ALAM kong lasing lang siya. Pilit kong ipinaiintindi sa isip ko iyon. Caliban is just drunk, okay? Ang mga bagay na ginawa at ipinadama niya sa akin ay hindi intensyonal. Wala siya sa matinong pag-iisip. It was the alcohol. Hapo ko siyang tinignan mula sa kinatatayuan. He’s sleeping at my father’s room, now. Iyong dalawa, naroon pa rin. Ang guestroom, marumi at maraming painting ang nakatambak kaya’t dito ko siya dinala. After he said those words, he passed out. Mabuti’t nasambot ko. Manang is probably already sleeping. Ang driver ang siyang naging katulong ko sa pagbuhat sakanya. Hindi ko gamay ang pag-aalaga ng taong lasing kaya naman kinailangan ko pang magtanong. I removed his shoes and jacket. Tapos, sinindi ko ang aircon. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin pagkatapos siyang puna

