“I HAVE enrolled you, Liberty. Ang mga gamit mo, bibilhin ko bukas. Gusto mo ba ng bagong sapatos pamasok? New uniform? Kasya pa ba iyong sinusuot mo noong nakaraang taon?” Pagkatapos kumain ng agahan ay tumawag si Papa. Nagtatanong sa mga nangyari kahapon, noong isang araw. Tapos ngayon, tungkol sa pasukan sa susunod na buwan. Mukhang gusto na nitong ayusin ang mga iyon para sa pagbalik ko’y wala na akong iintindihin. “Thank you, Papa.” Tumagilid ako ng higa. I smiled at the cam. “But I want to buy my own things. I promised Andra and Louisse.” “Alright then. I opened a new debit card account under your name, you can use it.” “I already have one.” “This one’s new, and it’s black.” “You know, Papa. When you give me everything, I lose the feeling of wanting to earn money in the future.

