Prologue:
Ang multo ay kathang-isip lamang daw ng mga tao, ngunit maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa’yo na dalawa sa 200 na taong nakikita mo eh MULTO?
[SERENITY’S POV]
Patay na’ko. Pero hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako sa mundo ng mga tao.
Patuloy akong naglalakad sa paligid nyo.
Walang nakakakita sa’kin dahil isa na kong multo.
Tama. Isa kong nilalang na hindi nakikita ng mata nyo.
Pero nagbago ang lahat ng makilala ko ang isang lalaki na gumulo sa mundo ko.
Nakikita nya ang lahat ng ginagawa ko.
Wala akong takas sa kanyang pagiging suplado.
Kung makaasta, akala mo kung sino.
Pero hindi ko akalaing sa ganung klaseng tao mahuhulog ang PUSO ko.
Dapat ko ba sa kanyang ipaalam ang nararamdaman ko?
Kahit isa kong multo?
[AUSTIN’S POV]
Nakikita ko sila.
Nararamdaman ko sila.
Naririnig ko sila.
at NASASAKTAN ko ang tulad nila.
Nakikita ko ang hindi nakikita ng iba.
Pero kahit ganun...
Wala akong pakialam sa mga multong nakikita ko.
Bawat isa sa kasi sa kanila, may hiling na dapat sundin ng mga taong kagaya ko.
Pero nagbago ang lahat ng dumating sya sa buhay ko.
Kahit naiinis na ko, sya pa rin ay nasa tabi ko.
Hindi ko alam pero sa tuwing kasama ko sya, KUMPLETO ang bawat araw ko.
Kaya ang masasabi ko lang, “HOY MULTO! INLAB AKO SA’YO!”
---
Si AUSTIN. Matapobre. Mayabang. Makasarili.
Paano magbabago ang buhay nya pag nakilala nya na ang multong magpapaibig sa kanya?
Paano nya tutulungan ang babaeng patay na?
Ano ang magagawa ng 3rd eye nya...
Kung sa huli ay masasaktan lamang din sya?
Handa ba syang tanggapin ang mga pagsubok na dadating sa kanila? O baka naman... PRIDE pa rin ang paiiralin nya?
---
“Bakit kung kailan patay na ko, tsaka pa tumibok tong puso ko?”
-SERENITY
“Bakit sa dinami dami ng tao, sa isang multo pa nahulog ang puso ko?”
-AUSTIN
“True Love never dies...”
Humanda ng kiligin, tumawa, malungkot at mamangha.
“HOY MULTO! INLAB AKO SA’YO!”