Chapter 13: Deadly Joke "P-Pero iba ho yung sinasabi sa mga sites. . . w-wala hong nabanggit sa mga balita tungkol ho sa pamilya n-ninyo. . ." Napangisi siya. "Then I'm telling you a different thing, Sarcuevas. Something that is not disclosed to many." Doon ko mas napagtanto ang gusto niyang sabihin sa pagtama ng mga tingin namin. Lumingon na siya upang magkaharap kami, "That'll be the end of our debate-" "-Halimaw ka." Doon ko na nakumpirma ang asumpsiyon ko nang mapangiti siya sa sinabi ko. Napakunot ako ng noo. "Iyon ho ba ang gusto niyong sabihin ko? Pasensiya ho ngunit hindi ko ho talaga kayo nakikita bilang ganun." Bumalik ang pagiging malamig niya. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Sasagot sana siya ngunit muli ko na naman siyang inunahan. "H-Hindi ko ho maintindi

