Chapter 1

1394 Words
Chapter 1 [Austin’s POV] Tss. Wala na talagang magawang matino ang mga multo na to. Pati mga walang kamalay malay na tao pinagdidiskitahan. Palibhasa hindi sila nakikita ng karamihan eh. Pero ako? Bawat galaw nila, kitang-kita ko. Tsaka bakit ba nandito pa sila sa mundo namin? Bakit hindi pa sila umalis? Palagi ko na lang itong itinatanong sa sarili ko kahit alam ko ang sagot. Syempre, may mensahe pa silang gustong iparating sa mga mahal nila sa buhay, may misyon pa silang hindi natatapos o kaya naman ay masyado silang makasalanan at kahit langit ay hindi sila magawang tanggapin. Kung ayaw nilang tanggapin sila sa langit, mas mabuti pang tanggapin na lang nila ang katotohanang hindi na sila para dito sa mundo ng mga tao at dumiretso na lang sila sa ibaba. Yung isang bata, walang kamalay malay na nakikipaglaro sa multo. Tawa pa ng tawa, akala tuloy ng iba nababaliw na sya. May 3rd eye din siguro ‘tong batang toh. Tsk tsk. Kawawa naman, magiging katulad ko pa syang miserable ang buhay. Naalala ko tuloy ang pangyayaring yun nuong 6 years old pa lang. [Flashback] “Hahaha! BALIW! BALIW! Nagsasalitang mag-isa.” sigaw ng babaeng kaharap ko dito sa playground. Ano bang problema nila? Naglalaro lang naman kami dito ni Keana. Hindi nga naman sila kinakausap man lang o pinapakialaman. “BALIW! Hahaha!” Napatingin ako kay Keana. Tumatawa lang sya. Bakit naman parang tuwang tuwa pa sya sa ginagawa sa’ming pang-aasar? Napagkakaisahan yata ako. Tumayo ako mula sa buhanginan at lumapit kay Keana. Inabot ko sa kanya ang kamay ko para makatayo na din sya. Mas lalong nagtawanan ang mga batang nasa harapan ko. “Sinong kinakausap mo dyan?” “Si Keana, yung kaibigan ko. Mag Hi naman kayo sa kanya!” sabi ko. Sana Nagtinginan sila na parang natatakot na at bigla na lang namutla. Tumakbo sila paalis at iniwan ako. Ano bang problema ng mga yun? Muli kong tiningnan si Keana. Nandun pa din sya, nakangiti sa’kin na parang nananakot. Isa lang ang narealize ko. Hindi sya isang normal na bata na kagaya ko. Kabilang sya sa mga taong tanging kaming mga may 3rd eye lang ang nakakakita. [End of flashback] “Hoy! Austin! Hoy! Tulala ka na naman.” Bumalik ako sa pag-iisip at tumingin muli sa paligid. Masarap pala dito sa Batangas. Hindi gaanung masakit sa ulo ang mga multo. Isa kong napakagaling na pretender. Nagpapanggap ako na hindi ko sila nakikita para hindi nila ko lapitan dahil ayoko silang tulungan. Meron kasi sa kanilang magpapahanap ng bangkay nila, hanapin daw yung pamilya nila at kung ano ano pa na siguradong makakaabala sa buhay ko. Alam kong makakatulong ako pero hindi naman kasi yun basta-basta. Saan ako kukuha ng pera, di ba? Pamasahe pa ng lang, wala na agad. Hindi na nga ako masyadong makapagsaya dahil sa mga multong to eh. “Ayos ka lang ba?” “Hah? Ah oo, ayos lang ako” Austin Culla. Yun ang buong pangalan ko. Wala na kong mga magulang kaya naninirahan ako sa condo ng bestfriend ko. Si Lily. Well, bestfriend nga ba ang turing ko sa kanya? Babae sya pero hindi ako nagte-take advantage, parang kapatid na din ang turing ko sa kanya. Hindi ko sya pinagnanasahan o ano pa man. Magkahiwalay kami ng kama kaya wala talagang mangyayari sa’min kahit pareho kaming single. Alam nya din na nakakakita ako ng mga multo. Nung una, tinawanan nya lang ako pero naniwala din naman sya. Nagulat ako ng may biglang tumakbong babae sa harapan ko. Mabilis sya. Sa ilang taon kong pagkakaroon ng 3rd eye, alam kong isa syang multo. Mukha syang may hinahabol pero huminto. Tumingin sya sa likod at tiningnan ako sa mata. Sh.t! Nakalimutan ko! Hindi ko pala dapat sila tinitignan. Mas lumapit pa sya sa’kin at nakipag eye to eye. Nagpanggap akong wala akong nararamdaman na kahit na ano. Napalunok na lang ako dahil sa kaba. Hindi nya pwedeng malaman na may kakayahan akong makita sya. “Wow! Ang cute naman ng adams apple mo! Lunok ka nga ulit, isa pa...” Naghihintay naman sya na lumunok ulit ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi sumunod sa’kin ang katawan ko, napalunok ulit ako. “Wow! Ang sexy sexy naman nun. parang gusto kong halikan!” Anak ng! Bigla akong kinabahan dahil nag tip toe sya para maabot ako. “AUSTIN! TARA NA!” Whoo! Saved by Lily. Akala ko mabubuking na ko. Ano bang klaseng multo yun? Ngayon lang ako naka-engkwentro ng kagaya nya. “Bye Mr. AA. Hihi, magkita sana tayo ulit,”kumaway pa sya para ipaalam na nagba-babye sya. “OW! Yung hinahabol ko! Patay! Baka nakaalis na yun.” Tumingin ako sa likod pero wala na sya dun. Ano bang klaseng lugar tong napuntahan ko? Buti na lang at aalis na kami ngayon sa lugar na ito. Sumakay kami ni Lily ng jeep. Nag-abot sya ng bente at sinabing grand terminal lang yun. Hindi naman kami sinuklian. Hayup na driver! Otso lang dapat yun ah! Pero sige na, pera naman yun ni Lily. “Austin, Okay ba tong bag na nabili ko?” “Oo.” Ganito talaga ko. May pagka suplado, lalo na sa mga taong di ko kilala at hindi ko gusto ang ugali. “Yieee! Sa wakas! 4th year college na rin tayo at gagraduate na!!! Ang galing galing” Yun ang isa sa mga kinatutuwa ko. 4th year college na kami at sa wakas ay makakahanap na ko ng matinong trabaho. Aalis na ko sa condo nitong si Lily. Ayoko namang panghabang buhay na lang akong nakadikit sa kanya. “Austin! Austin! Turuan mo ko sa mga major subjects natin ahh? Pag di ko nage-gets..” “Okay.” Para namang wala kang natutunan kada year e. Parang sinusuot mo lang yung mga bagong bili mong bag at damit at wala ka talagang balak mag-aral. “Haaay! Umimik ka naman dyan, puro ka lang naman oo at ok eh. Kainis toh! Ang hirap kayang mag-isip ng topic pag ikaw ang kausap” “Wag kang maingay, may katabi kang multo.” seryoso kong sagot sa kanya. Bigla naman syang namutla at tumahimik. Hindi naman yun totoo, masyado sya kasing madaldal. Masakit sa tenga. Para naman kasing highschool yung topic nya. Nonsense. Pagdating namin ng terminal, sumakay agad kami ng bus papuntang Manila. Isa na lang ang vacant seat kaya si Lily na lang ang pinaupo ko. Ang bakla ko namang tignan kung ako pa yung umupo at si Lily pa yung pinatayo ko. “OH! Aalis na ang bus! Aalis na ang bus!” sigaw ng konduktor sa labas. Laking gulat ko ng may babaeng tumagos sa pinto ng bus. Yung babae kanina sa bayan ng Batangas. Anong ginagawa nito dito? Teka... nasundan nya ba ko? “Hay salamat! Akala ko hindi ko na maabutan yung hinahabol ko. Lintik na shortcut yung tinuro sakin ni Benjo, ang layo! Hay! Jusme, kapagod.” Naghanap pa sya ng upuan na muupuan. Nag-iwas ako ng tingin dahil malapit na sya sa’kin at baka mamukhaan pa ako. “Uy! MR. AA! Ikaw ulit? Hahaha! Tignan mo naman ang pagkakataon. Ang bilis mo namang nakarating dito!” Diretso lang akong tumingin sa bintana. Kapag minamalas ka nga naman.  “Hahaha! Papunta ko ngayon ng Manila, trip ko lang!” Adik ba toh? Feeling nya naman kinakausap ko sya. Tss. Drug user ata to baga namatay. “Joke! Andun kasi yung mga kapatid ko, si Mika at Hershey. Antagal ko na kayang di nakikita yung dalawang yun. Well, gusto kong makita ulit sila. Ayos ba?” Austin, mag focus ka sa salamin. Tsaka ano ba ‘tong multong ‘to? Tss, papansin. “Haaay. Kainis naman tong sitwasyon ko. Gusto kong makipag usap pero wala namang nakakarinig sa’kin.” Nakita ko yung lungkot sa mga mata nya. Hindi pa siguro sya handang mamatay. Pero well, ganito talaga ang buhay. Una-unahan lang yan. Pwedeng mamaya, mawala ka na. Hindi naman natin hawak ang kapalaran natin para mabuhay. Maya maya ay lumapit sya sa’kin at tinignan na naman ang leeg ko. Argh. Ano bang ginagawa nya “Lumunok ka ulit katulad nung kanina please...” Napalunok naman ako dahil sa kaba kaya tuwang tuwa sya. Langya naman! “Mr. AA, pagdating natin sa Maynila, sa’yo ko sasama hah?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD