bc

Langit at Lupa : Tama ba ang piliin ka?

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
family
love after marriage
sensitive
dare to love and hate
drama
heavy
office/work place
wife
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Tuluyan ng kinalimutan ni Joni ang First Love niya nang mag-asawa ito. Tanging si Zack ang naging sandigan niya sa kanyang kalungkutan. Lagi siyang pinapasaya nito nung panahon na malungkot siya. Pero paano kung tutol ang kanyang mga magulang dito? Kaya ba niyang talikuran ang mga ito makapiling lang ang taong inakala niyang sagot ng langit sa kanyang kahilingan. Kakalimutan ba niya ang nais niyang makuha na maging proud din sa kanya ang ama pagdating ng araw. Saan ba siya higit na sasaya? Paano kung pinipilit lamang niyang itama ang maling desisyon dahil natatakot siyang aminin sa lahat na nagkamali siya? Dahil nagbago ito simula ng magsama sila. Is it better to be alone than to be lonely? May pag-asa pa kayang matagpuan ni Joni ang pinapangarap niyang masayang pamilya?

Tunghayan ang struggle ni Joni sa kanyang bagong mundo.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - New work, New Life
First day ko sa bago kong work. Aligaga ako kung ano ba ang dapat kong isuot. Hanggang sa napagdesisyunan kong suotin ang cream na bulaklaking blouse at powder blue na skirt na lagpas tuhod. Flawless na ko ngayon, and I thank God for that miracle. Dininig niya ang panalangin ko kay Saint Claire, sa dami ba namang mongha ang nagpepray dun. Nagdonate ako para mapabilis na matupad ang kahilingan ko at maging dibdiban ang kanilang panalangin. Hindi ko na kasi kaya pag ako lang, tingin ko hindi naririnig ni Lord. Kailangan na ng empowerment para ma-pray over ako. "Joni, bilisan mo na dyan. Kanina ka pa dyan hindi ka pa nakakaalis. Ang ate mo kanina pa nakaalis eh una ka pang gumising dun." reklamo ni Mama habang nililinga ang pag-ikot ikot ko sa bahay. "Ma, hindi ko kasi mahanap yung sandals na gagamitin ko. " lahat na ata ng ilalim sinilip ko. Ilalim ng sofa, ilalim ng kama, ilalim ng tokador at lahat na ng ilalim hinanapan ko na. "Yung white ba? Baka yung ipinatong ko sa ibabaw ng tokador papuntang CR. Pakalat-kalat ka kasi eh." ani Mama habang naghuhugas ng plato sa kusina. Nung makita ko na. Dali-dali ko ng isinuot para hindi ako ma-late sa unang araw na pagrereport ko. Excited na ko. Nakilala ko si Juana, siya din ang nagpaexam sa akin nung mag-apply ako. Singkit siya, nakasalamin siya ng makapal na akala mo si Miss Tapia ang dating. Nakabestida din siya pero parang tomboy kung kumilos, siga ang dating eh. Ganun daw pag Monday ang dress code, pero sa susunod na mga araw puede ng jeans ang isuot namin sa opisina. Mas matanda sa akin si Juana. Beinte uno pa lang ako at siya naman ay nasa beinte siyete na pero single pa din pero may boyfriend. Mapapasana-all ka na lang. Eh kelan kaya ako magkakaboyfriend? Bagong environment, kaya kalimutan ang masalimuot na nakaraan. Bawal ang mga negative vibes, kasama dun na kailangang kalimutan ay ang pagkaheart broken ko kay Henry. Akala ko pa naman siya na ang itinadhana sa akin, hindi pa rin pala. Ipinakilala sa akin ang lahat ng makakasama ko sa trabaho. Dalawa lang kaming staff sa opisina at isang Supervisor sa warehouse at isang Manager sa operation. At sa loob ng warehouse ay may sampung warehouseman, pero hindi ko matandaan ang mga pangalan nila nang ipakilala ako. " Guys, eto nga pala may bago tayong makakasama dito. Si Joni, encoder siya dito tulad ko. " pagpapakilala ni Juana sa akin habang nagngitian naman ang mga ito. " Siya naman si Sir Dhar, ang warehouse supervisor. At si Sir John, yung nag-interview sa'yo nung nag-apply ka pa lang na manager natin. dagdag pa ni Juana. Panay tango at ngiti lang ang nagawa ko. Naiilang pa ko sa kanila dahil nga puro lalaki sila at kami lang ni Juana ang babae. Sabay pasok naman ng isang kadarating lang, galing siya sa warehouse at mukhang pagod dahil pawisan pa. Nakatopless siya kaya kita ko ang tagaktak na pawis niya na natulo papuntang abs. Hunk ang dating kung susuriin, parang Piolo Pascual ang dating o malabo lang ang mata ko kaya ganun ang tingin ko he he. "Zack, halika dito. Ipakilala kita dito sa bago nating encoder na si Joni." sabay baling sa akin ni Juana. "Joni, siya ang dating encoder dito kaso mas pinili niyang magtrabaho sa warehouse. Ayaw daw niya dito sa loob, nabobored siya." Nagulat ako. Na parang mas ninais pa niyabg idemote ang sarili. Mas pinili pa niyang magpagod sa loob ng warehouse at tiisin ang init sa warehouse kesa dito sa opisina na malamig dahil sa aircon at mas magaan ang trabaho kung tutuusin. "Pamangkin siya ni Sir John, pati etong si Derick." sabay turo dun sa isa. Kaya pala parehong silang hindi nagkakalayo ng kulay. Magpinsan sila ni Zack kaya parehong sunog ang balat. "Good morning, Madam Joni. Good morning din sa'yo, Madam Juana." sabay kindat pa ni Derick kay Juana. "Anong iginanda ng morning aber." sabay irap ni Juana kay Derick. Mukhang I feel something sa pagkakatingin ni Derick kay Juana na parang may pagsamba. Si Zack naman ay nagtuloy na sa CR para siguro maghugas ng katawan dahil paglabas niya ay mukhang freshness na siya. Hindi siya nahihiyang magtopless kahit alam na may babaeng nasa paligid. Sabi nila, kapag may s****l experience na ang lalaki ganun talaga balewala na ang nakahubad baro hindi katulad ng wala pang virgin na conscious pa sa itsura nila. Pero in fairness, may karapatan naman kasi fit ang muscle niya at flat ang tyan at may naumbok na pa- pandesal. Kulang na lang ng kape, masarap lalo na kung hot. Ano ba yang nasa isip ko? Kung saan-saan tumatakbo. Hindi ko naman naramdaman na kailangan kong magboyfriend dahil nga sa busy naman sa trabaho buong linggo At pag-uwi eh pagod na din, at gusto ko na lang matulog sa sobrang pagod May landline kami sa bahay nun. Doon ko ginagamit ang libre kong oras kapag linggo na wala akong pasok. Kasi madaming natawag sa akin na nanghihingi ng payo. Bukod sa pagsusulat, ang pagkakacounselling ang isa ko pang adhikain sa buhay in my spare time. "Joni, ang telepono. Kanina ka pa dyan, uusok na yan sa sobrang init. " sita ni Mama sa akin. "Ma, saglit lang. May problema kasi yung kasamahan ko sa lovelife niya. Pinapayuhan ko lang." tinakpan ko muna ang mouthpiece para hindi marinig ng nasa kabilang linya. "Bakit sa'yo nahingi ng payo ang mga yan eh hindi ka pa naman nagkakaroon ng karelasyon. Malay mo dyan?" hindi makapanowalang tanong pa ni Mama. Nagpaalam na muna ko sa kausap ko dahil nakaramdam na din ako ng sakit ng tainga sa tagal ng pag-uusap namin. "Ang galing ko daw kayang magpayo. Hindi naman kailangang maranasan ang sitwasyon para malaman mo kung ano ang tama sa mali. Ako kaya ang best in Moral Guidance at Values Education nung high school kaya kering-keri ko yan. Mas mahirap pa nga yung sinosolve kkng Math problems kesa dun sa pinoproblema nila eh." proud ko pang sabi. Pero bakit ganun? Ang galing kong magpayo sa iba, pero kapag ikaw na pala ang nasa sitwasyon. Mahirap na iapply ang pinapayo mo. Parang ang hirap gawin ng akala mong tama. "O Zack, bakit ka andito? Akala ko ba ayaw mo dito sa loob ng opisina, di ba nabobored ka dito?" sita ni Juana habang tinuturuan niya ko sa system para makapagprocess ng warehouse pick ticket. "Dati 'yun, ngayon may maganda ng tanawin dito kaya masarap ng tumambay." ngingiti-ngiti pa na sabi ni Zack. "Naku! Dun ka na sa loob ng warehouse, at nakakaistorbo ka. Upuan ko kaya 'yang inuupuan mo" sabi pa ni Juana. Kaya umalis na si Zack sa takot na isumbong siya sa Uncle John niya na manager namin. Dumating ang araw na kinaiinisan ko, na sana wala na lang sa kalendaryo para sa miyembro ng samahan ng NBSB(No Boyfriend Since Birth). Ang February 14, Valentine's Day na siyang inaabangan ng mga may lovers o special someone sa buhay. Bakit ba kasi masyadong big issue na dapat may date ka. May pasok kami nun. May pinapatrabaho pa ang client, pero etong mga warehouseman puro ayaw ng magtrabaho kesyo halfday lang sila at may date. Eh di kayo na ang may date, as if naman I care. Hindi ko alam kung bakit halos lahat sila nagmamadaling makauwi. At eto namang client, nakiayon dahil Saturday naman daw, halfday na lang daw ang operation para makapagdate pa habang hindj pa daw siksikan kung sa gabi. Naiinis akong nagpunta sa warehouse, para ako na mismo ang kumuha ng item kaysa mag-utos pa sa mga warebouseman na parang ayaw pagpawisan kaya ayaw magtrabaho. Malapit na ko sa area na pagkukuhanan ko ng item. Nang makita ko si Zack na nakaupo malapit dun sa rack. Nakasalampak siya sa sahig. Mukhang sumisimple ng tulog at naramdaman lang siguro na may dumating kaya tumunghay. "O andito ka pala? Anong ginagawa mo dyan?" nagulat ako na may tao pala sa sulok na yun. Kasi inaasahan ko na andun sila sa quarter nila para magpalit ng damit dahil mga atat na ngang makauwi. "Wala naman akong date eh kaya hindi ako nagmamadaling umuwi. Gusto mo tayo na lang ang mag-date 50-50 nga lang." sabi niya habang nakangiti sa akin. Nakadekwatro na siya na nakaupo sa sahig. "Nek-nek mo." Kinabahan akong bigla. Pero hindi ko pinahalata, sabay irap at dali-dali ko ng kinuha yung item na kailangan ko at nagmartsa pabalik sa opisina. "Sungit naman neto." narinig ko pang bulong niya habang tatawa-tawa na pinagmamasdan ang pagwowalkout ko. Kaya pati tuloy ako napahalfday na din kasi walang gustong magstay at pauwi na ang lahat. Umuwi akong nagngingitngit sa bahay. Si Juana magkikita sila ng boyfriend niya sa Marikina at may date sila. At si sir Dhar ay may pasurprise sa misis kaya uuwi din ng maaga. Ang manager nga namin ay hindi na pumasok dahil sa nagdate ng out-of-town kasama ang asawa. Ang init-init ng ulo ko nang makauwi ako at nagpapapadyak ako na nagkulong sa kuwarto. Napansin ata ni Mama kaya sinundan ako. "Bakit ang aga mo, wala ka bang date?" pang-asar din na tanong ni Mama habang nakikita niyang nagpapalit ako ng pambahay. "Naku, Ma! Pati ba naman ikaw? Parang pag hindi nakipagdate ng Valentines, parang hindi normal sa inyo. Ayaw mo nun, deretso ako sa bahay. Dapat nga matuwa pa kayo at ang tino ng anak ninyo" depensa ko. " Anak, graduate ka na. Nagtatrabaho na nga. Kaya puede ka ng magboyfriend. Wala pa bang nanliligaw sa'yo? Hindi ka nagmana sa 'kin, ligawin ako nung kabataan. Ang ate mo, ganun din. Samantalang ikaw 21 ka na, wala pang umaakyat ng ligaw sa'yo diyo sa bahay." nakakasakit ang sinabi ni Mama ah. Parang sinagi niya ang ego ko. "Ma, pano aakyat? Eh wala namang hagdan ang bahay natin." pabiro ko na lang na sagot. "Naku, ewan ko sa'yo. Pilosopo kang bata ka. Basta huwag kang kukuha ng katulad ng tatay mo, lasenggero. Para hindi sumakit ang ulo mo katulad ko. Ate mo, gagabihin na naman 'yun. May lakad na naman sila na mga ka-officemates niya, magdisco daw sa Calypso. Dapat nasama ka na lang sa kanila, para hindi ka nagmumukmok dito sa bahay nang makapagnight life ka. Magbuburo ka na naman dyan, kababasa ng pocketbook. Dyan mo nakukuha yang mga pinapayo mo eh noh" litanya ni Mama, ang haba ng sinabi eh. "Ma, hindi ako mahilig magpuyat. Itutulog ko na lang yan kaysa gumimik, gastos pa. Eto nga pala, Ma. Hati tayo nakasuweldo na ko." lapit ko kay Mama para abutin ang kalahati ng sinuweldo ko. "Naku, Joni. Itabi mo na lang yan. Ipunin mo para may savings ka. At mayroon naman ako dito. Nasuweldo din naman ang tatay mo. Kasya na sa atin yun at si Joshua na lang naman ang nag-aaral eh wala namang gastos at nasa public lang naman. Si Joshua, ang adopted namin na binigay kay Mama ng pinsan niya as a gift. Ang kuya ko naman ay Electrical Engineer sa Ionics at si Ate naman ay sa Purchasing sa Pepsi. Minsan, napapaisip din naman ako. Nung hindi pa puedeng manligaw, ang daming gustong pumunta sa bahay. Ngayon naman na puede na, bakit nga walang makaalalang dumalaw? Ang bilis ng mga nangyayari sa buhay ng nasa paligid ko. Si Mitch na bago din na encoder, nagkaboyfriend agad sa isa naming processor. Si Zack nag-asawa na din at nagpakasal sa probinsya at buntis agad ang babae. May isang nagparamdam na processor din, si Richard pero kakatakot. Balita ko nagdadrugs pero patawag-tawag siya sa phone lalo pag alam niyang overtime ako. Binigyan ako ni Ate ng prospect. Executive level daw sa Isuzu. Hindi ako tumitingin sa status sa buhay. Sapat na sa akin na napapasaya ako. Pangarap ko lang ay simpleng pamilya na masaya at may affectionate na asawa. Hindi ko naghahangad ng yaman. Kasi sa mga napapanood ko, karamihan inaapi ng matapobreng byenan. Naniniwala ako na hindi pera ang makakapagpasaya sa tao.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
3.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
793.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
569.6K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
29.0K
bc

Dominating the Dominatrix

read
53.3K
bc

The Lone Alpha

read
123.5K
bc

Remarried Again: My Husband's Brother.

read
7.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook