"S-Sir. . .h-hindi niyo ho ako ipatatanggal s-sir?" Akala ko sasabihin niyang mali ako dahil sinamaan niya ako ng tingin. "Stop calling me by my name when it's just the two of us. I'm sick of you calling me with that 'Sir'." Napahimas ako ng batok ko at tumango. A-Ayaw niya? Kahit nasa opisina kami? Hindi ba't bastos pakinggan iyon? Chief executive pa naman siya at boss ko pa? Ngunit sa tingin niya ngayon. . .seryoso talaga siya. "S-Seryoso po ba kayo?" Imbes na sagutin ako, blangko pa rin siyang nakatingin sa akin. "P-Pwede po bang magtanong?" "Nagtatanong ka na." Kinagat ko muna ang labi ko bago nagpatuloy. "Para san po sir-" natigilan ako sa pagsalubong ng mga kilay niya. Narealize kong nasabi ko na naman pala ang pinagbabawal niyang salita. Nagpatuloy na ako, "H-Hindi

