KINAUMAGAHAN noon ay tinanghali na ako ng gising. Pagkamulat ng mata, agad akong tumingin sa ibaba ng kama pero katulad nang inaasahan nang matantong mataas na ang sikat ng araw ay wala na ito. Wala na si Caliban. Nakaligpit na rin nang maayos ang pinaggamitan nito sa single sofa. Agad akong naglinis ng mukha at nagsipilyo bago bumaba. When I went down, I asked Manang if Caliban ate before he left. Pero mali yatang itinanong ko. She didn’t know Caliban slept here. I was forced to tell her about what happened. Tinukso pa ako nitong baka raw ‘bininyagan’ ako ni Caliban. Nakakahiya tuloy. If that was the first thing she thought upon knowing it, papaano pa kaya ang driver? O sina Vanessa? Tumanggi ako at sinabing hindi naman kami magkatabi na natulog. Dahil alas onse mahigit na noon ay nags

