kanya. Gwapo? Oo. Snob? Tsk. Boring lang talaga yung mga kumakausap sa’kin gaya ni Lily. Tsaka hindi ko naman kilala yung mga lumalapit sakin kaya bakit ko papansinin? Wala naman akong mapapala sa kanila. Kahit s*x pa, hindi ko sila kakailanganin. Ako yung tipo ng lalaki na nire-reserved ang una at huli para sa mapapangasawa ko. Tumingin uli sya sa mga upuan, alam kong naghahanap sya kung meron pang bakante. “Ano ba yan! Ngalay na ko, wala man lang gentleman na magpa-upo sakin. Sabagay, wala namang nakakakita sa’kin.” Lumapit sya sa’kin tsaka tinusok tusok yung pisngi ko. Kanina adams apple ko, ngayon naman pisngi. Ano bang problema nito? “Lambot ah! Pwede ko ba syang i-kiss?” Nag tiptoe sya dahil mas matangkad ako sa kanya, pero ang tadhanda na ang nagsabi na hindi nya ko pwedeng halikan. “Para po!” Pumara yung katabi ni Lily kaya naman nakaupo na ko. Nice timing! Sa wakas, masusulit ko ang bayad ko dito. Hindi naman ata tama kung hanggang maynila ay nakatayo ako. “Buti ka pa! Nakaupo na. Kainis naman! Ako na lang ang nakatayo? Spell Out of Place, S-E-R-E-N-I-T-Y” Hmmm, so Serenity pala ang pangalan nya? Nice. Pang mahirap yung pangalan nya, pwe! Dapat lang naman sa kanya ang nakatayo, hindi naman sya nagbayad. “Austin! Anong gusto mong gawin natin bukas? Sa condo na lang kaya tayo, sigurado namang wala pa tayong gagawin sa University e.” “Bahala ka sa gusto mo, tss”  “Bakit ba parang tamad na tamad kang kausapin ang bestfriend mo?” Tsk. Ayoko ng mga ganitong drama ee. Ang sakit sa ulo ng mga babae. Ano bang akala ni Lily sa relasyon naming dalawa? Magsyota. Tss, hindi ko naman talaga sya kakausapin kung hindi ko kailangang makituloy sa condo nya. Tama, ginagamit ko lang sya. Boring nga syang kasama. Alam kong mali, pero kailangan. Kailangan kong magpanggap na lang na “bestfriend” nya para patuluyin nya ko sa kanyang condo. Siya naman ang may gusto nun e. “Wala lang ako sa mood.” Palusot mo Austin, bulok! “Kelan ka ba napunta sa good mood?” Sumandal sya ng padabog at tumingin sa bintana. Napaka childish kasi. Eto na naman ako, aamuin ang babaeng toh dahil ayoko namang palayasin nya ko sa condo nya. Wala na kong mapupuntahan. Kinulbit ko sya sa balikat nya kaya naman tumingin agad sya sa’kin. “ANO?!” sigaw nya at gamit ang galit nyang boses pero alam ko namang peke lang yun. Mas bulok ang style nya, gusto lang nito na lambingin ko sya e. “Sorry na.” Ginamit ko lang naman ang aking innocent-eye-look para mapatawad nya agad ako. Nandidiri ako sa ginagawa kong ito sa kanya. Simula pa lang nung inalok nya ko na tumira sa condo nya, kailangan ko syang lambingin pag nagtatampo sya. Nakatira lang kasi ako dati sa isang squatter at ayoko ng bumalik dun. Hindi bagay ang mabahong amoy na yun sa mabango kong katawan. Hindi bagay sa masikip na eskinita na yun ang makinis kong balat. Hindi bagay sa maduduming daga at ipis ang ganito kagwapong mukha. Sabihin nyo ng maarte ako pero hindi ko kayang tumagal sa pesteng lugar na yun. Akala ko nga ay dun na ko mamamatay. Ang lansa kasi ng amoy ng kanal at ga-kuting ang mga daga. Nagtatayuan nga ang mga balahibo ko pag nakakakita ko ng ganun. 1st year college ako nung niyaya nya kong tumira kasama sya. Kaya para hindi ko na ulit maranasan ang bagay na yun eh kailangan kong paamuin tong babaeng toh. Si Lily yun, pero sa totoo lang, mas bagay sa kanya kung KILI-KILI. Sa halip kasi na kasing bango nya ang pangalan nya, eh minsan, malakas ang putok. Grabe! “Promise mo nga sa’kin na kakausapin mo na ko lagi ng ayos..” Tsk. Please naman Lily, hindi bagay sa’yo ang magpacute. “Oo na!” “Sabi mo yan ah!” Lagi naman ganun actually ang sagot ko sa kanya. Hindi naman nya napapansin na inu-uto ko lang sya. Nakakainis kasing kausap. Hindi pa matured. Dahil nga sa pagka-immature nya kaya ako nakatira sa kanya ngayon. [Flashback] 3 years ago, bakasyon namin. Naghahanap ako ng trabaho sa SM kahit salesman lang. Kailangan ko kasi talaga ng pera, binabayaran ko kaya monthly ang kwarto dun sa squatter na yun. Kaya nga lang, sa kahit anong trabaho, hindi ako natanggap. Masungit daw ako at hindi magaling mag salestalk. Malay ko naman dun, sa itsura ko pa nga lang madami ng bibili ee, di ko na kailangan ng salestalk salestalk na yan. Para lang yun sa mga pangit. Pumunta ko sa isang sosyal na restaurant dahil baka sila ang may alam nang totoong class at kung sino dapat i-hire. Nagulat na lang ako ng biglang may naramdaman akong malamig na juice sa tshirt ko. Manipis pa naman yun kaya medyo bumakat yung katawan ko. Nakarinig naman ako ng hagikhikan mula sa isang table. Putsa! Tawa pa lang nila, alam ko ng plano nila to eh. “Sorry Kuya,  lalabhan ko na lang yang damit mo.” “Buti naman alam mo kung anong dapat mong gawin. Tss, pero wa’g na. Hindi ko kailangan ng tulong mo.” “Err. Sorry talaga! Tara na lang sa condo ko, lalabhan ko na yang damit mo. Bawal kang humindi, kasalanan ko kung bakit ka natapunan e.” Tsaka nya ko nginitian. Yung ngiting nakakakilabot. Pumunta kami sa condo nya. Mayaman naman pala tong babaeng toh. Pinahubad nya sa’kin ang tshirt ko kaya hinubad ko naman. Napanganga pa nga sya sa katawan ko. Tsk, dapat ay expected nya na ‘to. Alam ko namang ito ang gusto nyang makita kaya nya ko binasa. Pumunta sya sa laundry room nya tsaka naglaba. Kumain naman muna ko sa kusina nya. May kasalanan sya sakin kaya pwede na yun bilang kabayaran. Gutom na rin ako dahil ilang oras na akong hindi kumakain. Nagulat na lang ako ng biglang tumakbo sya papalapit sa’kin hawak hawak ang punit punit kong damit. “Sorry, di ko sinasadyang masira toh. Sorry talaga” “Anong magagawa ng sorry mo? Hindi mo ba alam na regalo pa yan sakin ng nanay ko? Yan na nga lang ang alaala nya sakin ee. Bwisit!” Badtrip! Hindi naman pala marunong maglaba pero nag-alok pang lalabhan daw nya. Tanga talaga! “Sorry talaga. Kung gusto mo, ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo, maliban dun sa, err.. sa virgin—“ “Wala akong balak humingi ng s*x sa’yo. Patirahin mo na lang ako dito sa condo mo?” Ngumisi ako pagkatapos kong sabihin yun. Mukhang makakaalis na ko ngayon sa squatter. Bumalik ang tingin ko kay Lily na abot tenga ang ngisi. “Sure! Yun lang ba? Lily nga pala.” Syempre naman nagsasaya sya, Mission Accomplised e. Makakasama nya ko sa isang bahay. Araw araw nya ng makikita ang mukha at katawan ko. Sino bang hindi matutuwa di ba? [End of Flashback] Ganun nga ang nangyari, di nagtagal ang panahon at tinuring ko na nga sya bilang kapatid. Hahaha! Ang manggagamit ko, pero ginusto nya to. “Nakakainis talaga ang mga babaeng ganito! Napaka isip-bata at hindi marunong mag-isip, tsaka anong klaseng babae sya? Lalaki ang kasama sa condo? Yuck!” Napatingin naman ako kay Serenity. Andito pa pala toh at parang diring diri sa nalaman nya na magkasama kami ni Lily sa isang condo. Tsk. Bakit pa kasi binanggit ni Lily na mag s-stay kami sa condo nya bukas o papasok kami? Napag iisipan pa tuloy ako ng masama ng multong toh. Kung alam nya lang kung bakit. Tsaka teka, bakit andito pa rin itong babaeng toh sa gilid ko? Anong akala nya sa’kin? Mapa ng maynila? Tss. “HOY LALAKI! Kung ako sa’yo lalayas na ko sa tinitirahan nyan! Sasama ang image mo sa lahat ng tao. Duh! Kahit naman sabihin mo na wala kang gagawin sa kanya, hindi ganun kadaling maniniwala ang mga tao ngayon. Babae sya at lalaki ka, teka,” humawak naman sya sa baba nya t tinignan ako ng masama Llalaki ka ba talaga? O silahis? O bakla? O bading? Pag ganun naman, edi okay lang pala. Sayang, gwapo sana pero kasama pala sa federation.” Tangna! Konti na lang at talagang mapipikon na ko sa sinasabi ng babaeng toh! Ako? Bakla? Huh! Baka kung nabubuhay pa sya ngayon, ibibigay ko sa kanya ang hinahanap nya. Bumigat naman bigla ang balikat ko, tulog na pala tong si Lily. Langya talaga! Bakit hindi pa sya sa bintana umulo? Sakin pa, mangangalay ako nito. “Tsk tsk! Grabe tong babaeng toh, talagang dito pa sa m******s na to umulo, baka mamaya nyan, r**e-in sya nito ee. Delikadong delikado sya ngayon, kawawa naman.” Ako? m******s? Eh ako pa nga ang minamanyak ng mga babae’t bakla ee. Wala namang saysay kung makikipagtalo pa ko dito ee, tutulog na lang ako. **  “OH! Terminal na po tayo ng Starmall! Starmall na po tayo!” Hindi ko ininda ang sigaw nung mabahong kundoktor na naamoy ko kanina ang putok. Inaantok pa ko.  “Austin! Gising na, andito na tayo.” Yugyog sa’kin ng katabi ko. “5 minutes.” “Tsk! Wala tayo sa condo. Tara na!” Nagmulat ako ng mata tsaka tumingin kay Lily, nagbababaan na pala ang mga pasahero. Hinanap ko sya, pero wala akong nakita. “Asan sya?” “Huh? S-sinong sya? May kakilala ka ba na nakasakay din dito sa bus na toh?” “Hindi, si Seren--. Nevermind. Panaginip lang siguro.” Asan na yung babaeng yun? Napatingin ako sa likod dahil nakarinig ako ng isang malakas na hilik. Pambabae. Sya nga. Gigisingin ko ba? Wag na. Hindi naman yan maaano dito sa Maynila dahil walang nakakakita sa kanya. Lalakad na sana ko palabas ng may tumawag sa’kin. “HOY MR. AA! Hintayin mo naman ako, nasabi ko nang sa’yo ko sasama di ba?” Napapikit ako sa narinig ko. Bwisit! Akala ko makakaalis na ko sa presensya nito kaso mukhang matagal pa yun bago mangyari. Hindi ko sya pinansin at patuloy na bumaba ng bus. Kailangan naming bilisan ni Lily. “AUSTIN! Ayos ka lang ba? Namumutla ka eh.” tanong ni Lily “Ayos lang ako, kailangan ko na talagang magpahinga” “Oh sige, tara na!” Pumara si Lily ng taxi, pinauna ko syang sumakay at sumunod ako, dali dali kong sinarado ang pinto. Nang nakita kong malapit na sa’min si Serenity, nilingon ko ang driver. “Bilisan nyo manong, alis na tayo!” Nakahinga ako ng maluwag ng umandar na ang taxi. Sa wakas! “Wait manong driver... naiwanan ko po dun yung maleta ko. Atras nyo po ng konti” Napa-face palm ako. Saksakan naman ng katangahan tong si Lily. Badtrip! Lumabas sya ng taxi at kinuha yung maleta nya. Batangas lang ang pinuntahan pa namin pero kung makapagdala ng damit, daig pa ang nag out-of-town. Maya maya pa ay nakasakay na din si Serenity. Sa unahan sya umupo. Tinignan nya ko sa side mirror at parang nagsasabi ng success. Hindi naman ako nagpahalata na nakikita ko sya. “Whoo! Akala ko hindi na ko makakaabot eh, buti’t naiwan nitong haliparot na to ang maleta nya. Shunga talaga! Hahaha!” Tumingin sya sa’kin ng nakangiti. Buti na lang at di nito nalalaman na nakikita ko sya. “MR.AA short for Adams Apple! Pano ba yan? Makakasama mo ko sa iisang bahay”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD